Dedicated to Gyahhh_02
Precious POV
Hindi ko naman alam na nandon din silang dalawa na pinapanood pala kami kaya ganon nalang ang hiya ko ng makita ko sila pag katapos kong sumayaw!
Haayyy buhaaayyy!!!!!
"Dancer naman pala!" Wika ni Zen na kanina pa ako inaasar
"Buti nga at may magaling sumayaw satin eh!" Singit naman ni Judy kay Zen
"Sumasayaw din naman ako ha!" Nakangusong sambit ni Zen
"Oo nga pero ang sabi ko 'buti nga at may MAGALING sumayaw satin!" Talagang pinag diinan pa ang Magaling
"Tsk! Dyan ka na nga!" Sigaw ni Zen kaya napatawa nalang kami sa inasta nya
Andito kami sa sala ngayon at naglilinis syempre! Dahil may dadalaw daw na mga bisita kaya kailangan malinis. Kung pwede nga daw ay pakintabin namin ang buong sala para matuwa daw ang mga bwisita I mean bisita. Heheheheh!
Ako ang nag pupunas ng mga mamahaling vase nila kaya ingat na ingat ako. Hindi pwedeng magasgasan at hindi din pwedeng may maiwan na alikabok at mas lalong hindi pwedeng mabasag!
Buhay ko na yata ang kapalit kapag nabasag ko ang isa sa mga mamahaling vase nila kahit pa sabihin mong maliit lang yan!
Para akong timang na nag pupunas dahil parang hindi pa dumadampi ang basahan sa vase naginginig na ako
Ilang minuto din ang nilaan ko para matapos ang pag pupunas ng vase nang biglang may mahagip ang mata ko sa loob ng isang maliit na vase
Tumingin tingin muna ako sa paligid para malaman kung may nakatingin sakin pero wala naman kaya dahan dahan kong pinasok ang dalawang daliri ko sa vase pero laking gulat ko ng hindi na maalis ang mga daliri ko kaya nataranta ako!
Wwwaaaaahhhhhh!!!!!!!!!
"Pst! Genny...." Kinakabahan kong tinawag si Genny na busy kakapunas ng mini table
Taka naman syang tumingin at lumapait sa akin. Nginuso ko ang vase kung saan nakapasok ang dalawang daliri ko
"Ano ba kasing ginawa mo?" Nag aalalang tanong nya. Kahit sya kinakabahan din dahil baka mabasag namin ang vase
"M-may nakita kasi akong p-piraso ng papel eh plano kong k-kunin kaya ito nangyari heheh.." Naiilang kong sabi
"Sige hintayin mo ako kukunin ko lang yung gunting..." Gulat akong napatingin sa kanya
"B-bakit gunting?" Kinakabahan kong tanong
"Eh syempre! Para saan pa ba? Edi gugupitin natin 'yang daliri mo!"
Wwwhhhhaaaattttt!!!!!??????
"Genny!!" Sigaw ko pero tinawanan lang ako
"Hahahahaha! Biro lang ano ka ba!? Masyado kang matatakutin!"
"H-hindi naman sa g-ganon! Ikaw k-kasi!"
"Eh bakit ka nauutal??"
"Wala! Bilisin mo na!"
"Langis kasi ang kukunin ko..."
"Sige na!!" Sigaw ko at tinulak pa sya
"Aye aye! Madam Cie!"
Tsk! Baliw din to eh!!
Maya-maya lang ay nakabalik na si Genny na dala ang isang litro ng langis at tsaka unti unting binuhos sa kamay ko para dumulas ang mga daliri ko
YOU ARE READING
Shi Mansion (Home Of Devils)
Mystery / ThrillerKung pangarap mong makatira sa isang mansion tatanungin muna kita..... Sigurado ka ba? Kakayanin mo kayang tumira sa mansion na ang mga kasama mo ay hindi ordinaryong tao? Kung tawagin sila ay 'demonyo' 'mga alagad ng impyerno' 'halimaw.' Mga demony...