End of the World ( 28 )

627 7 2
                                    

Kanina pa hinihintay ni Tyler ang ama niya hindi dahil tatanungin ito kung ano ang kinalalagyan ni Sandy kundicplano niyang puntahan ng patago ang babaeng pinakamamahal niya, si Sandy sa ospital.

Nakahandusya siya sa sala. Tulog na ang lahat. 11:45 na kasi ng gabi. Napatayo naman siya kaagad ng marinig niya ang ingay ng sasakyan ng ama niya kaya dumiretso siya kaagad sa back door. Linock niya ang kanyang kwarto para kunwari ayaw nitong madisturbo o pwede ring tulog na ito. At isa pa tinatamad at ayaw niya talaga magkuwento tungkol sa kung ano talaga ang nangyari kasi hindi niya alam kung paano ito sisimulan.

Paano naman kasi siya ang may kasalanan ng lahat.

Pagpasok ng kanyang ama ay agad siyang lumabas sa back door.

Bahala na!

Sa wakas nakalabas na din siya sa gate. Ang buong akala niya ay hindi siya mahuhuli.

"TYLER!"

Liningon niya ang boses na narinig niya. Ang ama niya pala.

"Pa?"

"Anong nangyari?"

"Ill explain it later Dad," aakmang aalis na si Tyler nang pinigilan siya nito.

"Better go back to States."

Natigilan si Tyler sa narinig.

"P-po?"

"You heard me right?"

"Pero bakit naman pa? Paano yung trabaho ko dito?"

"Your Tita Sol can give you job there and mas higher na profit and benefits."

"Hindi ko pa kailangan iyan!"

"Look Tyler, Sandy ... she has an amnesia."

"A-amnesia? Paano nangyari?"

"Nauntog ang ulo niya dahil sa halo-halong emosyon ang dinadala niya kanina."

Hindi makatitig si Tyler. Alam niyang kagagawan niya ang lahat. Ang buong akala niya ay physical damage lang eh pati pala pagiisip niya naapektuhan.

Naiinis ngayon si Tyler sa sarili niya. Kasalanan niya ang lahat lahat. Kulang na lang suntukin niya ang sariling mukha niya.

"Pupuntahan ko siya," aalis na naman sana siya nang hinawakan ng ama niya ang braso niya.

"Tyler, are you listening to me? May amnesia si Sandy. My AM.NE.SIA. Kahit anong gawin mo hindi ka niya maalala!"

"Pa, can you step out of this? I can handle everything."

"Gusto mo naman ng skandalo ah? Sige if thats what you want then go."

"Pa, alam niyo naman na aksidente ang lahat lahat diba?"

"Haist. Ano ba talaga kasi ang nangyari?"

"Basta."

"Basta? Yan na lang palagi? Sige basta din babalik ka sa States!"

"Dad! Are you effin listening to yourself?"

"Ako ang ama mo, I know whats better in you."

"Iyon naman pala eh! Bakit mo ko ilalayo sa babaeng pinakamamahal ko?"

"Dahil ayaw ng ama ni Sandy sa iyo. Simula na nagkakilala kayo, puro pasakit palagi ang nabibigay mo sa kanya."

"Pa, alam mong hindi naman totoo iyan."

"Anak, kung ako sa'yo, huwag ka na muna magpakita kay Sandy."

"Sorr Pa, but I have to. Pupuntahan ko siya," at tumakbo na si Tyler.

How they met in Five DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon