Shaylie's POVHindi ako makapaniwalang nagawa ni Yvy yun..hindi ko sya kilala at hindi ko parin nakikita, alam ko lang ay isa syang Dark caster peri hindi yan dahil an para I judge ko sya pero dahil sa ginawa nya kay lovi Nagfa dalawang isip na ako
Hanggang ngayon ay tulog parin si lovi, nasa inaalagaan sya ni ski at Raven at heto ako ngayon gumagawa ng dinner, alam kong hindi pa kumakain ang dalawang yun maghapon, naubos ang oras nila sa pagpapagaling kay lovi masyadong malakas kasi yung ginamit na sleeping spell ni Yvy, tumulong rin ako sa kanila nagbigay lang ako ng enerhiya kay Raven at kaunting light magic para mawala yung dark spell..mabuti na lang at naagapan namin iyon kung hindi ay tiyak na mamatay si lovi
Nagingitim na ang kanyang labi at putlang putla na sya ng madatnan namin, mabuti na lang at alam ni Raven kung Anong spell ang ginamit kaya Lovi, hindi rin naman namin sya pwede dalhin sa clinic dahil paniguradong tatanungin kami kong anong nangyari at sino may gawa noon..kung sa sabihin naming dahil iyon kay Yvy walang maniniwala, kung dahil naman sa isang Dark Caster ay magkakaroon ng kagulahan, magpapanick ang lahat ng study ante maging ang mga guro, kaya naman minabuti na namin na dito na lang si Lovi sa dorm namin..
Mabuti na lang talaga naka-uwi na si Raven at Gising na rin ako ng dalhin ni Ski si Lovi rito...kung hindi ay walang ibang tutulong sa kanila
Nagtataka lang ako kung bakit hindi pinansin ni Dominic ang kapatid nya, kita namang ma's malubha ang lagay nito..anong nangyayari? Dapat ay ma's matimbang ang kapatid nya, pero naisip ko rin na princessa si Yvy, kahit na hindi sya ang nawawalang princessa ay princessa parin sya kahit papano! Pero kasi magkadugo sila eh..hay...ano ba yan naguguluhan ako sobra...
Inayos ko na ang sarili ko, masyado na akong nagiisip... Inihain ko na ang pagkain sa lamesa saka ako bumalik sa kwarto para tawagin sina Raven
Kakatok na sana ako pero tumigil sa ere ang kamay ko
"bakit hindi tayo maalala ni Louise?"
Louise? Louise ba ang tawag nila sa akin noon? Bakit nga ba hindi ko sila maalala? Dalawang linggo na ako rito.. Pero maski isa ay wala akong maalala
Tungkol sa kabataan ko..kahit na limang taong gulang pa lamang ako noon ay paniguradong may mga ala ala na ako, kung sino ako, Ano ang pangalan ko, ang tungkol sa pamilya ko, mga kaibigan at kakilala,..nakakalungkot lang
"hindi ko rin alam Ski, hindi ko alam kong Ano ang nangyari noon..hindi ko kayang makita hindi ko rin mabasa" sagot ni Raven kay Ski..
"eh paano mo Nalaman na sya ang princessa?"
"hindi ko alam eh, basta nangyari na lang..pero alam ko at sigurado ako ng ilapat ko sa kanya ang paningin ko ay sya na ang hinahanap ko"
Napangiti ako!..kumatok na ako saka binuksan ang pinto
"kain na muna tayo? Nagluto ako, sigurado ako na gutom na kayo" nakangiting sabi ko tumango sila bilang sagot saka tumayo na
Nauna sila sa hapag dahil dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig sa Ref masaya namang kumain ang dalawa habang nagkukwentuhan
"Louise.. Alam mo ba, naalala ko noon bago pa ka pa nawala sobrang saya natin na naliligo sa ulan sa hardin ng palasyo nyo, isang beses sa isang linggo kami nina lovi, at Raven sa inyo Bumibisita noon. Gustong gusto namin sa palasyo nyo, sobrang Ganda kasi dun natatandaan mo ba?"
Tanong nya at umiling ako
"ayy sayang, pero di bale maaalala mo rin yun.. Wag ka mag-alala ang mahalaga sa ngayon ay nandito ka na ulit, masaya ako! Sobra...teka wait nga alam na ba ni Prince Rohan na Gising ka na?" tanong nya ulit.. Haha ang daldal nya pareho lang sila ni Raven
"hindi pa! Nitong umaga lang ako nagising.. Wala sya sa kwarto nya kaya umalis na ako asan nga pala sya?"
"ayy.. Hindi ko rin knows pero di bale magtatanong ako mamaya"
May mapanuksong tingin pa si ski ganun din si Raven..yung dalawang to talaga
Natapos kaming kumain ay bumalik na kami sa kwarto para tingnan ang lagay ni lovi
Ng makarating kami ay medyo maayos na ang lagay nya, pero hindi parin nawawala ang pangingitim ng labi nya, unti unti na ring bumabalik ang kulay ng balat nya
Sandali pa kaming nagkwentuhan at maya maya lang ay nakatulog na ang dalawa
hindi ako makatulog..iniisip ko parin kung bakit nga ba hindi ko sila maalala..matulog na nga lang ako pipilitin ko, sana naman tahimik na buhay ko bukas dahil nanjan na ang princessa sa kanya mapupunta ang atensyon ng lahat hindi na saken
*kinabukasan*
Maaga kaming pumasok tatlo doon kasi natulog si ski sa dorm namin kaya magkakasabay kami. tanghali na kaya naman naisipan namin na kumain sa cafeteria pababa na kami ng hagdan ng bigla na lang may bumuhos sa amin ng mabaho at malagkit na tubig, sa tingin ko slime ito dahil sa lagkit.. Para syang sipon ewww
"who the hell? -" Sigaw ni Raven saka tumingala, napatingala rin kaming dalawa ni ski
"opss... Sorry" sabi ng isang boses na nag mula sa itaas, as if sincere naman yun kung sino man sya
"you-arghh what's your problem?"
galit na Sigaw ni ski hinila ko ang braso nya ng akmang aakyat sa ulit para sugurin si Veronica.. yeah..sya nga wala ng iba, nagtitinginan na lahat ng mga estudyante rito para lang isng normal na school tong pinasukan ko parang school sa mortal World.. May mga bully at victims pwera na lang sa may powers ang mga narito.
"problema ko? Wala naman hahahhaah sige bye enjoy your smelly day" pang aasar pa ni Veronica saka umalis
"Tara na, magbihis na tayo, baka malate pa tayo mamaya nyan eh.. Hayaan nyo na yun" mahinang sabi ko saka sila sinama sa pagteleport ko sa dorm
"what happen?" nagulat ako sa tanong ni Prince ni Rohan Ano nga pala ang ginagawa nya rito?
"Rohan anong ginawa mo rito?" si Raven na ang nagtanong
"ah, actually kanina pa ako rito wala kasi sa kwarto ko si shaylie kaya nag-alala ako..himdi kasi ako naka-uwi kahapon nasa palasyo kami pareho ni kuya, ahm mabuti naman at Gising ka na shay.. I'm glad"
Oo ayos na ako, salamat sayo
"hm..salamat nga pala ang sabi Raven ikaw ang tumulong saken"
"no its my mom! She used her powers para alalayan ang katawan mo! Puro ka kasi pasa eh, and we thought you were with your guardian so she help"
Paano nya Nalaman na kasama ko si Raven?
"um oo, alam ko yun about sa sacred magic, na pag-aralan namin yun sa history...yung kay Rohan nga yung mom nya yung umalalay sa kanya, so dapat yung iyo, mom mo rin yung k-kasama mo" patuloy lang sya sa pagsalita, habang kinakain yung kanina nya pa but it na cookies,
kita ko naman ang pagbago ng itsura nya ng sikuhin sya ni Raven..funny I don't mind hindi nila kailangan gawin yan noh..
Dahan dahang tumingin saken si ski at nag peace sign, ngumiti lang ako
Ang totoo affected ako dun sa sinabi nya, pero ayos lang yun
"sorry!"
"ayos lang Ano ka ba!..okay lang ako" sagot ko
"Uhm by the way, parang hindi ko nakikitang kasama nyo si Nick, what happened?" hindi nya pa alam
"long story..wag ka na magtanong baka mapa-aga ang digmaan" tukoy ni raven kay ski na masama ang tingin sa malayo alam namin na gusto ni ski si Dominic, at gusto rin sya nito..kaya malaking disappointment iyong ginawa ni Nick Hay ewan ko ba sa kanila...
"Guys! Come on pinapatawag tayo ni Head Master, may mahalaga raw syang ipagagawa sa atin"
Biglang pumasok si kuya Regan kaya nagulat kami
"what was it?" tanong ni ski, nag kibit balikat lang sya
Ano kaya ang ipagagawa ni HM? At bakit sa amin?
BINABASA MO ANG
THE LOST PRINCESS
FantasyAll my life i believe that i was who i am, just a simple girl with only nothing to be proud of.. I believe that the identity that i currently have was really me. But faith really love to play, it even brought me the unknown world that i never knew e...