Chapter 5

77 17 0
                                    

Dedicated to TamimingGamay

"I want that one" turo ni batman sa dala kong sinigang

Atat lang?

"Easy batman, hindi ko pa nga nalalapag sa mesa gusto mo na agad..." Bigla kong nailapag ang bowl sa mesa tsaka tinakpan ang bibig ko

"Batman?" Tanong ni lady moon habang palipat-lipat ang tingin nya samin ni batman

Napayuko nalang ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay

"I don't know to that crazy girl" sabi ni batman sabay kuha sa bowl ng sinigang

"Amshimpshimp..." Panggagaya ko pero bulong lang

"Excuse us sa kusina lang po kami" paalam ko sa pamilya ni batman. Napatingin naman sya sakin kaya inirapan ko sya akmang aalis na kami ng pigilan kami ni batman

"Wait! Join with us, please?" Gulat akong tumingin sa kanya

Hoy batman lumipad ka na nga!

"What the..." Bulong ko pero narinig naman ni Zen dahil narinig ko syang tumawa

"Please?" Paano ba 'to? Papayag ba ako? Eh katulong nga lang kami dito bakit kami sasabay sa pinag sisilbihan namin ha!? At tsaka mga demonyo sila no!

No way!

"Thanks sir but we need to go to the kitchen because the dessert is waiting for us..." Napasimangot naman sya sa sinabi ko kaya lihim akong napangisi

"Ok you may go" sabi ni lady moon kaya umalis na kami pero bago yon yumuko muna kami

Korean style...

"Mukang maganda ang mood ng pamilya demonyo ngayon..." Sabi ni Zen pero pabulong lang kasi baka may makarinig

Taka akong tumingin sa kanya kaya pinagpatuloy nalang nya ang pagsasalita

"Last 3 years kasi naging ganyan kasaya at kabait ang pamilya ni sir phire dahil sa babaeng mahal nya...."

"Kasundo nya ang lahat ng mga tao dito maski ang dalawang kapatid ni sir phire, yung naka upo sa magkabilang gilid..."

"Yung babae na 'yon maganda sya pero saksakan ng maldita at yabang akala mo sya ang nag papasweldo sa amin..."

"Ang malala pa, sya ang dahilan ng pagkamatay ni manang Eden..."

"Pero tinanggi nya yon umiyak-iyak pa sya at sabi nya nalulungkot daw sya sa pagkamatay achuchu ni manang Eden kaya ayun naniwala naman sila sa kaartehan ng gaga...."

"Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nya Sindi mula sa salitang 'Sin' at nagtatapos sa 'di' na ang ibig sabihin ay 'dimonyo'..."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na humagalpak ng tawa dahil sa huli nyang sinabi

Sindi for Sindi'monyo....

"Grabe kayo! Hahahahah...!!" Napatawa na lang din si Zen kaya lumapit samin ang iba naming kasamahan at nakitawa

"Hahaha!"

"Oo naaalala ko nga si Sindi'monyo!"

"Hahahah!"

"Demonyita!"

"Urusai, baka marinig tayo..." Bulong ko ng makarecover sa pag tawa pero sila tuloy parin kaya inulit ko

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now