Si Ashley ang nasa pic
~
Tyler's POV
So, eto ako kagagaling lang sa date namin ni Sandy. Grabe, ang saya ko lang nitong araw na ito. So far ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Bakit? Kasi yung pinakamasaya ay yung araw na ikakasal kami ng pinakamamahal kong Sandy. Hindi ko talaga akalain na sasagutin niya ako. Akala ko di siya pupunta.Sandy Custodio was my second love nga pala.
Ashley was the first.
Sino siya?
Let's just say, it was just a puppy love between the two of us eh highschool pa ako nun eh.. Miyembro siya ng cheering squad at ako naman sa rondalla club. Nagviviolin ako. Every 4pm ng hapon ay nagprapraktis and different organizations.
Isang araw wala kaming prkatis dahil may emergency meeting ang adviser namin. Nagsiuwian na ang mga kaclub ko. Sobrang tuwa nga nila dahil first time silang umuwi ng maaga. At ako naman, na nakasanayang umuwi na ng 6pm ay nagpaiwan muna.
Pinanonood ko ang mga nagchecheering.
Si Ashley, nagstutunt...
Hayy, ang ganda niya talaga.
Naglakad ako papunta sa gilid ng basketball court para mas makita ko pa siya. Pero timing talaga si DESTINY dahil na unbalance niya ang stunt niya kaya nahulog siya sa akin at siyempre, sinalo ko naman. Lahat nabigla sa nangyari except sa kanya. Bakit? Kasi nahimatay na siya.
Nataranta ako.
Binuhat ko siya papunta sa pinakamalapit na clinic. Nang bumalik na ang malay niya ay yinakap niya ako kaagad.
"Thank you."
"Ah..walang anuman."
"I'm Ashley. Ikaw?"
"Tyler."
Simula nang araw na iyon ay palagi na kaming nagkikita.
Tuwing recess, lunch, at vacant. Hindi kami magkaklase kasi siya section B. Ako naman, A.
Hanggang sa nagdate na kami at hanggang sa naging KAMI.
Our relationship lasted for two years.
Natatandaan ko pa kung paano niya ako hiniwalayan...
Two weeks before graduation, she broke up with me.
I never thought na maghihiwalay kami kasi marami ang nagsasabi na we were almost a perfect couple kulang na lang ay ikasal daw kami.
"Tyler, we should broke up."
"ANO?!"
"You heard me right?"
"Pero bakit? May mali ba?"
"Oo."
"Ano?"
"Tyler, ano kasi ehh.."
"Sabihin mo na."
"Right after our graduation kasi....
...sa Canada na ako magstastay..", tapos umiyak siya.
Yinakap ko siya.
"Pero mahal mo parin naman ako diba? Yun ang mahalaga."
"Sobra."
"Oh ano ang problema?"
"Hindi ko na alam kung kailan kami babalik..."
"Makakaya natin to.."
"Hindi na Tyler. I guess starting from now, you have to move on..."
"NO!"
"At isa pa may tinadhanang lalaki na para sa akin."
"Ano? Ikakasal ka?"
"Noon ko pa sana gustong sabihin sa iyo. Akala ko kasi magbabago ang isip nina mommy pag nalaman nilang may kasintahan na ako pero nagiba pala."
"Sana sinabi mo para matulungan kita.."
"Ayaw kitang mahirapan Tyler."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Im sorry," at tumakbo siya.
BINABASA MO ANG
How they met in Five Days
Teen FictionSandy couldn't believe she would fall for a guy na nakilala niya lang ng limang araw at ganun din ang nararamdaman ni guy. But how can they express their feelings to each other? Basahin ( ^ o ^ , )