Chapter 13

8 7 0
                                    


Shaylie's POV

Nagsimula na ang laban sa high, and higher class sina Nathan at Darren ang mauunang mag laban, si Darren ay galing sa high class

Nagsimula na ang laban nila..halos hindi naman mapakali si Lovi sa upuan nya, nagaalala siguro sya para kay Nathan

Nakarinig ako ng pagsabog mula sa loob ng dome kaya napatingin ulit ako doon, pareho ng nasa magkabilang dulo sina Nathan at Darren hawak ni Nathan ang dalawang medyo mahabang dagger ang sa kalaban naman ay espada

Naunang sumugod ang kalaban ni Nathan kaya nagkaroon sya ng pagkakataon na umilag, at agad na humarap para sipain mula sa likod si Darren kaya napasubsob iyon sa lupa at hindi na muling nakatayo pa.

Next ay si Lovi laban kay ayesha, naku naku may namumuo pa namang alitan sa pagitan ng dalawang yan.. Hinahabol habol kasi ni ayesha si Kuya Regan na kinaiinis ni Lovi.. goodluck na lang kay ayesha

Delavigne's POV /lovi

Bumaba na ako ng stage at pumasok sa dome, ganun din si ayesha tch..

"tingnan mo nga naman, ikaw pa nakalaban ko..ano ba pagaawayan natin? Itong ranking o si Prince Regan?"

Tatawa tawa nyang tanong..ang pangit sa pandinig ng boses nya, nakakaasar, naririndi ako

"wala akong pakealam sa kahit na Ano sa mga binanggit mo..ang gusto ko lang basagin yang fake mong boobs"

Halatang galit sya dahil sa sinabi ko, makikita mo yun sa ekspresyon ng mukha nya

"how dare you insult me?"

"blah blah blah blah, puro ka satsat inuubos mo oras ko, b*tch"

"yaaaahhh"

Uh oh wrong move girl..

Nauna syang sumugod, galit na yan ah... Binato nya ako ng fire ball, mahina lang ang kaya nyang icast kaya hindi yun problema saken, agad akong gumawa ng isang ipo ipo at pinasalubong sa fire ball nya namatay rin agad ang apoy nun na lalong ikinainis nya,

"fire blades"

Sigaw nya, at Binato sa gawi ko,

"wind shield" gumawa ako ng shield pero may nakalusot na isang blade na dumaplis sa braso ko, kaya dumugo iyon

Nakangising wagi naman sya, tch.. Ang yabang ng bruhang to kahit kelan

"wind spikes" sambit ko at ipinatama kay ayesha, panay naman ang ilag nya dun kaya nagkaroon ako ng chance na patamaan pa sya ng wind blast na ikinatalsik nya sa dome at saka ako nahpakawala ng wind stake tumama iyon sa magkabilang gild nya at ang isa ay nakatigil sa ere at nakatutok sa noo nya

"isang maling galaw ayesha babaon yan sa bungo mo"

Takot na takot syang tumango at tumaas ng kamay bilang pagsuko, kita ko ang panginginig nya,

Raven's POV

"Wohooo ang galing mo Lovi! Yaaaaa....GO RE-VI"

Malakas na Sigaw ko

"hoy anong Revi ka Jan?" tanong ni shaylie

"bessy it stands for REgan and loVI" sagot ko

"tch...ang corny mo," sabat ni Nathan sinamaan ko lang sya ng tingin

"sobrang galing ni Lovi Ano? Sayang lang at hindi na pwedeng lumaban sina kuya Regan at kuya Dominic" 

Singit ni ski, oo nga hindi na pwedeng lumaban ang dalawang yun dahil aalis na sila sa school, si kuya Regan kasi ang champion at pangalawa si Dominic nakaraang taon..hindi rin sumali last year si Rohan

 THE LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon