Magmula ng huling pag-uusap namin ni Reagan sa parke, hindi ko na sya nakita pa ule.
Lumipas ang ilang buwan bago kami naging opisyal na magkasintahan ni So Jin.
Alam na din ng mga bata ang tungkol sa Tito Reagan nila at tungkol kay So Jin bilang tunay nilang ama.
Masayang isipin na buo ang aming pamilya.
Naalala ko tuloy kung paano nalaman ng mga bakla kong kaibigan ang tungkol sa amin ni Park So Jin nang kami ay naimbitahan sa swimming party para sa kaarawan ng nobyo ni Leni.
Nakita kami ni Amanda na nagtatalo sa swimming party ng then-boyfriend ni Leni at nacurious ang babaita at tinanong din ako kalaunan.
Sinubok din kami ni So Jin ng pagkakataon ng maospital ang kambal habang nasa swimming party.
Sinundan din nya kami dahil doon ko lang nalaman na magkaibigan pa sila ni Stuart at iisang resort pala ang pupuntahan namin.
Matapos nito pati ang pagkakaibigan naming apat ay hinamon din ng kapalaran ng malaman naming battered girlfriend si Leni ni Stuart.
Ayon sa kaniya pinipilit daw sya palagi nito na makipagsex sa kanya at dahil ayaw niya at hindi pa sya handa ay sinasaktan sya nito.
Kailan lang din ng malaman ko sa isang nakatagong litrato sa diary ko noong bata pa ako ay ang picture naming apat na magkakaibigan.
Nadiskubre ko na si Leni at Ayah pala ay iisa ng makita ko sa cellphone nya ang isang restored photo na nakatago pala sa kwarto nya.
Walang sinuman ang nakakapasok sa kwarto nya pero dahil nagkasakit sya isang araw, binisita ko sya at inalagaan dahil umuwi pala at naglagi ng isang linggo ang kasambahay nya sa probinsya.
Noong oras na yon ay may tumatawag sa cellphone nya at kasalukuyang tulog sya kaya sinagot ko dahil inakala kong emergency.
Akmang ilalock ko na ang cp nya ng makita ko ang lumang litrato na wallpaper nya.
Nang gumaling sya galing sa sakit ay nagresign na sya sa kompanya ni Mr. Park at tinuloy na pinamahalaan ang kanilang family business na restaurant kung saan ko sya unang nakilala.
Kasabay nito ay natanong ko sa kanya ang tungkol sa wallpaper ng cellphone nya.
Pinakita ko din sa kanya ang nakatago kong litrato at tuwang tuwa kami ng malaman na tunay ngang kapwa isa't isa ay magkaibigan na simula pa pagkabata.
Pinaplano na din naming bisitahin ang Happy Smiles Orphanage at kamustahin sila Sister.
Plano din naming hanapin pa si Amy at Toniboy.
"Kaya pala ganito kagaan ang loob ko sayo kasi matagal na pala tayong magkaibigan!"
Those were Leni's words when we found out about it.
Nakakatuwa nga!
Mabilis kaming nagclick sa isa't isa at naging sanggang dikit kahit saan.
Nalaman na din ng buong tropa ang tungkol sa mga anak ko nung dumiretso kami sa ospital galing sa resort.
Medyo nashock ata ang kambal kay Jessica kaya umiyak ito noong unang kita nila.
Natatawa pa din ako kapag naalala ko yun.
"Mmy! Bakit ka po tumatawa?" Olga asked me and that's when I realized I was giggling because of the fondest memories I had.
Napatingin sa akin si So Jin na nasa kabilang side naman ni Oliver.
Umiling ako at hinalikan sa pisngi si Olga.
"Wala, anak. May naalala lang si mommy. Watch na tayo ule ng Minions." Tumango naman si Olga at sinunod ako.
Andito kaming apat ngayon sa sala at nagrequest si Olga na manood ngayon sa tv at hindi naman nagdalawang isip si So Jin.
Sa katunayan, umorder pa sya ng pizza para pagsaluhan namin habang nanonood.
Hindi naman naging makalat ang mga bata sa pagkain dahil may platito na nakaabang habang sumusubo sila.
Naging marathon ang dating dahil si Oliver ay nagrequest ng Dora the Explorer na panoorin.
Hindi nagtagal ay inantok din ang mga bata at pinunasan nalang namin ang kanilang mga bibig ng basang bimpo at kinarga paakyat sa kwarto nila.
Buong araw lang kami dito sa bahay.
Maulan din kasi ngayon dahil ber months na.
Nakakatamad na din na lumabas.
Alas kwatro pa lang pero madilim na ang langit. Mukang nagbabadya pa ang ulan.
"Dito na ako matutulog, babe ha. " Paalam ni So Jin habang hawak ang kamay ko at hatakin ako sa kwarto.
"Ikaw? Hindi ka ba inaantok?"Umiling ako."Liligpitin ko pa ang mga pinagkainan. Baka langgamin doon sa sala."
"Tulungan kita tapos tulog tayo?" So Jin asked and smirked at me.
"Hoy! Ano 'yang ngising yan? Matulog ka na! Ayoko ng ganyang ngiti mo!" I exclaimed but was silenced when he kissed my lips.
"Sshh.. Magigising ang kambal. Sige. Idlip lang ako, babe. Love you." So Jin winked and plopped on our bed.
Pilyo talaga!
BINABASA MO ANG
If You Were Mine ✔
HumorTropang Bakla (T-BAK) Series #2 Olivia Antonio, the timid nerdy type of woman, who lives in her own shadow and always the supportive friend of her circle finds herself in a situation too impossible to handle. Is she ready to face it on her own? Or...