Teddybear ( 8 )

984 16 0
                                    

"Bakit? Ano ba? Ba't gising ka pa, ha?," habang pinapalo ang ulo nito.

"Nagtatampo ako sa iyo."

Ay oo nga pala! Nakalimutan na nito ang isama si Nicole sa trabaho niya. Inexcited siya kasi kaninang umaga dahil makikita niya si Sandy. Alam niya mahirap naman suyuin ang kapatid nito dahil super childish ito. Kailangan pa nitong bilhan ng Corneto o Magnum, basta ice cream para lang makasundo ulit nito.

"Sorry talaga. Nakalimutan ko," at yinakap ang kapatid. Talagang close ang dalawa dahil sila palagi ang naiiwan sa bahay noong nag-aaral pa siya.

Nagulat si Tyler ng makitang ngumingiti ang kapatid. Ang usual kasi na reaksyon ay dapat nagwawalkout o sinusungitan ito pero hindi.

"Kuya, who's Sandy?," nakangiting tanong ni Nicole habang tinititigan ang kapatid na para bang hinihintay ang sagot pero hindi nagsalita si Tyler.

Panalangin niya sa Diyos na sana hindi narinig ng kapatid niya ang sobrang lakas ng pintig ng puso nito na tila bang sasabog na dahil sa narinig niya ang pangalan ni Sandy. Sa tuwing naririnig niya kasi ang pangalan ng dalaga, parang aatakehin ang puso niyang wala namang sakit.

"Yieee. Kaw Kuya ha," panunukso pa rin ng kapatid niya at tinutusok-tusok ang tiyan gamit ang maliliit na kamay pero dahil mas malaki ito sa kanya, pinigilan niya ang mga kamay at dahan-dahang kiniliti ang kapatid.

"Ikaw ha! Kung anu-ano ang punagsasabi mo!," sabi nito habang kinikiliti pa rin ang kapatid.

"T-ta-ma-na K-kuya," pakiusap nito sa gitna ng mga halakhak niya. Tapos nun ay pinigil na ng binata at inayos ng bunsong kapatid nito ang sarili.

"Gusto mo cornetto bukas?"

"Kuya naman eh!," at nagkibit-balikat ang bata.

"Saan mong napulot na chismis yan Nicole?" 

"Hmm..,: tiningnan ng kapatid ang tinutuksong kuya.

Batid na ni Tyler na kailangan niya munang librehin ang kapatid niya para lang masabi nito ang sagot..

<3 DAY 5 <3

"Well done, Ms. Custodio," congratulate ng school paper adviser kay Sandy pagkatapos binasa ang ginawang news feature. Nakahinga na sa wakas ng mabuti ang dalaga.

Sa wakas! Wala nang gugulo sa akin.

"Thank you maam," abot-langit ang ngiti niya at aalis na sana siya nang ...

"Oops," at tiningnan niya si Ms. Santiago.

"Bakit po maam? May mali pa po ba?," linapitan niya ang ginawang news niya at tinitingnan-tingnan ang papel.

"Wala naman."

"Eh ano maam?"

"May kulang."

"Eh ano nga maam?"

"His picture."

Gosh! Oo nga pala! Grabe ang tanga mo naman Sandy.

Talagang hindi tumatak sa isipan ni Sandy ang picture-picture na iyan. Bakit kasi nakalimutan niya pa iyon eh iyon ang pinakaimportante sa lahat. Ang una kasing tinitingnan ng mga mambabasa sa isang dyaryo o magazine ay yung mga litrato at siyemore kapag may litrato, babasahin nila ang laman. Kumabaga ang litrato ay sentro ng atraksyon.

"Kukuha na lang tayo sa facebook niya maam," palusot nito.

"Aba. Hindi pwede, dapat may effort," pagtanggi ni Ms. Santiago.

How they met in Five DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon