Prologue

91 3 2
                                    

Hi guys! First time kong magsulat ng story kaya I dont know kung ano ang standards niyo. Kung may errors  ako  just feel free to comment down!

HOPE YOU LIKE IT!!!

~~~

Isang babae ang naglalakad sa isang daang madilim kaya may nakasinding streetlights along the way.

Alas diyes pasado na kaya walang masyadong taong dumadaan sa daanang iyon.

*ring*

Nagring ang kanyang phone na naging dahilan upang kunin niya ito sa kanyang bag.

"Hello?!" Sabi nito. "Pauwi na ako, maghintay ka lang. At tsaka si Junjun, sabihin mo kay yaya na patulugin mo na siya." Dagdag pa nito.

Tumigil siya sa gilid ng highway para makasakay sa jeep. Sa gilid ng highway ay may mga sugarcane. Siguro ito ay isang plantation. Dun siya tumigil.

Makailang para na ang babae ngunit dinadaanan lang ito ng mga jeep. Siguro puno na ang mga ito.

Habang naghihintay siya ay parang may narinig siyang tao sa kanyang likuran ngunit 'nung tiningnan niya ito ay wala lang pala. Kaya patuloy siya sa pagpapara sa jeep.

Nagulat na lang ang babae nang may naramdamang matulis na bagay na nakatutok sa kanyang likod. Biglang may nagtakip nang kanyang bibig sabay sabing "Hindi ka mamamatay kung sasama ka lang sa'kin"

..Biglang may narinig silang isang huni ng pusa.

Meow!Meow!

Sa isang iglap ay may parang kung ano ang nakasuntok sa lalake na dahilan upang mahimatay ito dahil natamaan ito sa ulo. Nakita ng babae na may nakatayong pusa sa ibabaw ng lalake. At agad itong tumakas.

"GoodJob, Tayl! First Ever Mission Accomplished!" Sabi ko. At agad kong kinuha si Tayl, ang alaga kong pusa.

^^^^^

Hello po. Sana nagustuhan niyo yung prologue.

CaitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon