Chapter 29

27 6 0
                                    

Dedicated to michellemagbanua14

Someone's P.O.V

"Wala na ba talagang ibang paraan upang mapigilan ang cold war?" isang mahinahon na pananalita ngunit may diin sa nais iparating

"Seriously? ngayon mo lang tinanong kung kailan dalawang araw nalang ay sasalakay na ang kabilang panig." Sopistikadang wika ng ikalawang pinuno ng nasyon.

"Maraming paraan ngunit desisyon pa din ng pinuno kung papayag syang itigil ang cold war." Dagdag naman ng lalaking hindi nawawalan ng alak sa kanyang tabi.

Ngayon ang araw na nagsasama sama ang founder at pundasyon ng tinatawag na "Nasyon" sa mundo ng mga tiwalag sa gobyerno.

Marami silang organisasyon ngunit isang bagong sibol na nasyon ang kumalaban sa Nasyon ng mga Gangster's or Mafia's.

"Tila tahimik yata ang binhi ng huling grupo?" pagtutukoy sa akin ng sekretarya.

Tumayo ako at nagbigay galang dito kahit na sya ang aking ina. Simula nang tanghalin bilang sekretarya ang aking ina hindi na kami tulad ng dati na may ngiti sa mga labi. Bawat kilos nya ay kailangan naka agapay ako ngunit walang karapatang makialam sa bawat desisyon nya.

"Lagi namang tahimik ang binhi'ng iyan, ni minsan yata ay hindi ko narinig magsalita." Hindi na ako nagulat ng lagukin niya sa isang segundo ang isang basong puno ng alak.

"Maupo ka binibini tiyak na hindi magugustuhan ng sekretarya kung ikaw ay mapapagod." agad akong umupo tulad ng sinabi ng ikalawang pinuno.

"Maiba tayo, nasaan na ba ang pinuno–"

"Masyado ka namang naiinip ikalawa?" Otomatikong tumayo ang lahat at nagbigay galang sa "Pinuno" ng nasyon.

Naging tahimik ang silid at tanging ingay lamang ng sapatos ng pinuno ang naririnig. Walang nagtatangka na magsalita maski ang ikalawang pinuno ay natahimik lalo na at binanggit siya nito.

"You may all seat down." kung paano sabay sabay na tumayo kanina ay ganon din ang nangyari sa pag upo. Tila may daynamiko ang lahat ng bagay kapag nariyan ang pinuno.

"Who wants to stop the war?" direktang tanong nito.

Ang lahat ay nagpapakiramdaman, naghihintay kung sino ang may lakas ng loob upang sagutin ang pinuno.

"Me." naagaw ang aming atensyon ng bumukas ang pinto at iniluwal niyon ang nag traydor sa nasyon.

Mabilis ang naging kilos ng lahat, nakatutok na sa kanya ang lahat ng pwedeng makapatay sa isang tao.

"Easy, hindi ako pumunta dito para putulan ng daliri ang bawat isa sa inyo." hinawi nito ang baril ng sekretarya at lumapit sa pinuno ngunit isang hakbang lamang ang ginawa nito ay namimilipit na sya sa sakit.

"Nagkamali ka ng hinawakan." kinasa ng sekretarya ang kanyang baril at pinaputukan ang sahig kung nasaan nakahandusay ang traydor ng nasyon.

"Let's continue." bumalik sa dating posisyon ang lahat.

"I know that we gathered here to talk about the important matter, but what I am seeing right now is opposite to what we planned." Ipinatong ng pinuno ang kanyang kanang kamay sa mesa.

"Miss Ancajas." Tumingin ito sa akin kaya't mabilis akong tumayo at binuksan ang files na hawak ko. "What's the update?"

"Based on the investigation buhay po ang mga magulang ni Miss Haira."

"So where is her parents now?" Binuklat ko ang isa pang piraso ng papel

"Hawak po sila ng kabilang panig at napag alaman din po ng Gang C na itinago sa ibang lugar ang kambal nitong kapatid."

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now