Again???

56 2 0
                                    

Kahit hindi niya aminin, masaya siya.Iyon bang happiness to the 10th power,to the highest level pa.Hindi niya aakalaing masaya siya sa kulugong ‘yon.

“Ika nga ,when love and hate collides. Tsk! Naalala niya ‘yong nabasa niya, “There’s but a very thin line that divides love and friendship,just like a line dividing love and hate.

“Ma’am, saan po banda ang sa inyo?,sabi ng tricycle driver.

“Hah? Diyan lang po malapit sa poste,’yong green ang gate. Eto po ang bayad ,thanks.

Pagkababa niya, hindi na siya nahirapan sa pagbitbit ng mga bagahe’t pasalubong kasi nakaabang na ang nakatatandang kapatid niya.

“Nilinis ko na ang bahay doon. Pero dumito ka muna sa bahay ko para makapagchikahan tayo ng mga latest.

“Talaga lang ha? Updated ka ba, ate?

“Hehehehe..super updated sis.Hindi ka makakapaniwala sa mga nasasagap nitong satellite ko.”

“Siguraduhin mo lang na hindi ako maghihikab kung ayaw mong hindi ko ibigay sa’yo ang favorite mong itlog maalat at chicharon..hehehe.”

“Naku!tiyak na manghihinayang ka na hindi mo dinamihan ang pasalubong sa akin.

“Ganoon ha?”. At nagkatawanan pa silang magkapatid.

Magbihis ka muna at magrelax diyan,mamaya na tayo magchikahan.Sasaglit lang muna ako sa palengke,bibilhin ko muna ang mga paborito mong ulamin...Pero hindi libre ha?Mamaya,bigyan mo ako ng pera.Kumindat ito sa kanya sabay tawa.

“Hahaha!hindi ka na talaga nagbago sis,mukhang pera ka pa rin hanggang ngayon.

“Aba, siyempre naman. In this world, nothing is free na,hehe.”

Napagod siya sa biyahe kaya naidlip agad si Kryztel. Medyo palubog na ang araw nang magising siya.

“Kaysarap talaga ng buhay dito. Relaxing, masaya’t walang maingay na busina at iba’t-ibang ingay ng siyudad. Walang pressure, walang deadlines, walang reports na nakakacancer.

Why?Grabe ang DepEd.Akala lang nila.Puro pagtuturo lang inaatupag namin.Hindi lang nila alam na ang daming reports.Daming implementations na ang iba hindi na yata maimplement kasi overlapping na.Ang reports,puro urgent.Akala mo tapos ka na, pero heto na naman.Kadarating lang,may sinasabing URGENT sa baba.

Ano? Ano ba kaming mga guro?Robot na hindi napapagod?Kaya hindi niya rin masisi ang ibang kasamahan niya na puro “make-make” ang ginagawa.Tsk!Para makaabot sa deadline eh di gawa gawa na lang. Hindi talaga nasusukat ang dapat na sukatin.Ang dami pang ginagawang research na mga guro ang pinatatrabaho.Dagdag sakit ng ulo.Kaya ang iba, super “make-make” na lang, wala pa rin.Bokya!

Pero hindi kailanman niya ginawa ang mga iyon.Kung kinakailangang i-conduct, ginagawa talaga niya. And ini-implement niya ang mga dapat lamang na i-implement.

Kaya nga, naiirita siya kapag may consolidation of results na. Kasi nahahalo ang honest to goodness na gawa niya sa mga magic “make-make.

“Sobra ka naman kung makarelax, bangon ka na.”

“Sister, ang sarap talagang magbakasyon.Walang lesson plans,walang reports,hay!”

“Halika na, pagkatapos nating kumain, punta tayo sa baywalk.Maganda roon.Nadevelop na nang husto ng bagong Mayor, presko pa.”

“Talaga?Medyo naninibago nga ako ngayon.Marami na ring mga establishments dito no?Kulang na lang ang mall,na parang malabong mangyari,kasi nga,baka lumubog tayo.Para na nga lang tayong nasa bangka nito, napapalibutan itong bayan natin ng tubig.Pero nakapagtataka talaga, ni hindi pa rin natin nararanasan ang pagbaha, di ba?”

Unfinished BusinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon