Sa loob ng ilang buwan na nagdadalamhati ang buong fire kingdom dahil sa pagkawala ng bunsong anak at ikalawang prinsipeDahil sa galit ay isinara ang buong fire kingdom, wala ni isang makakapasok o makakalabas man lang. Pinutol nila ang ugnayan sa lahat at sa iba pang kaharian na syang labis na ikinabahala ng apat na kaharian
Makalipas ang isang taon ay nagsimula na muling makihalubilo ang mamamayan ng fire kingdom.. At napag-alaman din na isa lamang ritwal ang ginawa ng mga taga fire kingdom para mahanap ang fire spirit ng namayapang prinsipe ngunit nabigo sila dahil tila bula na naglaho ang prinsipe
Hindi na rin muli pang nasilayan ng mga mamamayan ang kanilang prinsesa na si Princess Shainara Everievaye, nakulong sa palasyo ang dalaga dahil sa hanggang ngayon ay nagdadalamhati parin ang kanyang puso. At isang beses sa isang linggo ay may mga manliligaw na nanggaling pa sa ibang malalayong kaharian para hingin ang kanyang kamay ngunit lahat sila ay umuwi ng luhaan at hindi nasisilayan ang mukha ng prinsesa
Ang kanyang kapatid na si Shayliesah ay nakatakda ng ikasal sa Prinsipe na nagmula sa earth Kingdom, ang pinsan ni crown Prince Nathaniel
Nagdiriwang ngayon ang buong kaharian sa pag-iisang dibdib ng ikalawang Princesa
Walang namang pagtutol sa magkabilang panig kaya't maayos naman ang naging Engagement at sa susunod na linggo na ang kasal
"ate Nari, I wish I could see you sa araw ng kasal ko.. Labis na nag-aalala ang lahat dahil hindi ka na lumalabas" bulong ni Shayliesah sa may pintuan, parati nya iyong ginagawa ngunit wala ni isang sagot na nakukuha, ganun din ang nangyayari sa kahit na sino
Ilang araw pa ng dumaan at ngayon na ang ikakasal ang ikalawang prinsesa, isang kasal tulad din ng sa mundo ng mga mortal ngunit ang kauotan ay mas elegante dahil sa isang princessa ang ikakasal
hindi naman alam ni Shayliesah kong saan pa maisisilid ang kanyang kasiyahan ng makita ang ate nya bago pa sya pumasok sa bulwagan
"your majesty?" nagaalangang sabi ni Shayliesah, hindi nya alam kong anong sasabihin matapos ang isang taon na hindi nila pagkikita
Hindi nya alam kong tatawagin ba nyang ate ang nakatatandang kapatid
Ngumiti si Nari sa kapatid
"ayos lang na tawagin mo akong ate, im still your sister, and by the way congratulations on your wedding"
"thank you.... Ate?"
"dad will be here in a moment, wait for him, I'll be inside na muna for now ayoko namang agawin ang spotlight na para sayo" sagot ni Nari, she's still herself but not as sweet and as kind as before
Her aura had change pati na rin ang pananamit nya dati ay pinagmumukha syang isang mabait na prinsesa ngunit ang ngayon ay isang bistidang kulay pula at itim, ang buhok nya ay naka high pony tail.. Para syang isang warrior princess sa china kong titingnan mabuti, kaya naman medyo na ilang si shayliesah ng makita ang kapatid sa unang pagkakataon matapos ang isang taon
Biglang naglaho si Nari sa harapan ni shayliesah at sya ring paglitaw ng kanyang ama
"anak ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ng ama ni shayliesah
"ayos lang naman po ako your majesty, bakit nyo po naitanong?"
"I felt a strong aura, and its coming right from here but now it's gone.. That's why I came running here, nagaalala ako sayo" nangunot ang noo ng nakababatang princessa na ipinagtaka ng kanyang ama
"kamahalan, si ate Nari lamang po ang kasama ko rito kanina at ang sabi nya ay maghihintay na lamang sya loob"
Bakas ang tuwa sa mukha ng hari dahil sa sinabi ng anak, dahil sa wakas ay lumabas na rin ang panganay na anak
BINABASA MO ANG
THE LOST PRINCESS
FantasyAll my life i believe that i was who i am, just a simple girl with only nothing to be proud of.. I believe that the identity that i currently have was really me. But faith really love to play, it even brought me the unknown world that i never knew e...