Chapter 12

82 16 2
                                    

Dedicated to blue_attitude

Precious POV

Sa sobrang bagal kong maglakad pwede na akong maunahan ng pagong

Medyo namanhid din yung pisngi ko mula sa pagkakasampal sakin ni impaktang Khea

Kasabay kong naglalakad si Pearl pero medyo malayo sya sakin dahil mabagal nga akong naglalakad papunta sa maids room

"Meow!"

Habang naglalakad hindi ko mapigilang makaramdam ng awa para sa sarili ko

Simula ng matapunan ako ng tubig at pagbabanta sa buhay ko hanggang sa sampalin ako ng malakas na hindi ko inaasahan at sa pagsalampak ko sa sahig na mukang basang sisiw dahil nanaman sa tubig na binuhos sakin at sa paraan ng pagsasalita ni Khea sa harap ko na parang walang kwenta sa paningin nya. Lahat ng 'yan hindi ko naranasan sa kamay ng ibang tao

Pero sabagay hindi nga pala sila tao they're devils as always I said

Nahinto lang ako sa pagiisip ng mapansing maling daan na pala ang tinatahak ko. Papunta na 'to sa kabilang way ng mansion kung saan nandoon ang mga tambak na gamit

"Meow!"

Kinuha ko si Pearl mula sa pagkakaupo nya sa paanan ko na hindi ko napansin dahil lumilipad ang utak ko

"Meow!"

Hinimas himas ko ang malambot nyang balahibo hanggang sa may maramdaman akong kakaiba

Mga yabag ng paa ang una kong narinig palapit sakin kaya nagtago ako sa malaking vase hindi kalayuan sa kinatatayuan ko

"Nagawa mo ba?" Rinig kong tanong ng lalaki

"Yes boss!" Sagot naman ng isa

"Eh yung pinapagawa ni Lady Raymoonick?"

"Alin boss? yung sagasaan si Miss Althea? O yung patayin si Mister Cloud?"

"Bobo! Malamang lahat ng yan!"

"Y-yes boss! Nagawa ko na yung una pero ang patayin si Mister Cloud mamayang gabi pa namin gagawin"

"Ok, pero this afternoon we are going to attend the party ball dahil special guest don ang target natin"

"Yes boss!"

Pagkatapos ng paguusap ng dalawang lalaki hinintay ko muna silang makalayo bago ako umalis sa pinag tataguan ko

Naglakad ako ng mabagal na parang wala akong narinig dahil baka mahalata ako kapag naging aligaga ako o kapag tumakbo ako at bigla kong makasalubong ang isa sa kanila. Hay nako mahirap na! Mabuti ng maging maingat!

"Meow!"

Tinignan kong maigi si Pearl ng makarating kami sa maids room ng inilapag ko sya sa ibabaw ng mesa

Kanina pa kasi yan meow ng meow Buti nalang hindi nya yan ginawa kanina nung nagtatago kami sa malaking vase kanina

"Nagugutom ka na ba?" Para akong tangang naghihintay ng sagot sa pusa kaya kumuha nalang ako ng tinapay sa bag at pinag himay si Pearl

"Lady Raymoonick?" Tanong ko sa sarili

Familiar sakin ang pangalan na yan pero hindi ko alam kung saan ko nadinig

Habang iniisip ko kung sino ang tinutukoy nilang Lady Raymoonick biglang bumukas ang pinto ng maids room at iniluwa non sila Grace,Judy at Genny na habol ang hininga

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now