Dedicated to z_star_princess
Zen's POV
Mag iisang bwan na ng mangyari ang panloloob sa amin. Lalong nahulog ang loob ko kay Young Master Kagumi ng malaman ko na sila ang nagdala sa amin sa clinic. Halos ayoko na ngang maligo non dahil alam kong hinawakan nya ako.
Yuck. Kadiri ka Zen.
Simula ng gumaling kami hindi na namin makausap ng maayos si Cie at bihira nalang namin sya makita sa kitchen dahil palagi syang na sa garden.
Hindi na namin alam kung anong gagawin para bumalik sya sa dati dahil hindi kami sanay na tahimik at walang kibo si Cie. Lahat ng ipagawa sa kanya nila Young Master sinusunod nya agad. Minsan din huli na syang umuuwi sa maids room. Kahit si Young Master Kagumi naninibago sa kinikilos nya.
"Hoy Zen kanina ka pa nakatulala kay Cie." tinignan ko lang si Nicka sa gilid ko. "Alam mo namang hindi tayo papansinin nyan."
"Pansin mo bang iwas sya kay Ate Jean?" biglang tanong ni Karen.
"Oo bakit kaya?" sagot ko.
"Baka may tampuhan sila?" hindi din sigurado si Nicka.
"Wala naman daw sabi ni Ate Jean." kontra ni Karen.
"Eh bakit kaya snob si Cie sa atin? Ilang linggo na yan ah?" Dagdag pa nito.
"Baka may problema lang." sagot ni Nicka.
"Ano kayang problema nya? Parang anlaki naman? kasi mag iisang bwan na syang ganyan Simula ng gumaling tayo." Napaka chismosa talaga nito.
"Hoy Karen." pagtawag ko sa atensyon nito.
"Bakit?"
"Hindi kaya pino problema nya ang kagutuman sa pilipinas–? Ack–!"
"Tumigil nga kayo!" sinamaan ko ng tingin si Nicka habang hinihimas ang parte ng ulo ko na binatukan nya.
"Mali ka naman kasi Zen eh!" Angal ni Karen.
"Bakit naman?" inis kong tanong.
"Kasi tungkol sa korapsyon ng pilipinas ang problema nya–! Ack–!"
"Isa ka pa! Tara na nga!" singhal ni Nicka kaya lumingon sa amin si Cie. Kanya kanya kami bigla ng gawain. Kunwari tinitignan kung pantay ba ang pagkakagawa ng bintana.
"Parang mas malaki tong isa?" –Karen
"Oo nga no?" –Nicka
"Mas makintab tong isa oh!" turo ko sa isa.
"Oo nga!" sang ayon ni Karen
"Tara kuha tayo pamunas!" sumilip pa kami kay Cie at nakatingin padin sya samin kaya kumaway nalang kami sa kanya tsaka nagmamadaling umalis.
Nang makalayo na kami sa kanya ay sabay naming hinampas si Nicka.
"Aray ko naman!" daing nito.
"Ikaw kasi! Kung hindi pa ako nakaisip ng palusot edi para tayong tanga na nagsusukat ng bintana!" singhal ko.
"Hoy saan ba kayo galeng?!" napa ayos kami ng tayo ng makita kami ni Ate Jean.
Patay na.....
"Kanina pa namin kayo hinahanap! Kailangan namin ng tulong! Tara na!" wala kaming nagawa kundi sumunod nalang sa kanya.
YOU ARE READING
Shi Mansion (Home Of Devils)
Mysterie / ThrillerKung pangarap mong makatira sa isang mansion tatanungin muna kita..... Sigurado ka ba? Kakayanin mo kayang tumira sa mansion na ang mga kasama mo ay hindi ordinaryong tao? Kung tawagin sila ay 'demonyo' 'mga alagad ng impyerno' 'halimaw.' Mga demony...