"Sandy, I miss you. Ang laki mo na ah," pagyayakap ni Tita niya.
"Ah, oo nga po. Hehe"
"So do you still remember us?," sabay turo sa happy family niya.
"Melanie naman, paano ka naman niya maalala eh last time na nagkita kayo 4 years old pa lang siya eh."
Si Melanie ang kapatid ng ama ni Sandy na isang successful na businesswoman sa Qatar.
Oo tama kayo, nasa Qatar na nga si Sandy. Malayong-malayo kay Tyler.
"Haha. Nga naman ikaw naman Van, binibiro lang kita."
"So Sandy, kamusta na?"
"Okay naman po. Medyo nakakatanda din ako ng mga bagay bagay."
"Good. Ano nga ba talaga ang nangyari kasi?" pagkukulit na naman ng Tita niya.
"Hindi ko nga din po alam. Basta ang alam ko naaksidente ako."
Tapos biglang bumawas ang tao sa living room. Naiwan na lang silang dalawa.
"Ano ba ang nararamdaman mo ngayon?"
"Masayan Malungkot. Naiinis. Hay tita ewan. Kasi may mga bagay na gusto ko talagang maalala at meron naman na mukhang nakalimutan ko na talaga. Sana nga ang mga nakalimutan ko ay yung dapat talaga kalimutan at yung maalala ko ay yung dapat ko maalala."
"Hayy, Sandy, dont pressure yourself. Here's a piece of advice...
Since youre in a new place, start over again. Meet new friends, mingle with us and find someone else..."
Sa mga nagtatanong pala na kung paano nakagraduate si Sandy, binigyan na lang siya ng diploma kasi naiintindihan naman ng lahat kung ano ang nangyari. Wala namang problema kasi complete naman ang grades niya at wala siyang bagsak.
Hindi umimik si Sandy.
find someone else? Eh paano yung lalakeng umiyak sa kanya bago siya umalis?
"Leave everything behind. Tutal hindi mo naman maalala ang lahat sa Pilipinas. Maybe, maybe blessing in disguise ang nangyari sa iyo."
"Po? Paano mo naman nasabi iyon?"
"Naikwento kasi ng papa mo na grabe ang emosyon mo bago ka maaksidente. Well, maybe grabe talaga ang heartbreak mo that time.
Heartbreak?
Nagtaka naman si Sandy. Noon niya pa iniisip na kung heartbreak ba talaga ang rason kung bakit siya naaksidente at
kung bakit kaya?
at
sino kaya ang may gawa nun sa kanya?
yung lalaki ba na umiyak sa kanyang harapan nang nasa ospital pa siya?
Pagkatapos nilang magdinner ay dumiretso si Sandy sa kwarto niya.
Maingay na kasi eh. Marami siyang pinsan dito. Lima. Tatlong babae at dalawang kambal na lalake.
—
Im still confused and nagagalit ako. Kanino? Sa sarili ko, sa papa ko at sa mystery guy na iyon.
Una sa sarili ko,
Kasi hindi ko talaga maalala ang lahat. Tapos kung pilit ko pa ring aalahanin ang lahat, sumasakit lang ang ulo ko. Haist.
Tapos wala akong maisambit na pangalan ng mga kaklase ko. Kainis. Kainis. Mabuti na nga lang kilala ko pa ang sarili ko at si papa.
Pangalawa kay papa kasi naman.. kasi naman.. dinedeny niya pa rin na hindi ko boyfriend o wala akong connection o relasyon sa lalake na iyon. Kainis tuloy.
At
Sa mystery guy na iyon. Alam niyo sa tuwing maalala ko ang itsura niya, nalulungkot ako. :( Sobra. Feel ko talaga kasi na magkakilala kami. Hindi lang magkakilala kundi malapit na kaibigan. Ayaw kong magassume na may "KAMI" nga baka masaktan lang ako. Kasi kung kami diba, ipaglalaban niya ako? Diba? :(
So Go with the flow na lang Sandy?
Hays, wala akong choice kundi I have to move on now and start living this way today but I swear to myself na I will come back to that
guy someday ...
BINABASA MO ANG
How they met in Five Days
Dla nastolatkówSandy couldn't believe she would fall for a guy na nakilala niya lang ng limang araw at ganun din ang nararamdaman ni guy. But how can they express their feelings to each other? Basahin ( ^ o ^ , )