Part 10 - The Funeral

20 2 1
                                    

Caiti's POV

When the doctor said na pwede nakong umuwi, ay inimpake na namin ni Glenn ang aming mga gamit. I crossed the room when suddenly I saw the hanging pastel blue dress, ang isang instrumento para mahanap ko ang aking kapatid. Then I said to Glenn na "wag itong ipahawak sa kanino man. Tanging ako lang ang pwede. I'll hang this in my walk-in closet."

Agad naman siyang tumango. Then, we went na sa sasakyan para umuwi. Tapos, bumungad samin ang maraming tao sa aming garage. Dali-dali akong pumasok at nagulat ako sa kung ano ang nasa gitna ng aming sala, isang KABAONG.

Hindi ako makapaniwala na mawawala na si mama nang ganun lang. Unti-unti akong lumapit sa labi ni mama na animo'y lahat ay nakaslow motion. At pagkarating ko roo'y agad na nagpakita ang itsura ni mama. Napakaganda niya.

Napaupo ako sa malapit na upuan at doon ako umiyak. Pinatahan ako ni Glenn. Pinahiga niya ang ulo ko sa kanyang balikat at sinabing "magiging okey rin ang lahat."

Pagkaraan ng ilang oras ay natahan na rin niya ako. Nagulat ako ng may naglakad sa center isle na parang close sila ni mama. Naka-shades siya para hindi mahalata na may luhang nagmumula sa kanyang mata.

Napatingin siya sakin na parang may pakay siya sakin. Agad siyang lumapit. Pagkalapit niya'y hinawakan niya ang balikat ko at umupo sa tabi ko. Agad kong siyang tinanong kung sino siya at agad siyang nagpakilala.
"Ako si Tina, your mother's sister."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ever since I did not heard na may sister pala si mama.

"What?" Sabi ko ng gulat. Nagulat rin yung Tina.

"Didn't you heard of me? Perhaps your mom don't want you to know that she has a sister for a valid reason? And what reason would that be?" Sabi niya. Englishera pala to.

"I'm sorry tita. Hindi lang siguro nasink-in sa mind ko na may sister pala sa mama. Is she younger than you?" Sabi ko.

"Oo, sya yung bunso." Sagot naman niya.

"Are you ready na ba sa pagpapatakbo ng P.A.W.S.?" Tanong niya sa'kin ng marahan. Tinitigan ko siya muna bago nagsalita.

"Hindi pa! I can't run the agency alone. Sabi ni mama dapat raw ako magrecruit ng tatlo pang kasama ko sa pagpapatakbo ng agency." Sabi ko. Saka tumulo ang luha ko.

"Don't worry, Caiti. Ako na muna ang magpapatakbo ng agency. Hanapin mo muna yung tatlo pang recruits mo then tell if you are ready. Ok?" Tanong niya sa'kin with comfort. Pinahid niya ang likod ko dahil intensyon niyang patahanin ako.

Sumandal ako sa kanya at saka nagsabing " salamat po!"

Niyakap niya at saka si Glenn ay nakangitinh nakatitig sa'min.

"By the way, tita, nabanggit po ba ni mama kung saan ko mahahanap ang long lost sister ko?" Sabi ko sa kanya at saka umahon mula sa pagkakasandal sa kanya.

"Ha, uhmm.. may kapatid ka? Bakit di ko alam yon?" Sabi niya with a shocked face.

"Hindi po ba nabanggit ni mama sa inyo po?" I replied.

"Hindi eh." Sabi niya.

"Sige na lang po. Salamat na lang." i said.

Ngumiti lang siya sa'ken.

CaitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon