~
~
~
"Tabi, tabi, tabi," pagtsutsupe ni Tyler sa mga taong nakapalibot sa naaksidenteng dalaga.
Sandy...
Bulong ng puso't isipan niya nang maktia itong duguan at walang malay. Binuhat niya ito at pumara ng keep.
Oo, jeep. Wala na siyang choice kaysa naman maghintay pa siya ng ambyulansiya o taxi. Tamang-tama naman na may mabait na jeepney driver ang pumara sa kanya.
"Manong sa St. Anthony ho, pakiblisan."
"Sige boss."
Habang nagmamaneho ang driver, hindi pa rin makalma ni Tyler ang sarili.
Kasalanan ko to.
Ang gago ko talaga! Bakit pa kasi nakipagkita ako sa Ashley na iyon. And that Ashley, must pay for this. Baka kung ano magawa ko sa kanya sa oras na malubha ang kalagayan ni Sandy.
Tumigil na ang jeep Agad namang bumaba si Tyler na buhat-buhat pa rin ang pinakamamahal niyang si Sandy. Agad siyang dumiretso sa Emergency room at inakaso naman siya ng mga nars.
Habang hindi siya mapakali may kumalabit sa kanya pagkatapos niyang ipaubaya si Sandy sa mga nars. Tatay niya pala. Di niya alam kung bakit bigla niya itong yinakap at umiyak na siya parang bata.
"Tahan na anak, she will be fine.."
"Kasalanan ko to Dad."
Maya-maya'y dumating ang ama ni Sandy.
"Nasa'n ang anak ko? Nasa'n ang anak ko?," pagkukuwalas ni Mang Ivan sa Emergency room hanggang sa makita niya ang binatang doktor na maraming dugo sa damit.
Linapitan niya ito at pinagsabihan.
"Anong ginawa mo sa anak ko?"
"Sir, it was --"
"Ayoko na makita kang dumidikit sa anak ko!"
"Sir, let me --", hindi napatapos ni Tyler ang sasabihin niya dahil nagwalkout si Mang Ivan.
God. Ano ba tong nagawa ko? Bakit hinayaan ko sarili kong saktan si Sandy? Kung may mangyari talaga na masama sa kanya, hindi ko mapapatawad sarili ko. Aish! Bakit pa kasi ako nakipagkita sa Ashley ina iyon!
Sandy, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ktia. Alam mo yun, higit pa sa buhay ko. Sana mapatawad mo pa ako.
Nasa chapel ngayon ng hospital si Tyler, taimtim na nagdadasal at pinagsisihan ang kanyang ginawa. Hindi niya alam ang gagawin pa, naging rason mismo ng kanyang pag-iyak. Maya-maya'y may nagtext.
Hinablot niya ang cellphone at tiningnan ang text.
BINABASA MO ANG
How they met in Five Days
Teen FictionSandy couldn't believe she would fall for a guy na nakilala niya lang ng limang araw at ganun din ang nararamdaman ni guy. But how can they express their feelings to each other? Basahin ( ^ o ^ , )