Dedicated to pinkyyblossomsss
Cosphire's POV
Hindi ko na hinintay pang makapag park si Owen dahil agad akong lumabas ng kotse nya at nagmamadaling pumasok sa gate.
"Hire!" rinig ko pang sigaw ni Owen
Nang makarating ako sa entrance ay nilibot ko muna ng tingin ang buong paligid. Madilim at tahimik. Walang katao tao pero may nararamdaman akong kakaiba.
Dahan dahan akong naglakad papasok ng pinto at inihanda ang baril. Lumakad ako ng tatlong hakbang at tinutukan ang likod ng pinto pero walang tao.
"Hire." bulong ni Owen ng makasunod sila.
Sa kusina ang una naming pinuntahan at nagulantang sa nakita. Halos lahat ng maid ay nakahandusay sa sahig at may mga dugo'ng nagkalat. May mga laslas sila sa tagiliran kaya agad na nilapitan ito ni Kagumi at Owen.
"Khea search the area and catch the culprit." agad na tumango si Khea
"Hire find your Mom and the twin." magkasabay kaming lumabas ng kusina. Dahan dahan akong umakyat sa second floor. Nakabukas ang pinto ng kwarto ni Mom kaya itinutok ko doon ang baril at may narinig na kalabugan.
"Sinabing bitawan mo ako!" rinig kong sigaw ng tao sa loob. Nagtago muna ako sa gilid at nakarinig ng sipa, suntok, dagok at sampal kaya pinasok ko na pero napahinto ako sa nakita.
Walang emosyong nakatingin si Precious sa lalaking nakahandusay sa sahig. Nakatayo ito ng tuwid pero nakababa ang tingin kaya nagdalawang isip pa ako kung lalapitan sya pero ng aktong matutumba sya ay sinalo ko agad.
Nakita ko sa aking peripheral vision ang paglabas ni Mom sa kanyang closet pero napahinto ako ng makita ang magandang mukha ni Precious habang mahimbing na natutulog.
"Buti dumating na kayo." wika ni Mom. Tinignan ko ito at nagtaka ng makitang napakalawak ng pagkakangiti nya.
"Dapa!" rinig kong sigaw ni Khea.
"Where is the twin?" tanong ko.
"Under the bed." inilapag ko muna si Precious sa kama tsaka ako yumuko upang tignan sa ilalim ng kama ang kambal. Nakatakip ng kumot at mahimbing na natutulog ang dalawa kaya maingat ko silang hinila at inihiga sa tabi ni Precious.
"Let's go." naunang lumabas si Mom kaya sumunod na ako pero sinulyapan ko muna ang babae bago lumabas. Hinatak ko nalang sa paa ang lalaki.
Habang naglalakad pababa hindi ko mapigilang kabahan at mag alala dahil sa kalagayan nya. Kaninang papunta kami dito ay gusto ko ng liparin ang daan makitang ligtas lang sya.
Why I am feeling like this?
"How's the maid's?" tanong ni Mom pagkababa.
"They're in critical condition kaya tinawagan ko na ang mga private doctors. Na sa clinic na sila ngayon." tumango lang si Mom at umupo sa sofa.
"Ano ng gagawin sa mga to?" Tanong ni Khea. Wala na ding malay ang dalawang lalaki.
"Dalhin sa basement." sagot ko.
"Ok!" tigiisa silang tatlo tsaka kinaladkad papunta sa basement ang tatlong nanloob sa mansion.
Wait for me there....
Precious POV
"Tulungan mo kami!"
Napabalikawas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. Puno ako ng pawis ng hawakan ko ang aking leeg. Nakakatakot ang isang yon. Hindi ko napag handaan.
YOU ARE READING
Shi Mansion (Home Of Devils)
Mystery / ThrillerKung pangarap mong makatira sa isang mansion tatanungin muna kita..... Sigurado ka ba? Kakayanin mo kayang tumira sa mansion na ang mga kasama mo ay hindi ordinaryong tao? Kung tawagin sila ay 'demonyo' 'mga alagad ng impyerno' 'halimaw.' Mga demony...