'WAKE UP! WAKE UP! WAKE UP! WAKE U—"
Humalik sa akin ang sinag ng araw mula sa bintana ng apartment ko. Tumingin ako sa cellphone ko na sumisigaw sa akin. Six AM na, mabuti pa't kumilos na ako. Ano kayang panibagong mangyayari ngayon?
As usual, kape mula sa coffee maker at tasty bread na may itlog at ham. Wala kasing pandesal dito. Binuksan ko yung TV para may kaunting tunog naman dito sa loob.
"GOOD MORNING NEW YORK! Today is the 16th of August and the winter breeze is just about settling in with 14 degrees Celsius in the air. Christmas is also around the corner so make sure you do your Christmas shopping in advance! Speaking of Christmas rush..."
Nagpatuloy na ako sa morning routine ko: toothbrush, shower, at pag-ayos ng gamit. Simpleng white polo at black na blazer, tsaka white jeans. Nagtatali na ako ng buhok palagi, at hindi naman kasi ito concern masyado sa pinapasukan ko. Kagaya ng gawain ko sa Pinas, idouble check ang bahay mula kuryente, tubig at hanggang sa mga bintana. Pagbukas ko ng pinto, agad na bumungad sa akin ang sinag ng haring araw at lamig ng simoy ng hangin. Pinasok ko na kaagad ang dyaryo na nasa floor mat ko.
"Good morning Dante!" Isang matandang babae, bilugan ang salamin at puting-puti ang buhok ang bumati sa akin. Medyo matanda na siya at kumukuba na.
"Good morning Mrs. Erikson. How's your grandson?" Sagot ko sa matanda. Tinulungan ko na siyang kunin ang dyaryo niya't hindi na siya makayuko.
"Thank you dear. Oh Marvin's little boy hasn't arrived yet. Good luck on your job today dear!" Masayang sagot ng matanda. Pagbaba ko ng apartment, busy na agad ang kalye ng New York. Nilalamig din ang mga tao't makikita mo ang hininga na binubuga nila. Paano pa kaya akong Pinoy na nandito.
Ako si Dante Rio, 28 years old, at professor sa The Julliard School. Sampung taon na akong naninirahan dito sa America, mula isang scholar at isang propesor. Dahil sa scholarship na 'yon, isa akong citizen dito sa U.S. Kung ako ang tatanungin, ang pinagkaiba lang ng Pilipinas sa America ay mas malamig lang dito. Siksikan din sa tren o di kaya maga-abang ka ng taxi, oh di kaya lakarin mo nalang. Maagang nagbubukas ang mga negosyo dito, parang sa Pinas lang din.
"Dude, you saw the trailer last night?"
"Dude it was lit AF!"
"HELLO? I'm here at Port Authority Station...I'm losing you...hello? Hello?"
"Geez...the Republicans are at it again."
"You don't say? They've been pretty persistent lately aren't they?"
Well...siguro mas tahimik ang mga tren sa Pinas. Lahat ng tao dito may kanya-kanyang business o ganap sa sarili. Makalipas ang ilang stations, umakyat na ako mula sa subway at bumungad na agad sa akin ang Julliard School. Kaunting trivia lang, since 1905 pa ang The Julliard School at isa 'to sa mga pribadong Universidad na may specialty sa music. Music theory, Strings, Vocals, Piano, you name it, meron sa Julliard.
"Good morning Sir Rio!"
"Good morning." Pangiting sagot ko sa dalawang estudyante. Pangalawang taon ko na magturo dito sa Julliard, at grabe ang tangkad ng mga bata dito. Almost everytime tumitingala ako sa mga estudyante dito. Five-foot-seven ako pero parang wala lang 'to kumpara sa mga teenagers na nandito. Pagpasok ko sa faculty, agad kong binaba ang mga gamit ko sa table ko.
"DANTE!" Isang blonde na lalake ang dumungaw sa likuran ko. Halos six feet siya at well-built na katawan. Neat and tidy ang kanyang buhok at pati narin ang brown niyang professor outfit.
"Good morning, Dennis." Tugon ko sa kaya. Siya si Dennis Braddock, thirty two years old, professor ng vocals. Naging magkaibigan agad kami ever since nagsimula akong magturo dito sa Julliard. "I'm guessing Alena didn't get mad at you?"
BINABASA MO ANG
Never Broken [COMPLETE]
Romance'Kaya mo bang harapin ang nakaraan para ayusin ang mga naiwan mong sugat?' Limang taon ang nakalipas mula nung umalis si Dante Rio sa Pilipinas para mag-aral sa Julliard, isang prestihiyosong unibersidad ng musika sa New York, siya ang pinakabata at...