Maaga na naman akong nagising ngayon, kailangan eh at alam kong tulog pa ngayon si cloe kaya ako na lang ang maghahanda ng agahan.. marami na sya ng naitulong sa akin kaya kahit sa ganitong paraaan ay makabawi man ako kahit kaunti..
bumangon na ako at naligo bago lumabas para magluto, kumuha ako ng itlog, hotdog, at bacon, ito ang inuna kong lutuin saka sinunod ang fried rice na nilagyan ko ng carrots at beans paborito to ni cloe kaya dinamihan ko na, gumawa rin ako ng kape para sa aming dalawa nagtoast ako ng tinapay at nilagyan ng strawberry jam sa ibabaw that's how we like our breakfast..maya maya lang ay magigising na yun si cloe pagnakaamoy ng pagkain yun susugod agad yun...
"Goooddddd moooooring besssyy" .....ouch that hurts sabi na nga ba eh oh ayan na sya
"oh my god my favorite.." sabi nya saka na umupo at nilantakan ang pagkain, umupo na rin ako para saluhan sya,
"uyy cloe buti may mga ganito ring pagkain dito noh?" tanong ko..
"oo naman bessy ako nagdala nyan ehh galing sa refrigerator nyo yang mga hinanda mong agahan" sabi nya sabay ngisi, ang babaeng to talaga.. Natawa na lang ako sa kanya
"ikaw talaga heto na nagluluto ako ng fried rice, egg,hotdog, at bacon kumain ka na-" naputol na ang sa sabihin ko ng may isa pang boses ng babae akong narinig mula sa sala
"Raven... Asan ka? Yohoo" sabi nung tinig "kitchen" pasigaw namang sagot ni Cloe.. Raven ang tawag sa kanya rito!
"kyahh I miss you so so so much..." sabi nung babaeng maganda mahaba ang buhok na kulay sky blue, matang kulay ocean blue, matangos na ilong matangkad, maputi, makinis, wow...lahat ba ng nakatira rito magaganda at gwapo? sila ang proweba eh oh una si Rohan, cloe, at sya Di ko kilala.
"oh my god.. Food" ...tuwang tuwa naman sayang umupo saka tinitigan ang pagkain saka tumitig sa akin..
"uh I'm sorry nakaistorbo ata ako sa inyo ehh hehe ako nga pala si Princess Delavigne Forth Agua, you can call me lovi (*lovi*) you are?". Tanong nya sakin
"oh hi my name is.... Shaylie Rivas please call me shaylie.. Nice to meet you,.."
Hindi ko na sinabi real name, complete name ko sabi ni Cloe este Raven pala, yung name ko lang sa mundo ng mga tao ang gagamitin ko dahil wala raw pwedeng maka alam na nandito na ako sa mundong ito at buhay ako... bakas ang gulat sa mga mata nya agad naman syang nakabawi saka ngumiti at nakipag-shake hands..
"wow mukhang masarap pwede makikain?"
"oo naman sandali lang ah ikukuha kita ng juice at sandwich..". Sabi ko tumango naman sya saka ako tumayo at kinuha ang natitira sa kusina pagkabigay ko ay nagpasalamat sya
Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming tatlo umalis para makapagenroll nagkwentuhan kami habang lumalakad hanggang nakarating kami sa pupuntahan namin sabay sabay rin kami nagtake ng entrance exam.. Infairness ah meron rin paganito rito..
Sa Royal class naman mapupunta si cloe at lovi ako hindi ko pa alam transferee kasi ako kaya ang sabi nila baka lower class ako mapunta okay lang naman sa akin ehh kaso malulungkot ako dun..
maya maya lang ay dumating na yung results ko kinuha naman yun Raven saka binasa..
"kyahhhhhhhh...." biglaang sigaw nya kaya napatakip kami ng tenga
"Shaylie sa Royal class ka naka assign... Dahil siguro valedictorian ka nung high school bessy, congrats magkakasama tayo sa isang class.. Yieee" excited na sigaw nya..
Bukas nga pala ang start ng klase free daw muna ngayon pwede maglibot sa buong campus, at yun ang goal namin ngayon ililibot nila ako para maging familiar ako sa Lugar para daw hindi ako malito o maligaw kung sakaling maglalakad ako ng mag isa rito
Ilang minuto din kaming naglakad tinuro nila saken ang classroom namin parang normal na classroom lang sya pero malinis at maganda yung sitting arrangement nila sa bawat classroom simula pataas pababa parang hagdanan ba parang arena pero half lang.. Tapos yung pinto ay nasa pinaka itaas...
Nalibot na namin ang buong campus canteen na lang ang natitira alam nyo na siguro kung bakit..
"next is canteen..gosh I am so so hungry.. Anong kakainin natin Raven?" tanong ni lovi kay Raven na mukhang excited rin ano kaya pwedeng kainin dito.. Dapat masanay na ako na Raven ang pangalan ni Cloe
"ahm gusto ko ng burger at fries tsaka shake, and lahat na" sagot naman ni cloe
"Anong sayo shaylie?" sabay nilang sa akin saka sila nagkatanginan at nagtawanan kaya nakitawa na rin ako
"so Ano na?what do you wanna eat? Come tell us!! " - si lovi
"Uh...milk tea?" I ask unsure kung meron ba dito nun..
"alright girl milk tea coming right up!" - lovi
"kyaaaa...si Princess Delavigne at Princess Raven...ang gaganda nila no!!" sabi ng isang babae
"oo nga oh my gee ngayon ko lang uli sila nakita lalo ni si Princess Raven.. But wait sino yung kasama nila? Ang Ganda din nya.." sabi nung isa pa
"Oo ang Ganda nya sino kaya sya ngayon ko lang sya nakita rito,"
"uyy girl wag lang sana nya makasalubong si Veronica Hay naku kawawa sya"
Yan ang mga naririnig kong bulong bulungan ng mga studyante habang papasok kami ng canteen kaya Di ko naiwasang magtanong
"Cloe?"
"mmm?." sagot nya
"ganito ba talaga kayo kasikat dito?"
"ahh hindi naman kami sikat pinaguusapan lang kami nirerespeto at tinitingala kasi sa grupo namin ay ang anak ng mga namumuno sa limang kaharian at ilang matataas na opisyal"
"grupo?"
"oo andito rin ang kapatid mo at ang kambal nya nakalimutan ko pala sabihin sayo may kambal si Lucas, Caitlyn ang pangalan nya ayun sila oh..nasa tabi ni Rohan" bulong sa akin ni Cloe..
"oh my god!!" maluha luha kong sabi Di ako makapaniwala na dalawa ang kapatid ko
"gusto ko silang makikila cloe please.."
"calm down girl makikilala mo rin sila just calm your nerves up.. Okay?"
Tango na lang ang tanging naisagot ko at nung kumalma na ako ay saka kami lumapit sa grupo nila nakatuon lang ang paningin ko sa dalawa kong kapatid..masayang masaya sila kasama si Rohan mukhang malapit sila.. Sya nga pala 10 years old lang sila pero muha na silang matured pero hindi naman umabot sa point na they would act like us at mawala na ng galang maayos ang pagpapalaki sa kanila ng mga magulang namin..
Pero naisip ko, bakit nga kaya hindi nila ako hinanap? O nagpakita man lang saken kahit isang beses, kahit na hindi na magpakilala
"Ano ba Shaylie mag-isip ka nga, kung pupuntahan ka nila, tiyak na susundan sila, edi pare-pareho kayong napahamak," sabi ng isip ko
Lumingon silang lahat sa gawi namin nung nasa harap na kami ng mesa nila, umupo na si Cloe at lovi sa bakanteng silya uupo na rin sana ako sa tabi nila pero pinigilan ako ni Rohan
"wait Shaylie dito ka na umupo sa tabi ko please?" tumango naman ako.. yiee ene be..kinikilig ako ahh..
Umupo na ako sa tabi nya parang bigla akong na insecure Di ako mapakali feeling ko matutunaw ako rito ano ba tong nararamdaman ko shems.. Totoo pala yung sabi nila kapag kinakabahan sila sa harap ng lalaking nagugutuhan mo my heart just felt that it skip a beat for seconds at yun ang Di ko maintindihan do like him? Um no? What ever..
"hi guys sorry were late nagtour pa kasi kami bago dumeretso dito eh" paliwanag ni lovi
"it's okay" sabi naman nilang lahat
BINABASA MO ANG
THE LOST PRINCESS
FantasyAll my life i believe that i was who i am, just a simple girl with only nothing to be proud of.. I believe that the identity that i currently have was really me. But faith really love to play, it even brought me the unknown world that i never knew e...