Chapter 11

9 8 0
                                    


Shaylie's POV

Mahigit isang linggo na rin akong naririto sa lumina.. isang linggo na rin mula nung nagsimula ang klase at isang linggo ko na ring iniiwasan ang grupo at si Rohan every time na magkakasalubong kami sa corridor o kaya sa kahit sayang parte ng eskwelahan ay gumagawa ako ng paraan para makaiwas sa kanya..

Ano ba na ang magagawa ko e sa nahihiya akong kausapin sya, may iba sayang mahal si Princess Ava, alam kong ako yun pero na sasaktan ako eh.. Alam ko naman na ang sa sabihin nya lang ay kalimutan na namin ang nangyari..yan ang sinasabi ng utak ko kaya natatakot akong harapin sya kasi baka ma's lalo lang akong masaktan...

Para akong tanga Ano? Gumagawa ako ng sarili kong multo hayst Ano ba kasi ng nangyayari sa akin.. Oo nga pala kailangan ko pang maghanda dahil may nalalapit nang pagsusulit kung saan kailangang ipakita rito ang kanya kanya naming angking lakas at kapangyarihan..

Ang kaso nga lang wala akong kapangyarihan ehh pano ako lalaban neto... Nakakainis naman kung anong ginaling ko sa pakikipaglaban pinangkaitan naman ako ng powers oh my god baka maexpel ako....

Ayy wait teka lang wait naman masyadong nagmamadali ehh... May wand nga pala ako no? Sana magamit ko yun....yiee oo nga... "okay, that's it" napatayo ako habang nakataas ang kamay, tumingin ako sa paligid ko "hussshhh"... ayyy....."sorry po, sorry" sabi ko na lang sa mga taong nakatingin saken gosh andaming tao dito sa library nakakahiya lagi ko na lang inilalagay sarili ko sa kahihiyan.

Umalis na ako at pumunta sa canteen pagkapasok na pagkapasok ko ay may tumawag na saken ramdam kong palapit na sya

"shaylie iniiwasan mo ba ako?" agad na tanong ni Rohet..anong isa sagot ko  oh my god

"u-uh n-n-no, hindi kaya kita iniiwasan..hindi lang talaga tayo nagkakatagpong d-dalawa ehh no? Hmm?" pilit na tawa kong sabi sa kanya kinakabahan ako eh

"please shaylie talk to me, hindi mo naman ako pwede basta basta na lang iwasan ng hindi naririnig yung side ko diba so please hear me out first" pagmamakaawa nya...

"o-kayyyy..."nag aalinlangang sagot ko sino ba naman hindi diba?

" let's go somewhere" sabi nya saka sya lumapit as in malapit at hinawakan ako sa braso.. Bakit kailangan malapit talaga sa braso lang din naman yung hawak...bigla na lang umikot ang paligid nahilo ako kaya pumikit ako, pagmulat ko nasa isang Lugar na kami, isang field na puno ng naglalakihang sunflower ... Parang pamilyar sya saken pero hindi pa ako nakakapunta rito, ang Ganda ng scenery sa kinatatayuan ko ay may isang puno hindi ko alam kong anong puno to pero malaki sya ha infairness...

"ahemm, so uh....bakit mo nga pala kami iniiwasan? Is it about a week ago?"

"ah eh.. Parang ganun na nga nakakahiya kasi eh.. Pero don't worry I can handle my feelings na.. wala kang dapat na ipag alala at hindi rin kita hahabulin no.. Alam ko rin kasi na may iba kang gusto, I'm fine really.."  i lied.. ouch that hurts..

"oh!..... R-right, thanks by way" thanks? Para naman saan? Bahala nga sya Jan..

"welcome" sagot ko na lang "let's stay friends okay,?come on let's go everyone might be waiting for us"

"will you be okay?"

"Yeah, I will cause I am" yey me...ikaw na ang dakilang martir saya saya talaga...

*Fast forward*

Isang linggo na lang gaganapin na ang pagsusulit..nagpapraktis naman ako, kaso parang may Mali eh..yung kapangyarihan ko kasi ayaw lumabas yung wand ko parang naging dormant sya..and am so frustrated...

Anyway nakalimutan na ng grupo yung aksidente kong pag amin ng nararamdaman ko para kay Rohan.. normal na ulit, ako nga lang tong abnormal, sa tuwing nakikita ko kasi si Rohan, at beks araw araw yun lalong tumitinde yung nararamdaman ko para sa kanya nung una sigurado ako crush lang yun.. Pero ngayon......... Mahal ko na ata sya mga bakla...at ito namang si cloe todo pangasar.. Nakakaasar...

At nitong mga nagdaang araw ma's naging close pa kami ni Rohan lagi nya ako sinasamahan sa favorite na tambayan ko, nakahanap ako ng Lugar dito sa Lumiere na masasabi kong territoryong nakalaan para sa akin..isa iyong maliit na pond malapit sa kaharian namin pero isang tagong Lugar ako lang nga yata nakakapasok doon eh at syempre si Rohan, yun ang paborito namin.. Ako kasi feeling ko may konekyon ako sa Lugar na yun eh..feeling ko napakaimportanteng Lugar na parang hindi naman...doon sa Lugar na yun kami nagkukwentuhan at madalas na ring tumawa at ngumiti si Rohan kapag dalawa lang kami ang tao sa paligid, kaya naman masaya ng masaya ang grupo nung nalaman nilang masaya na ulit si Rohan.. Clown ba naman kasama nya...dito ko lang na unleash tong funny side ko na hindi ko alam na meron ako..i thought puro sakit at pait lang ang bumubuo sa buhay ko pero nagkamali ako, dahil sa kanila sa kanya naging masayahin ako and I was so great full..pero ang cute ni Rohan pag nagging territorial sya..promise mga beks... Maiinlove kayo

"uyy shaylie hi"

"hi joshua," sagot ko... Sya nga pala si Joshua myembro ng elite class pangalawa sa Royal class.. nagkakilala  kami sa tapat ng arena nagkabungo kaming dalawa tapos ayun lagi na sya dumidikit saken.. Ang sweet na sana nung moment na yun kaso wala eh, walang spark.. Masyadong loyal tong puso ko, kung hindi lang.. ako na manliligaw rito.. Gwapo din naman kasi sya, pero ma's lamang lang si Rohan, matangkad pero ma's matangkad si Rohan, makinis ang balat, maputi, pero ma's bet ko yung kay Rohan...at si Joshua may mga muscles halata sa fitted nyang tshirt hot na para sa ibang babae, pero turn off sya hindi ko gusto yung may sobrang laki ng muscles nakakadiri ng tingnan..

Ang gusto ko simple lang hindi kalikihan yung mga muscles yung kung hindi mo titingnan ng husto hindi mo malalamang meron, yung may abs pero sexy parin parang si Rohan - hayst Ano ba yan kinocompare ko na naman si joshua kay Rohan eh halata namang lamang si Rohan... sa puso ko.... Char... Para kasi sa akin si Rohan ang definition ng hot and sexy at the same time, panu ko nalaman? Inis talk ko.. Bakit? Bawal? Sino may angal?! Hmmp..

"hey shaylie? -" tawag nya saken kaya nagulat ako nakatulala na naman pala ako! pero ma's nagulat ako kasi ang lapit na ng mukha nya sa mukha ko na ikinagalit ko, naitulak ko sya ng hindi sinasadya pero hindi sya natinag kinulong nya ako sa dalawang braso nya at isinandal sa pader uwian na ngayon kaya walang makakapansin sa akin, sa amin kahit magsisisigaw ako, hindi na dapat ako nagpahuli sa pag-uwi hindi ko pa mai summon yung wand ko kaya wala akong laban kay Joshua..

"weak, you are weak isa ka lang estudyante na dapat ay ma's mababa pa sa Rank ng mga counsil eh, pero tingnan mo kung nasaan ka! Nasa Royal class hindi mo deserve mapunta dun si ayesha, camille at ako dapat ang nasa Royal class eh hindi ikaw..." mahabang sabi nya baliw na ba sya?

" hindi ko na kasalanang nasa Royal class ako Joshua, at ang akala ko kaibigan kita pero nagkamali ako, mula ngayon hindi na ako magtitiwala sa mga taong nasa labas ng grupo nina Prince Rohan.. Ikaw na ang huling taong pagkakatiwalaan ko.." sabi ko sa kanya habang nagngingit-ngit ako sa galit, dalawa lang yun eh.. Una dahil tinatrydor nya ako, at pangalawa galit ako dahil hindi ko magawang lumaban..

" hahhaah ha ha..."malakas na tawa nya baliw na nga sya

" alam mo bang hindi mo na makikita pa ang Royalties? Magdasal ka na dahil papatayin na kita..tutal hindi ka naman mahalaga sa kanila alam nilang wala kang kahit na anong kapangyarihan nagpapanggap ka lang na meron para makapasok sa grupo nila kaya hindi ka kawalan kung sakaling mawala ka na lang bigla diba"

Parang may punto sya roon ahh..kahit na ako may pagdududa sa sarili ko minsan naisip ko ring baka yung powers ko ay hindi naman sa akin, ako ba talaga ang nawawalang princessa?.... Hindi na ako kumibo pa, pumikit na lang ako at hinayaan ko na lang syang paslangin ako nakakatakot man ay tanggap ko na.

Ramdam ko ang pag-iba ng simoy ng hangin, kahit na nakapikit ako ay alam kong may kakaiba...."Dark magic" ito lang ang naiisip kong dahilan ng pagiging maalinsangan ng paligid.. I can feel it

 THE LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon