A/N: Hi wattpader! hmm, medyo boring yung cmula kasi introduction p lang. Please be patient :)
<3 DAY 1 <3
"KRIIIIIIIIIIING!"
Tunog ng alarm clock ni Sandy. Kinuha niya ang cellphone at pinasnooze after thirty minutes. Five o'clock pa naman kasi. Nevermind the cramming, basta makatulog lang siya ulit. Bumalik ulit si Sandy sa pagtutulog. Sa pagkakaalam niya eh "BACK TO SCHOOL" na naman ang peg pero parang wala lang sa kanya. Graduating student na siya pero ayaw niyang grumadweyt. Kung pwede lang maging porebs na estudyante ay gagawin niya.
"KRIIIIIIIIIIING!"
At tumunog naman ulit ang alarm clock. She immediately panicked. Para bang tauhan na naiwan sa kalagitnaan ng apoy.
"Waaaaaaaaah! Kainis naman oh! Six na!," pagbwebwesit niya sa kanyang sarili. Pagkasabi niya nun ay inaayos niya na pala ang kama niya. Tamad si Sandy sa gawaing bahay pero kapag silid-kwarto na ang pinaguusapan ay ibang storya na yun. Actually, hindi niya ugali ang umalis sa bahay na magulo ang kwarto niya, lalo na ang kama.
Nang matapos na siyang mag-ayos ay humubad siya at hinila ang twalya sa sampayan at tinakip sa katawan nito. Pumasok siya sa CR at nagumpisang maligo. Bago niya ibuhos ang tubig ay tiningnan niya muna ang orasan sa ibabaw niya. Doon niya linagay para sa tuwing naliligo siya ay aware siya kung anong oras na.
Time check: 6:10 am
Nataranta pa din siya kaya binilisan niya ang pagbuhos ng tubig, tapos nagshampoo, nagsabon, nagconditioner, tapos bumanlaw at bumanlaw ulit at bumanlaw ng bumanlaw pa. Humapdi kasi ang mata niya dahil natapunan ng sabon ito sa sobrang clumsy niya. Finally, nakalabas na din siya ng CR at nagsimulang magbihis.
Sa paglalagay niya ng medyas ay naramdaman niya ang kanyang cellphone na nagvibrate. Eh kasi naman, naupuan niya ang phone niya. Mabuti nga hindi nabasag ang LCD
"Ay butiki!," sabi niya bigla at kinuha agad ang phone. Inunlock ang screen, binasa ang message at napangiti sa nakitang mensahe.
Iha si Tita Vic mo to. Punta ka mamaya sa bahay ko. May ibibgay ako sa inyo ng papa niyo.
Si Tita Vic ay kapatid ng mama niyang pumanaw na. Walang asawa ang tita niya dahil ilang beses na daw itong nabigo sa pag-ibig. Dahil sa katangahan ng tita niya ay naging single mom siya sa dalawang bata na may kanya-kanyang tatay. At hanggang ngayon ay umaasa pa rin ang tita niya na may bumalik sa kanyang asawa at mahalin siya ulit.
Rineplyan kaagad ni Sandy at nagpatuloy na sa pagbibihis.
Finally tapos na din siya at Viola! Seven-fifteen na pala! Late na siya ng thirty minutes. Six-forty five kasi nagsisimla ang klase pag monday dahil may flag ceremony which may attendance at graded pa sa Values. Kaya nataranta naman siya.
"Punyetang buhay to!," mura niya sa kanyang sarili habang nag-aabang ng traysikel sa labas ng gate nila.
May dumaang traysikel. Tamang-tama bakante.
"Manong para..," senyos niya sa driver ng traysikel.
"Iha private to eh," pahintong pagmamaneho ng driver para makapagsalita.
Nginitian niya na lang ang driver at bumalik na naman sa puwestong kinatatayuan. May paparating na naman na traysikel kaso may nakaangkas. Uso kasi ngayon ang rape. As if naman irarape siya. Natawa siya nang konti nang naisip niya nun. Sninob niya na lang sa pamamagitan ng pagkukunwari na may kausap siya sa phone.
"Okay see you," at binalik ang phone sa bulsa.
Sino naman ang may kakayahang magrape sa akin? Eh wala naman diba? Sa pangit kong to?
BINABASA MO ANG
How they met in Five Days
Teen FictionSandy couldn't believe she would fall for a guy na nakilala niya lang ng limang araw at ganun din ang nararamdaman ni guy. But how can they express their feelings to each other? Basahin ( ^ o ^ , )