Since busy parin si Lorelei, nagdesisyon kaming pumunta kay Jeanne at Lee kinabukasan. Inisip din ni Camille na wag munang sabihin kay Lorelei na nandito na ako sa Pilipinas. Habang nasa Grab car kami, kinalabit ako ni Camille mula sa backseat.
"Dante, babalaan lang kita."
"Bakit?"
"Well...una baka saktan ka din ni Jeanne at Lee. Pangalawa, nasa gitna sila ng preparasyon ng kasal nila in a few weeks, kaya easyhan mo lang sila...lalo na si Jeanne." Mariin na sagot ni Camille. Tumango ako sa kanya. Balita ko sa kanila, nakapag civil wedding din muna sila ni Jeanne at Lee kaya nagsasama sila ngayon sa inuupahang bahay ni Lee.
Nakarating kami sa apartment nila Lee at Jeanne. Binuksan ni Camille ang pinto, at nakita namin si Lee na may kausap sa phone, habang busy si Jeanne na nagpapalit palit ng pages sa isang ledger.
"Hello!" Sigaw ni Camille. "May bisita kayo!" Hinatak ako ni Camille papaharap sa kanila.
"Dante...? Uhm, tatawagan kita ulit...sige..." Binaba ni Lee ang telepono niya at lumapit sa akin. Ineexpect ko na sasaktan niya ako, pero hinatak niya lang ako at niyakap. "Mabuti nakarating ka..."
"Congratulations Lee..." Ngumiti ako sa kanya.
"Mahal! Si Dante!" Nang marinig ito ni Jeanne, agad siyang tumigil sa pagbabasa ng ledger niya.
"Seryoso?! Oh my gosh!" Tumakbo sa akin si Jeanne, niyakap ako ng two seconds sabay tulak sakin palayo. "Bakit hindi ka nagpaalam samin?!" Sigaw ni Jeanne sabay ng dalawang sampal sa magkabilang pisngi ko.
"Congratulations din Jeanne..." Bulong ko sa sarili ko.
"Thank you!" Sigaw ni Jeanne, sabay hatak sa akin para yakapin ako ulit. "Mahal, pahiram ako ng phone. Kailangang matawagan na natin yung chapel sa Tagaytay para mai-sure natin yung date!" Hindi na nakasagot si Lee at hinablot agad ni Jeanne yung phone at lumabas.
"I'm sorry Dante." Patawang sagot ni Lee. "Masyado lang talaga kaming busy sa kasal namin. Pasok kayo!" Umupo kami sa living room nila at hinandaan kami ni Lee ng softdrinks, kape, at tinapay.
"Congratulations ulit sa inyo, Lee." Tugon ko kay Lee. "I'm sorry kung ang dami kong nalagpasan for the past ten years."
"Okay lang 'yon bro." Sagot ni Lee. "Nagdesisyon din kaming wag kang ikontak dahil baka kailangan mo din kasi ng privacy...after din naming malaman yung sa parents mo. Pero pinagdasal namin na sumagot ka ng YES sa RSVP namin, at salamat sa Diyos at sinagot Niya ang dasal namin." Hinawakan niya ako sa balikat para magpasalamat.
"Eh si Lorelei? Nakausap mo na ba?" Hindi ko siya nasagot, at nang tumingin siya kay Camille at Anthony, humindi lang sila. "Ah...I see. Understandable naman...after ng huling pagkikita niyo ten years ago."
"Okay lang. Kailangan lang siguro ng time. Eh ikaw? Yung kasal niyo? Kamusta na? Paano ka pala nagpropose?" Ngayon na nakita ko si Lee, napansin ko din na nasasanay na siyang mag Tagalog.
"Mahirap, pero alam mong worth it sa huli. Mahirap kasi namatay yung grandparents ni Jeanne nung nasa Philippine Women's University pa siya, kaya wala akong nalapitan para pormal na hingin yung kamay niya sa kasal. Eh alam mo naman din yung biological parents niya..." Oo, naalala ko pa. Iniwan si Jeanne ng both parents niya...as in neglected si Jeanne. Siguro napakahirap dahil wala nang kasama si Jeanne.
"Tito Lee?" Biglang pumasok ang isang dalaga. Maitim, mahaba, at diretso ang buhok niya. Maputi siya at nasa tamang porma at tindig ang katayuan niya. fNakalagay sa necktie niya ang salitang Senior High. Lumapit siya kay Lee para mag mano, pati narin kay Camille at Lee, na tinawag niyang Tito at Tita. Tumayo ako sa inuupuan ko, at nakipagkamay sa akin ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Never Broken [COMPLETE]
Romance'Kaya mo bang harapin ang nakaraan para ayusin ang mga naiwan mong sugat?' Limang taon ang nakalipas mula nung umalis si Dante Rio sa Pilipinas para mag-aral sa Julliard, isang prestihiyosong unibersidad ng musika sa New York, siya ang pinakabata at...