Part 9 - The Autopsy Test

30 2 1
                                    

Hi guys! Hope you enjoy the story so far

***
\\\Hanna///

Andito ako ngayon sa isang morgue kung saan inau-autopsy pa ang katawan ni Ma'am Christin. Habang naghihintay ako ay merong pabalik-balik na mga bangkay na dinadala ng mga embalsamador. Agad na lumabas ang imbestigador para sabihin sakin ang resulta.

"Uhmm, kayo po ba ang kamag-anak ni Miss  Christin Swift?" Tanong nang imbestigador sakin.

"Hindi po. Pero butler po ako ng kanyang anak. Tsaka ako na lang po yung nakasama dito dahil naospital po yung anak niya. Maiba po ang usapan, kumusta po yung autopsy test?" Sabi ko.

"Ayon sa pagsusuri ko, namatay siya dahil may balang tumama sa kanyang spinal cord. Napakalalim nang naabot ng bala na mula sa tiyan ay napabaon ito hanggang spinal cord. Yung spinal ang naging sanhi siguro na hindi nakalabas ang bala sa katawan niya. Mukhang short range lang yun dahil ang lalim ng bala. Pero nakuha na rin ang bala at pwede nang i-embalsamo ang bangkay." Sabi ng imbestigador.

Nagpasalamat na lang ako sa kanya at umupo sa dating kinauupuan ko at siya nama'y bumalik sa loob. Napaisip na lang ako kung sino ang pwedeng pumatay kay Ma'am nang ganoon kalapit. Napabuntong-hininga ako. Pano na si Caiti? Pano niya patatakbuhin ang agency gayong hindi pa siya handa. Agad kong naalala na may kapatid pala si Ma'am Christin at si ma'am Tina yon. Agad ko siyang tinawagan.

*toot*toot*toot*

"Hello?" Nagsalita ang kabilang linya.

"Uhmm.. Si Hanna po ito. Yung butler ni Caiti tsaka yung P.A. ni Ma'am Christin." Sabi ko.

"Oh, hi Hanna? Bakit napatawag ka?"

"Gusto ko lang pong sabihin na kailangan mong umattend ng funeral."

"What?," halatang nagulat siya. "Kaninong funeral?" Dagdag pa nito.

"Kay Ma'am Christin po. Wala na po siya kanina lang." Sabi ko.

"Is this a prank? This is gonna be a big joke, Hanna." Mukhang nagalit siya sa sinabi ko.

"No ma'am, I'm not joking. Ma'am Christin had already passed away."

"Ok, when's the funeral? Is Caiti ok?"

"Bukas po ma'am! Si Caiti po nasa ospital pa!"

"Ok, I'll book a flight ha?"

"Ok ma'am, thank you."

At agad na niyang pinatay ang call.

Tina's POV

I'm Tina and I am Christin's sister. We are both raised in province pero magkaiba ang lugar namin. I'm in Nueva Ecija while she's in Laguna. Alam ko nang ang family business namin ay secret agency but hindi ko pa nalalaman kung ano ang mga missions dito. Pero nung namatay si mama ay pumunta kami sa Manila. And that was when I'm 12 years old and Christin's in 10 years old. 2 years lang yung gap namin kaya unang kita namin ay naging close na kami agad. Years passed and were in our twenty's when she met Carlo, Caiti's father. Then, sobrang tanda na ni papa that he can't handle the agency anymore. So pinamana niya yon sakin but I rejected it. Sa kadahilanang I want to go to France to be a fashion designer. Instead, sinuportahan niya na lang ako at si Christin na lang ang ipinamana niya ng agency. Then, nagbunga na ang pagmamahalan nina Carlo't Christin, at si Caiti iyon.Nabalitaan ko na lang na namatay si Carlo. Matagal-tagal ko nang hindi nakikita si Christin pero nagtatawagan lang kami sa telepono. Habang nag-uusap kami ay bigla niyang naisingit na may kapatid pa pala si Caiti at dapat mahanap nila yon. Dahil siya ang may hawak ng sikreto ng agency. At sinabi rin niyang malapit na siyang mawawala. Tatanungin ko sana siya kung bakit pero agad na naudlot ang aming pag-uusap nang biglang tinawag ni Caiti ang kanyang mommy. Pinatay agad ni Christin ang convo namin. Hindi ko sukat akalain na iyon na pala ang aming huling pag-uusap. Matagal ko nang hindi nakikita ang kanyang mukha kaya hindi ako makapaniwala na makikita ko na siya sa kabaong.

CaitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon