Chapter 12

9 8 0
                                    


Rohan's POV

"asan na kaya yun?"...lilinga linga ako sa paligid nakita ko si Raven papasok na ng dorm nila, bakit sya mag isa? Kaya naisipan kong tawagin sya

"Rav... Wait..." agad naman sayang lumingon

"oh Rohan may kailangan kaba?" tanong nya

"ah ehh, hinahanap ko kasi si shay may importante lang akong sa sabihin eh, nasa loob na ba sya?"

"aba aba parang nasasanay ka ng tawaging shay si shaylie ahh...ano na! Anong meron sa inyo?" panunuya na nya pa

"shut up Rav..so asan nga sya?"

"pshh sungit.. Andun pa sa locker nya may kukunin daw pero sabi ni Martha magka usap sila ni Joshua...ewan ko puntahan mo na lang.. Hatid mo rito wala akong tiwala sa Joshua na yun eh"

"okay sige, salamat Rav..by the way pinapasabi ni Regan na mag kita kayo bukas ng umaga sa may garden.. Bye"

"okay, bye"

Pumunta agad ako sa locker room at nagulat ako sa nakita ko roon...

Shaylie's POV

"Fire Dragon...."

Isang tinig mula sa pinto ng locker room, bigla namang tumalsik si Joshua malayo sa kinaroroonan ko..lumingon ako kung saan iyon nanggaling..

Si Rohan, sya na naman ang nagligtas sa akin..lalapitan nya sana si Joshua pero umalis na ito, bigla na lang naglaho na parang bula, kasabay nagpaglaho na rin ang dark magic na naramdaman ko sa paligid..

"Ayus ka lang ba shay?, sinaktan ka ba nya? may masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong nya.. Tanging tango na lang ang naitugon ko

*Fast forward *

Ngayon ang araw ng pagsusulit..sobrang naghanda ako tinulungan rin ako ni Cloe at ang ipinagtataka namin ay ayaw parin lumabas ng kapangyarihan ko halos isang linggo kaming nagpraktis at sinubukang palabasin ang wand pero ayaw eh...napagkasunduan na lang namin na sanayin ako sa combat para hindi raw ako maalis sa royal class..

"Shaylie! Hoy bestie.. Ayus ka lang ba? Shock ka pa rin ba dun sa ginawa sayo ni Joshua?" tanong ni cloe

"ahh... No hindi yun ang iniisip ko,nakamove on na ako dun sa pangyayaring yun Cloe"

"eh Ano yang iniisip mo tulala ka kasi Jan did you forget? Nageensayo tayo girl" oo tama sya dapat mag focus ako mamaya na ang pagsusulit at lahat ng myembro ng Royal family ay naroroon para panoorin ang kani-kanilang kamag anak

"Cloe?" tawag ko kay cloe

"hm? Bakit?"

"Sigurado ka bang ako yung nawawalang princesa?, baka naman nagkamali ka lang?" sabi ko, kaya naman tumigil sya sandali sa pagensayo, tumabi sya sa kinauupuan ko saka hinawakan ang kamay ko

"Ano ka ba bes, ikaw ang princesa nasa iyo ang mga palatandaan at ang kanyang wand.. Hindi ito mapapasakamay o magagamit ng kung sino sino Tanging ang tagapangalaga lamang ang syang makakapagpalabas nito, nagamit mo pa nga iyon hindi ba?!"

"oo, pero paano kung..."

"shaylie makinig ka, ikaw ang princesa.. ako ang paniwalaan mo"

Huminga ako ng malalim"salamat ahh..nabawasan ang pagaalinlangan ko kahit papaano, pupunta ang mga hari at reyna ng limang kaharian sa pagsusulit bukas hindi ba? So, anong mangyayari? Magpapakilala ba ako sa mga magulang ko?, gustong gusto ko na kasi silang makilala eh"   medyo excited kong sabi

Bumuntong hininga naman si Cloe at tumingin sa labas ng bintana ng sarili nyang training room.. Mukhang alam ko na ang sa sabihin nya..

Tumingin sya saken "shaylie, I am so sorry pero hindi pa sa ngayon, hayaan na lang muna natin ang tadhana, marami ka pang pagdadaanan shaylie, nagsisimula pa lang ang mga pagsubok na kakaharapin mo bago ka makikilala ng buong lumiere Kingdom...patawarin mo ako yan lang ang maaari kong sabihin sa iyo" malungkot nyang sabi

"Nakalulungkot, pero ayos lang.." nakangiti kong sabi. "Tara na maghanda na tayo.. Ilang minuto na lang magsisimula na pagsusulit.."

Mabilis kaming naghanda at nag-ayos late na nga kami..naalala ko tuloy nung nasa mundo ng mga Tao pa kami lagi rin kami pareho late, nakakamis.. Kaso lang wala na kaming babalikan pa roon, ako.. Wala na walang wala...

Pumasok kami sa isang arena napakalaki at punong puno ng mga estudyante semi circle ang hugis nito, may mataas at malaking stage sa unahan, nasa kaliwang parte ang mga Royal/higher ranks, sa kanan naman ay ang Royal families, sa gitna naman at may isang doam o transparent na barrier at doon sa loob maglalaban-laban ang bawat rank, ibat ibang kulay ang mga suot ng bawat section bale sampo(10)  section mayroon rito tatlo sa counsil rank, dalawa sa second rank, dalawa sa 3rd rank, dalawa sa high rank, at isa sa higher rank..

Kung sa mundo ng mga mortal ay 1st,2nd,3rd at 4th year college dito naman ay ranking ang pinaglalabanan, dalawa at kalahating taon lang ang pasok rito at sa kada taon ay may apat na pagsusulit, parang quarterly exams..dito masusukat kung aangat ang ranking o bababa.. Pero kahit ni-isa ay wala pa raw nakakapasok sa ranking ng royalty Maliban sa mga anak ng maharlika at may nakatataas na antas sa kaharian.. Wala na ring nangarap pa na makapasok sa claseng ito, dahil alam nilang mabibigo lang sila, marami ngang naiinggit at galit saken, dahil myembro ako ng royalty pero wala silang magawa kundi ang tumingin ng masama, dahil may karampatang parusa ang sino mang mananakit ng isang royalty, tulad na lang ni Joshua..nakick out sya dahil sa ginawa nya at ipinadala sa mundo ng mga Tao upang magsisi, hindi ko naman ginusto ng maparusahan sya, pero wala akong magagawa dahil yun ang batas..

"hoy.. Shaylie lutang ka na naman, mag focus ka nga" sermon sa akin ni Cloe habang hinahanap ang pwesto ng royalty..

"ayun... Tara nasa taas sila" hinawakan ni Cloe ang kamay ko sabay teleport.. Nagulat na lang ako na nandoon na kami, parang hagdan ang style nitong stage at may mga nakalaan upuan para sa lahat..

"Rav, shaylie buti naman andito na kayo, late na naman" sabay sabay silang nagtawanan sa sinabi ni Ella, sa mga klase kasi namin pag late kami si Prof. Liza linyahan nya "late na naman" kaya ayun tawag tawa sila

"Ano ba kayo, nahirapan lang kaming hanapin kayo no.. Malay ko rin ba na andito kayo sa stage malapit  sa Royal families, hindi naman kasi ganito dati ito eh.. Sensya po" kunwaring patampong sabi ni Cloe

"Ano ba kayo guys.. Tama na yan ahh" saway naman ni kuya Regan,

"yieeee" ...." kayo ahh"," uyyy" pangaasar nila alam kasi ng grupo na nagkakamabutihan na si Cloe at kuya Regan kaya ayan inaasar sila

"stop it guys.. Leave my brother and Ravy alone" sabi ng englesero kong crush

"Uyyy.. May naiinggit.. Shaylie Ohhh" pang aasar ni ski.. Bat naman kami nasama Hay naku talaga

"wag nga kayo Jan, nakakahiya" sabi ko tsaka na umiwas ng tingin, hindi ko na sila pinansin pa tawa ng lang sila ng tawa ehh

Na patingin ako left side ko gusto Kong makita o masulyapan man lang aking pamilya at magulang.. Nasa tuktuk ng stage ang mga magulang ko kasunod naman ay ang iba pang kaharian, napakaganda ng aking ina, mayroon rin sayang blonde na buhok katulad ko,matangkad, at mukhang mapagmahal syang ina, ang ama ko naman ay matikas, gwapo pa rin kahit may edad na.. Pareho silang nakangiti  sa sa lahat, bigla namang lumingon ang mommy ko nagtama ang mga mata namin, nagliwanag ng kunti ang iris ng mata nya kulay Royal blue ito, at pakiramdam ko ganun din ang mga mata ko, agad naman akong umiwas ng tingin, buti na lang ay nakita rin Cloe ang nangyari kaya tinulungan nya akong maupo sa upuan ko malayo sa iba pang Royalty, hindi rin nila kami napansin dahil busy na sila sa panonood ng laban sa ibaba..

"anong nangyari shaylie?" nagaaalalang tanong ni cloe

"hindi ko alam,.. Hindi ko alam kong Ano yun p-pero yung mata ni mommy nagliwanag ganun din yung akin.."

"kalma lang, powers lang yun ni tita, kinikilala ka.." sabi nya habang nakangiti.. Kaya kumalma naman ako

"o ayan, wala na yung kulay sa mata mo, grabe yung powers mo bes nadaig ang contact lens ah.." magkahalong gulat at pagkamangha ang sinabi nya "manood na lang tayo oh, susunod na ang high ranks..

At ganun nga ang ginawa namin

************************************

                                            Daserie_dale

 THE LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon