Pumunta na kami sa school. Then, parang may nambully nanaman kay Lucy pero kakaunti na lang. Di tulad n'on na parang lahat ay nagkakaisa mabully lang siya. Agad kong sinita yung lalake.
"Hoy, hindi ka pa nadala kahapon. Gusto mong makatikim ng aking matamis na fruit PUNCH?!"
Pagkatapos ng sinabi ko ay agad na na tumakbo yung lalake. Tinulungan kong muli si Lucy. Iyak siya ng iyak. Sa di mapigilang emosyon niya ay yumuko na lang siya and refuses to see me eye to eye.
"Lucy, bakit ka nagpapaapi ulit? Hindi ka na ba nadala kahapon?" Isinuot ko yung harang na buhok mula sa mukha niya papunta sa likuran ng kanyang tenga at dahan-dahang kinuha ang salamin niya.
"Alam mo, ang ganda mo! Pero yung ganda mo, tinatago mo lang sa likod ng mga salamin na ito."Sabi ko habang tinuturo ang kanyang salamin. "Maawa ka naman sa sarili mo Lucy. Wag mong hayaang apihin ka nila. Stand up and be what you are, Stand up and be Lucy. Be brave to tell them that behind these glasses is a girl who is not afraid to say that she exist in this world. Be brave Lucy, be brave."
Sarkastikong nagpalakpakan sina Glenn at Berry.
"Whoo, ganda ng speech." Sabi ni Berry.
"Pwede ka nang tumakbo bilang presidente ng Republika ng Pilipinas." Dagdag ni Glenn.
Agad akong lumingon sa kanila.
"Hoy nakikita niyo namang may umiiyak dito tapos tatawanan niyo lang?" Sabi ko.
Natigilang umiyak si Lucy dahil parang tatawa na siya. Narinig ko yung tawa niyang mahina kaya muli akong napatingin sa kanya.
"Tumatawa ka ba? Alam kong tumatawa ka! Narinig ko yon." Sabi ko sa kanya.
Napatakip ng bibig si Lucy para takpan ang kanyang tawa. At saka sinabi niyang..
"Oo nga, bagay ka ngang maging presidente. Ako na lang mangangampanya para sa'yo."Habang pinunasan niya ang kanyanh luha gamit ng sarili niyang mga kamay.
Sinabi kong "Okey ka na? Sana naman oo."
"Oo, okey na ko. Akala ko, wala na'kong makikilalang mga tunay na kaibigan simula nong namatay yung itinuring kong mga BFFs. Pero nung dumating ka ay parang nabuhayan ako uli ng loob. Salamat Caiti ha?! Maraming maraming maraming salamat."Sabi niya.
"Walang anuman yon? Diba friends tayo?" Sabi ko.
Tumawa lang siya. Nagproceed na kaming apat sa aming klase.
*Sa Classroom*
"Ang boring naman ng klase ni ma'am!" Sabi ni Berry sakin ng pabulong. Mukhang nahuli ni ma'am si Berry na may sinasabi.
"Yes, miss Grande, do you have a question?" Sabi ni ma'am.
"Uhmm.. no ma'am! Can I go out? I have to go to the restroom." Salita ni Berry.
"Ok miss Grande, you can do whatever you want." Ma'am replied.
"Ma'am, I'll just follow her!" Sabi ko.
Hindi lang ako pinansin ng boeing na teacher na yon. Instead, sumulat na lang siya sa blackboard. Agad akong lumabas. Then pagkalabas ko ay hinintay pala ako ni Berry. Siguro narinig niya ang sinabi ko kay ma'am.
BINABASA MO ANG
Caiti
AcciónI'm Caiti. I work on our family's weird agency where professional secret agents stays vigilant and let their pets get their identity. In short, this agency should not be revealed in public. Pero dumating ang oras na nakuha na ang buhay ni Mama, th...