I have been fighting the urge not to smile to myself when I read Peter, rather So Jin's message on my phone.
Biglang may binagsak na folder si Park sa harapan ko.
Tiningnan ko sya at nakita ang kanyang pilyong ngiti.
"Ano nginingiti-ngiti mo dyan ha, Oli?" Park asked at namewang pa.
"Wala to. May ipapagawa ka, Sir?" Sambit ko at nilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng table ko.
Pero, wrong move ata kasi hindi ko nalock ang screen ko bago ko ginawa yun at nakita ni Park ang message.
Agad na nanlaki ang mata nya at hinatak ang upuan sa harap ng table ko at hinarap sa akin bago sya umupo.
"Tell me, what's the real score between you and my brother?" Park asked and wiggled his eyebrows as if hungry for some gossip.
Instead of answering him, I automatically blushed.
"Uhm, nanliligaw sya syempre." I answered modestly.
"Weh? Nanliligaw with benefits?" Park asked teasingly.
My cheeks reddened even more and I unconsciously let out a giggle.
"Ay! Maharot si atii!" Park yelped in exaggeration. "Dali, kwento na mamsh!"
I rolled my eyes and laughed.
"Gaga! Namomroblema pa nga ako kung papano ko sasabihin kay Reagan na wala syang --""We-waitt! Teka lang! Saglit! Wait a minit, kapeng mainit! Si Reagan? As in, si Reagan Jimenez, yung maputi, matangkad at mukang kuko ko lang na endorser ng clothing line kilala mo?" Park exclaimed and even slapped his hands on my desk creating a sound.
I frowned and asked him,
"Oo. Si Reagan na endorser. Si Reagan na kasama mo na tumulong sa paglilipat namen nila kambal sa bahay mo. Bakit?""Takte! Nililigawan ka pala n'on?" Park burst into laughter and shook his head in amazement. "Naks nemen besh, haba ng hair! Gondo ka ghorl?" Park teased me at hinampas sya ng paulit-ulit sa braso.
"Oh, teka teka! Namimisikal ka na! Aray! Aray!" Park complained and I stopped slapping her.
"Mabait naman si Reagan! Grabe ka naman sa kaibigan mo." I asked in Reagan's defense. "Gusto din naman sya ng mga anak ko at nakikita ko na totoo sya sa pakikitungo sa mga bata at sa akin."
"Oo, wala namang masama sa kaibigan ko. Mabait naman yun. Kahit na mas mabait ako. Gwapo naman yun kahit na mas gwapo ako. Pero kasi mamsh, nabroken na din yun sa ex nya na tumagal ng mahigit tatlong taon. Kaya kung hindi mo sya nakikita sa future na kasama mo, kausapin mo na sya habang maaga pa at huwag paasahin. " Park explained.
"I know. I understand what you mean. It's just that I don't want to hurt his feelings." I said and sighed.
"Lalaki lang si Reagan at nahuhulog ang loob sa babaeng palagi nyang nakikita. In short, marupok. Kahit saang anggulo mo tingnan, masasaktan pa din sya. Pero, believe me, makakamove on din yun. Mas mahihirapan ka kapag pinatagal mo pa yan. Ireject mo na hanggang hindi pa sya masyadong naiinlove sa yo, Oli. Tell him exactly what you feel. "
I nodded. "Yes, boss. Kelangan ko lang ng lakas ng loob. Ayoko din namang masira ang pagkakaibigan namen. He's been good to my kids and me. I'll tell him as soon as I gather up the courage."
"Oh, so that confirms your feelings with my brother, right?" Park asked grinning like a fool.
"Parehong-pareho talaga kayo ng kapatid mo. Mga pilyo!" Sabi ko sa kanya sabay busangot.
"Naks! Mukang magiging sister-in-law na kita! Yeyyy!" Park exclaimed clapping like a kid.
"Sister-in-law ka dyan! " I commented and get the folders from his grasp. "Ano gagawin ko dito? Ay, oo nga pala. Sige, ibubook ko na plane ticket mo para sa out-of-the-country meeting mo. Ilang days ba?"
Park chuckled and ruffled my hair.
"Hoy! Buhok ko! Nagugulo na!" I complained and combed my hair using my fingers.
"Expert ka talaga sa pag-iwas sa topic. Haha. Oo. Sige, book me a hotel for three days." Park grinned. "Thank you, sis."
I just nodded at him. And turned to my computer. "Thanks din, Park. " I smiled before he returned to his work table.
BINABASA MO ANG
If You Were Mine ✔
HumorTropang Bakla (T-BAK) Series #2 Olivia Antonio, the timid nerdy type of woman, who lives in her own shadow and always the supportive friend of her circle finds herself in a situation too impossible to handle. Is she ready to face it on her own? Or...