Chapter 25

43 7 1
                                    

Dedicated to AlvinjayNobleza

Precious POV

Hindi ka na nahiya sa sarili mo Precious. Ganyan ka na ba kamanhid ngayon at kawalang pake sa sarili? Bakit ko ba kasi ginawa yon? Anong klaseng espirito ang sumapi sakin at ganon kaharot?

I'm so naiinis very much sa sarili ko!

Pwede ko naman syang itulak at tadyakan pero bakit Hindi ko ginawa? Kasi gusto ko din? Haluh mukang wala na ako sa sarili.

Hindi ko matanggap ang kagagahang ginawa ko. Aba bakit gumanti pa ako ng basta! ayoko ng maalala pa yon! Magtatanggal lang kasi sana ako ng alikabok eh. Eh bakit parang iba yung natanggal sakin?

Hindi na ako nahiya! Ano yon? dalawa sa isang araw? napakalandi ko naman! Parang ayoko na tuloy magpakita sa kanilang dalawa dahil alam ko na maaalala lang nila kapag nakita nila ako.

"Hoy Cie kanina ka pa wala sa sarili mo, ayos ka lang ba?" Tanong ni Genny.

"Genny kasama mo ba si Lisa? si Jisoo andyan ba? si Rose nasaan?" Naiinis ako sa sarili ko na hindi ko na alam ang tinatanong ko.

"Huh? Maligo ka nga muna, lutang ka na eh." Naguguluhan itong umalis sa harapan ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Mica na naghuhugas ng kamay. "Kanina pa kami nawiwirduhan sayo, Hindi kami sanay." pinagpag nito ang basang kamay sa mukha ko kaya napabusangot ako.

"Ano ba! wag nyo nalang akong pansinin." iritang sabi ko bago lumabas ng kusina.

Nakakainis ka Precious! Masyado kang halata! Umayos ka!

Tumingin tingin muna ako sa paligid bago tahakin ang daan papunta sa kwarto ng kambal.

"What are you doing here?"

"Sinusundo kita."

"What? are you out of your mind?"

"No. I'm serious here, let's go."

"Get off me! I don't want to be with you! not now!" 

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ng usapan sa likod ng grand staircase. Lumapit pa ako ng kaunti dito upang marinig ang pinag uusapan ng kung sino.

"Why? you don't love me anymore?" may halong lungkot ang boses ng lalaki.

"No it's not like that! Nag iingat lang ako at alam naman nating dalawa na hindi pa tapos ang misyon ko." wika naman ng babae. Pamilyar ang boses nya na parang naririnig ko araw araw.

"Please sumama ka na sakin. Hindi na masusunod ang itinakdang araw para sa P.O.D iilang araw nalang ang natitira at walang nakakaalam kung kelan ito, pwedeng bukas o sa makalawa."

"Oh kung ganon mas kailangan kong bantayan si Haira dahil ayoko ng maulit ang dati." Naging curious ako sa sinabi nito dahil narinig ko ang pangalan ko pero hindi ako siguradong ako nga ang tinutukoy nito.

"Kaya nga itatakas nalang natin sya para hindi na sya mahirapan pa." punong puno ng pasensya ang lalaki.

"Hindi pwede Vinson, mahihirapan tayo! maraming mata ang nakamasid sa atin." Vinson?

"Kaya nga nandito ako para sa inyo, alam kong mahihirapan tayo dahil sya ang target ng mga kalaban dahil nalaman nilang sya ang tinatagong alas ng mga Villamoso."

Villamoso?

"Ako naman ang makikiusap sayo Vin, huwag muna ngayon at alam kong Kaya nya ang sarili nya dahil may training kami gabi gabi at sya ang nagtuturo sa amin." Mukang ako nga ang tinutukoy.

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now