Savior ( 11 )

827 10 0
                                    

Kasalukuyan, hindi alam ni Sandy kung ano ang gagawin niya kasi kung papayag siya, ibig sabihin gusto rin niya makipagkita sa binata. Paano kasi baka hindi niya na mapigilang sabihin kay Tyler na may gusto rin siya dito. 

Ayaw niya kasi magatach sa kahit sinumang tao dahil baka iiwan siya. Oo, matagal na iyon noong highschool pa siya pero ang hirap kasi kalimutan ang nakaraan lalo na kapag may malakas na impact na ito sa buhay niya.

Pinagpatuloy niya na lang ang pagkain. Maya-maya'y pa may tumawag,

Unknown number calling...

"Hi, sino to?"

"Si Jeremy 'to Sandy.."

Si Jeremy ay ex-boyfriend ni Sandy noong highschool days na minahal niya nang sobra at linoko lang siya.

"Oh? Bakit ka napatawag?," pagtataray ni Sandy.

Ewan niya ba kung bakit ito tumawag pakatapos ng maraming taon at kung saan nakuha ang number nito. 

"Kakamustahin lang sana kita."

"Okay lang ako."

"Good for you. Pwede ba tayong magkita?"

Hmp! Wala sigurong magawa ang loko kaya pinagtritripan ako.

"Hindi. Hindi pwede," prangkang sabi niya.

"Bakit naman? I just want to see you."

"Ok. Fine. Text me the venue. Bye."

Wala naman sigurong mawawala kapag makipagkita ako sa kanya.

-----------------------

Sa totoo lang, gustong- gusto talaga ni Sandy makita ang dating kasintahan. Ito ang first love boyfriend niya. First crush, First hug, First kiss, First date at first heartbreak.

Flashback

Opening ng class noong Third year siya nang may lumuhod na lalake sa kanya at tinanong kung pwede ito maging girlfriend. Hindi niya alam kung bakit siya tinatanong ng ganyan sa harap ng madaming tao. Si Jeremy Sandoval, ang campus crush lang naman, ang lalakeng lumuluhod sa kanya. Kilala niya ito since first year pero hindi niya ito crush. Wala namang utak pero aaminin niya, gwapo ito.

End of Flashback

-----------------------

Si Jeremy ang rason kung bakit hindi na nagmahal ulit si Sandy. For her, love always hurts. Nagmamahal ka lang naman pero bakit you need to get hurt pa? Whats the point? Natatakot na siyang masaktan ulit. Napapagod na siyang umasa, umasa na babalikan pa siya.

And boys? Yang mga lalaki? Pare-pareho lang naman kayo! Mga manloloko!

Tanaw na tanaw na ni Sandy si Jeremy sa may labas ng coffee shop. Nakatayo at nagyoyosi. Kailangan niya gawin ang hindi niya pa nagawa noon:

ANG PATAYIN ITO.

(Author: Joke lang, :D)

ANG SAMPALIN (pala) ito!

Eto na siya, pumupunta sa lugar na kinatatayuan ng dating kasintahan. Pinatay nito ang yosi at inoffer ang kamay kay Sandy pero tinakip lang niya ito at sinampal siya.

SLAP!

"Para saan iyon?"

"Sa panloloko mo! Sa pang-gagago mo! Akala mo ganun-ganun lang iyon ha?"

Aakmang sasampalin naman ni Sandy ang stupid na manlolokong ex na 'to nang kinuha ito ni Jeremy.

"I want you Sandy. Please come back to me."

"I can't," sinusubkang kinukuha ang kamay nito.

"Why?"

"Because Im her boyfriend," sabi ng boses ng lalaki sa likod ni Sandy. Liningon niya ito at nagulat siya sa nakita.

Tyler...

Tiningnan siya ni Tyler at binigyan ng ride-in-look.

"Totoo ba Sandy?," sabi ni Jeremy habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya.

Noong una, hindi pa siya makasagot.

"OO!," at kinuha ang kamay nito.

"Tara," anyaya ni Tyler sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

Nang medyo makalayo na sila sa coffee shop, nakita ni Sandy na may humawak sa balikat ni Tyler at pinagsusuntok ang mukha ng kasama. Kasalukuyang pinagsusuntok pa rin ni Jeremy si Tyler. Nang makahanap ng tiyempo ang binatang doktor ay bumangon siya at kinorner ang kasuntukan sa pader and this time siya naman ang naka-isa.

Hindi alam ni Sandy ang gagawin niya. Gustuhin niya man pumagitna kaya lang baka madamay pa siya pero hindi niya rin kaya na nakikita ang taong mahal niya na nasasaktan.

"Huwag na huwag ka na ulit magpapakita sa kanyang leche ka!," sigwa ni Tyler habang pinupunas-punas ni Jeremy ang dugo sa pisngi.

Hinila niya si Sandy sa loob ng kotse at pinaandar agad pero tinigil din ito.

"Tyler, Im sorry. Nadamay ka pa," pahayag ni Sandy nang nakayuko.

Kinuha ni Tyler ang kamay niya na nasa palibot ng drivers handle at lumapit sa nakayukong Sandy. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi at nagsalita, "Tumingin ka sa akin," at tiningnan naman ni Sandy.

Eto na naman ang puso niya. Hindi niya mapigilan ang pagtibok nito sa tuwing nakatitig siya sa mata ng binatang doktor.

"Sandy . . . mahal kita . . ," at dahan dahang linapit ni Tyler ang mukha sa mukha ni Sandy.

----------------

Authors Note: Bitin no? :D Nakaprivate yung kissing scene nila :) Follow me para mabasa niyo :)

Sa mga nakafollow na pala sa akin at hindi makita ang private chap, all you need to do is to unfollow and follow me para makita niyo :D

How they met in Five DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon