THIRTY TWO

44 5 0
                                    

Tulala ako kinabukasan ng magising ako sa kwarto.

Nakiramdam muna ako kung gising na ang kambal at ng walang ingay akong narinig, pumikit ako ule at pinilit ang sarili na kumalma.

Hindi pa din nawawala sa isip ko ang mga sinabi ni Peter tungkol sa pagiging ama nya sa mga anak ko at kung paano nya nakumpirma ang tungkol dito.

Naupo ako sa kama at tinignan ang orasan.

Alas sais pa lang ng umaga at hindi ako mapakali.

Magkahalong kilig, tuwa at takot ang nararamdaman ko ng malaman ko ang mga yon.

Kinikilig? Kasi unang kita ko pa lang sa kanya sa eroplano, nagustuhan ko na sya.

Tuwa? Dahil sya ang ama ng kambal.

Takot. Dahil hindi maiiwasan na baka kunin nya sa akin ang mga bata.

Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan ng bumangon sa kama.

Dumiretso ako sa banyo at nagsipilyo bago bumaba sa kusina at nagsimulang magluto ng almusal naming tatlo.

Linggo ngayon at hindi ko alam kung sino ang lalapitan para humingi ng tulong tungkol sa kasalukuyang problema ko.

Ng maalala ko si Leni.

Tiningnan ko ule ang orasan at alas siete na pala.

Saktong rinig ko sa mga yapak ng dalawa kong bulinggit.

"Good morning, babies!" Bati ko sa kanila at agad naman nila akong niyakap bago iupo sa high chair nila.

Agad kaming nag-almusal at ng natapos ay naligo kami upang maghanda para sa pagsimba.

Matapos ang dalawang oras na paghahanda ay bumyahe na kami papuntang simbahan.

Tahimik ang mga anak ko at nakikinig sa sermon ng pari kahit hindi pa nila naiintindihan samantalang ako ay napalingon sa likuran ko.

Napangiti ako ng makita si Leni kasama ang kanyang nobyong si Stuart.

Tinuon ko ule ang aking atensyon ss misa at agad na kinapitan ang mga kamay ng kambal.

Agad natuyo ang lalamunan ko ng marealize na kasama ko ang mga anak ko.

Hindi ko naman sila pwedeng hayaan habang kausap ko si Leni.

Nag-usal ako ng mabilis na dasal at binulungan ang aking mga anak at unti-unting nilabas sila sa simbahan.

"My, bakit tayo alis? Hindi pa tapos si Father." Tanong ni Olga habang nagpapara ako ng masasakyan namin.

"Ah, kailangan lang natin makarating kay Tita Giselle. Medyo masama pakiramdam ni Mommy." Sabi ko.

Pasensya na at kailangan kong magsinungaling. Hindi lang ngayon ang pagkakataon para malaman nila ang totoo sa akin.

"Masakit ulo mo, 'my?" Tanong ni Oliver at napatango na lang ako.
"tara uwi na tayo, 'my. Tapos inom ka gamot."

Sa ibang pagkakataon, matutuwa pa ako sa pag-aalala nila. Pero sa ngayon, guilt ang nararamdaman ko.

Hindi naman nagtagal at nakasakay na kami at papunta na sa bahay ni Giselle.

Gulat na binuksan ni Giselle ang pintuan nya at niyakap kame ng mga bata.

"Bruha ka! Bakit naman hindi ka nagpapasabi na darating kayo? Pano kung wala ako sa bahay!" Hindi makapaniwalang tanong ni Giselle at hinayaan ang mga batang maglaro sa sa playing area nila na pinatayo ni Giselle para daw sa future babies nya.

"Nawala na sa isip ko." Sambit ko at dinantay ang ulo sa headrest ng sofa niya.

"Ano na ba kasing ganap say'o? Matagal tagal na din nung huli nating usap a?" Ani ni Giselle at naglabas ng cake mula sa ref upang pagsaluhan namin ng mga bata.

"May kakilala ka bang abogado? Yung may alam sa custody ng mga bata?" Hindi ko na maiwasang magtanong habang ngumunguya ng cake.

"Bakit? May kumukuha sa kambal?" Pagtataas ng kilay ni Giselle habang sya naman ay kumakain ng tsokolate. Umiling ako at tinuloy ang pagkain ng cake. "Wala bru eh. Puro travel agents, fashion designers at chefs lang kilala ko. Pero pang matalino, waley."

Nagpakawala na naman ako ng malalim na hininga at tulalang tiningnan ang mga bata na sarap na sarap sa cake nila.

"Ninang, isa pa po, please!" Request ni Olga at pinorma pa ang kanyang kamay na padasal kuno.

Agad na pinanggigilan ni Giselle ang pisnge ni Olga at kinuha pa ito ng isa pang slice.

"Wag masyadong marami, Gi. Mabubusog yan. Magtatanghalian pa." Sabi ko at ininom ang mango juice na binigay niya.

Nilagay ko ang mga platito namin ni Oliver sa lababo at hinugasan ito.

Tinabihan ako ni Giselle sa lababo at kinalabit.

"Real talk, bru. Bakit hindi nyo pag usapan ang tungkol dyan? For sure naman, may dahilan kung bakit nagkanon ang sitwasyon nyo ng tatay ng kambal. Baka naman pwede   ng hindi na umabot sa ganoong sitwasyon?" Giselle said and I sighed.

Ng matapos ako sa hugasin at binalik sa dishwasher ang mga platito, tinidor at baso, bumalik kame sa sofa at pinagpatuloy ang diskusyon tungkol sa mga bata.

"Pag-iisipan ko yan, Gi. Salamat sa advise." Pasasalamat ko sa kanya.

"Gusto mo magpahinga? Pwede mong yayain ang mga batang umidlip sa guest room." Paanyaya ni Giselle at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Salamat ng marami, Gi. Utang ko sayo ang lahat." Sabi ko sa kanya. "Wish ko makahanap ka ng lalaking deserving sayo kasi napakabuti mong tao at kaibigan."

"Nyemas! Matutulog lang, ang dami pang sinasabi!" Giselle exclaimed and slapped my arms.

"Paidlip muna kami ha!" Sambit ko at niyaya ang mga batang umidlip sa kwarto sa dulo ng living area niya.

If You Were Mine ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon