"Klyde.... ahmmm" Tawag ko sa boyfriend kong hindi ko pa man nasasabi ang sasabihin ko ay magkasalubong na kaagad ang kan'yang makakapal na kilay. Huminto s'ya sa paglalakad at humarap sa akin
"magpapaalam lang sana ako sayo na baka hindi ako makasabay sayo mamaya pag-uwi kasi niyaya ako nila Cassy na gumala kasama sila." Tinitigan n'ya lamang ako. Baka siguro hindi n'ya ako papayagan kasi malapit na ang exam. at kapag gan'to, ang usapan namin lagi tutok lang dapat sa pagre-review e, kaso lang nakakahiya naman tumanggi sa mga kaibigan ko. Matagal tagal ko na rin silang hindi nakakasama.
"a, sige sabihan ko na lang sila na hin-" Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay nagsalita na s'ya.
"you may go. Make sure na before 6pm, nakauwi kana ha. Magre-review kapa" sabi n'ya sabay tapik sa aking ulo. Hilig n'ya 'yan gawin at nasanay na rin ako.
"thank you Klyde! Promise before 6 uuwi na ako" bakas sa tuwa ang pagkakasabi ko nun
"Alright, just take care okay?"sabi n'ya sabay yakap at halik sa aking noo. Tanda na talagang pinapayagan n'ya ako.
"Opo boss" sabi ko na lang at sabay kaming natawa.
Hinatid nya ako sa aking mga kaibigan bago tuluyang nauna na umuwi. 'yan ang maganda kay Klyde. Hindi nya ako pinaghihigpitan pero binibigyan n'ya ako ng limitasyon. Hindi naman ako nasasakal kasi ayos lang naman sakin ang gan'on.
Saktong 5:30 ng magpaalam na ako kila Cassy na uuwi na ako. Pumayag naman sila kaya mapayapa akong nakauwi sa aming bahay.
Nasa kwarto ako at nagbibihis ng marinig kong nagring ang phone ko. Tiningnan ko ang orasan at nakitang saktong 6 pm na. Kaya alam ko na agad kung sino ang tumatawag. Sinagot ko na bago ilagay sa aking tainga.
"Hello Klyde!" bungad ko sa kan'ya
"naka uwi kana?" tanong naman n'ya kaagad sa akin
"Ou naman. Good girl kaya ako no." sabi ko sabay tawa
"dapat lang no. Hindi mo pa naman ako kasama" sabi n'ya sa seryosong tono.
"ahm, nakapag review kana?"
"hindi pa. Hindi mapakali ang utak ko kasi alam kong nasa galaan kapa."
Bahagya akong napangiti sa sinabi nya. Lagi nya talaga akong iniisip. Nakakatuwa.
"ay, ganun po ba. Pasensya na po." sabi ko ng may pagpapaawa sa boses
"nakapag linis kana ng katawan?"
"oum tapos na."
"o, sige. Magreview na tayo ha. Walang magc-cp." sabi n'ya
"Yes, as always." sabi ko at tumawa na. Narinig ko ring tumawa s'ya sa kabilang linya"O, s'ya sige na. Ibababa ko na. Pagkatapos mo magreview, magpahinga na ha. I love you."
"Ou. Ikaw din. Magreview kana ngayon para hindi ka abutin ng madaling araw kakabasa. I love you too."
11 o'clock when i finished.
I text Klyde that i'm done and he said goodnight to me.
I sleep peacefully that night. But when day came, i don't know why but i feel heavy to my chest. i didn't know what happened to me. I clearly remember that i was happy before i sleep last night. I just ignored it.
![](https://img.wattpad.com/cover/256563195-288-k733709.jpg)