like dying...

42 2 0
                                    

“Ayyy,at last,ang bruha!I am so happy,at last,nauntog ka rin.Welcome dito sa teritoryo ko,am sure hindi mo na gugustuhing umuwi pa.Dito mo gugustuhing malibing,day!”

     “Sira, ayaw ko pang malibing,no?Anong akala mo sa akin,patay?Heller?”

     “Hahaha!Hindi mo ba pansin?Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin,naku,para kang vampire na nalimutang huminga sa pagkahaba habang panahon,mabuti na lang,dito mo naisipang magtago,baka matusok ka ng kung anong matulis na bagay kapag nagmall ka,”litanya nito.

Napangiti siya sa sinabi nito.Hindi siya maaaring maglihim dito,kaya nga bestfriends sila,Kasi they seem to read each other’s mind.Niyakap siya nito.Pagdating sa resort,napanganga siya sa ganda ng view.Sa isang espesyal na cottage siya nito pinatuloy.Naiintindihan nito na may pinagdadaanan siya kaya she gave her space.Lahat ng kailangan niya sa resort na iyon,libre.Sa sobrang pagod ng katawa’t isip,nakatulog siya at nalimutan ang hapunan.Bago lumabas ng cottage,naligo muna siya at nagsuot ng itim na  sarong.Itinali lang niya ito sa leeg niya,wala siyang bra,tutal hindi naman mahahalata.Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom.Kaya’t napaparami ang kain niya.Wala siyang pakialam sa diet ek ek,malakas ang metabolism niya.Kaya niyang lumamon ng walang chew factor.Didighay na sana siya ng pagkalakas lakas,but she felt someone is staring at her.Paglingon niya sa kaliwa,there!A foreigner raised his glass and smiled...no,grinned is the correct word.Para itong nakapanood ng isang comedy movie,si Ai Ai ang bida.Kung sana lang hindi siya nagluluksa ngayon sa namatay na pag-ibig,papatulan niya ito.Makakatikim ito ng kahit isang dakot ng kapilyahan niya.Bigla itong tumayo,nilingon pa niya ang kabilang side,to check kung siya ba talaga ang nginisihan nito,and well,walang ibang malapit sa kanya,so,it means...

“Hello to you, lady in black.Can I join you?”

Infairness,mukhang magalang ito kasi hindi talaga umupo,hinihintay pa na paupuin niya.Eh,umandar ang pagiging praning niya,kaya tinagalan niya ang pagsagot,tiningnan lang niya ito,she grinned.Mukhang magandang diversion ito,not bad,he’s handsome.Wait,gray ang mata?Hehehe!Hindi siguro,gabi na,medyo malabo ang mata ko,ang kagandahan ko lang ang naeenhance kapag gabi,kasi nga,nocturnal beauty ako.

“Yeah, sure,why not?

“Gosh, thanks.I thought am not gonna pass the assessment,”sabi nitong nakangiti.

“You didn’t, but I have no choice.I want to talk to a stranger and defy my parents’rule number 1.”

Tumawa ito nang malakas,at tinitingnan siya na para bang anytime,eh,sasabog bigla.Ikiniling nito ang ulo,sabay sabing,”I think I like you,like a breath of fresh air and what-you-see-is-what-you-get type.You are not the pretentious one.There is something new that I want to discover.”

“Hey, if you want to discover something,go get a microscope,any equipment and not me.I am not in my most friendly manner today.We might explode.”

Napatulala ito sa sinabi niya ,siya rin.Medyo nahiya sa implication ng sinabi.Explode... ewz!What a word.She’s not putting any sexual insinuation to what she said.Para talagang sasabog siya sa latest update ng buhay niya.Kaya dinugtungan niya ito ng,”I am in a big turmoil lately.I hate to say this but I must admit,I have no heart.I go heartless,and I don’t know when I’m gonna take it back.”

Nakakaunawa itong tumango and stared.It is rude to stare ,pero siya,ganoon din ang ginagawa dito.

“I see, a lucky bastard.So heartless to take with him your heart.But I know, someday,you gonna take it back,and you won’t look like  a kid,who has been denied an entry to Disneyland.”

“I hope so,’coz I don’t like to go heartless, it is creepy.I can’t see rightly.It is with  my heart that I decide most of my life’s affair.”

Nag enjoy siya sa pakikipag usap dito, napansin niyang sila nalang ang tao sa restaurant kaya nagpaalam na siya.

“I enjoyed talking to you, Kryztel.Thanks for the time,”ngumiti pa ito sa kanya na kung hindi lang sana nag-aaklas ang puso niya,siguradong titibok dito.

“I had fun, thanks for talking to this heartless witch,”sagot niya.

Tumawa ito na nagpapalingon sa mga crew ng restaurant.May bahid ng pagtataka sa mukha ng mga ito.Pagdating sa cottage, hindi siya makatulog.Naiisip niya kung ano na ang nangyayari ngayon sa tinakasan niyang sitwasyon.Siguradong nagpaplano na ang mga ito ng kasal.He will surely pull some strings.AArrgghh! Masakit,pero yakang-yaka.Mahirap din pala ang ganito.Living but dying inside.It is tragic.Buhay ka nga,pero parang patay na.Ikaw ba naman ang mawalan ng puso,hay!

Kinabukasan,late na siyang nagising,kasi nga,puyat siya ng nagdaang gabi.Dali dali siyang nag ayos ng sarili at lumabas para kumain.Pagdating niya sa restaurant,nandoon na si Mike at ang ganda ng pagkakangisi sa kanya.Napansin niyang masyadong marami itong inorder.

“Good morning, Kryztel.I’ve ordered breakfast for us.I hope you don’t mind.It is more enjoyable to eat with someone with a dash of humor like you.”Tumayo pa ito at iniurong ang silya para sa kanya.

“Wow, I feel like a six-footer,grandslam actress,am so flattered.Thanks,Mike.”Ngumiti siya dito nang bukal sa loob.

“You know what? You maybe a heartless witch but you are more beautiful in the sunshine.Nocturnal beauty,huh?I beg to disagree.Now am sure,you really are cute,so cute.”

“You sound like I am a puppy or some Persian cat, duh?She rolled her eyes which made him chuckle.Habang kumakain,dumating si Marie at ang asawa nito.Kumaway si Mike sa kanila.

“Kryztel, meet my friends,George and Marie,”anito sa kanya.

“Mike,meet my friends,Marie and George,”sagot niya dito.

Nagkatawanan silang apat.Nalito sandali si Mike pero agad din itong nakaintindi.

“Bruha ka talaga, Kryztel.Pati si Mike,mukhang nabibiktima ng kapilyahan mo.Mike,she is my bestfriend,my guest here in the resort.We’ve known each other since birth.”

Tumawa ang asawa ni Marie.Tumango tango naman si Mike.Umorder ng dagdag na pagkain ang mag-asawa.Kanya kanyang usapan na.The men talked about business,while sila ni Marie ang nagchichikahan.Bisaya ang gamit nilang salita.

“Bru,buotan na siya.Permi na dinhi kada tuig gyud.Ambot ngano,ikaw pa lang ang gika istorya niya.Dili na halos managad sa uban oy!”( Bru,mabait iyan.Palagi siyang nandito kada taon.Hindi ko alam,pero ikaw pa lang yata ang kinakausap niya.Hindi iyan halos namamansin sa iba,oy!)

“Nah,ambot lang sa iya.Basta ako,wala na koy kasingkasing.Dili nako kabalo mahigugma oy! (Nah,ewan ko sa kanya.Basta ako,wala na akong puso.Hindi na ako marunong magmahal oy.)

“Datu na siya.Ambot pud nganong wala pa man nagminyo.Murag gusto niya pinay ang maminyuan.Pero kapila na nagbalik balik diri,wala pa man intawon nakit an.”( Mayaman siya.Ewan ko lang talaga kung bakit hindi pa nag asawa.Parang gusto niya na pinay ang maging asawa.Pero ilang beses na siyang pabalik balik dito,wala pa ring nakita.)

“Basig ako ra ang gihulat niya.Nah,pasaylua na lang ko.Kay dili na gyud ni mapugos akong kasing kasing,hahaha!( Baka ako lang ang hinihintay niya.Nah,patawarin nawa ako,kasi hindi ko na mapilit ang puso ko,hahaha!)

“Natingala lagi ko,Kryztel.Kay dili mana siya makig istorya maski kinsa.Ikaw ra gyud akong nakita nga gitagad niya.Nagkatawa pa nga dili mana siya halos mukatawa.”(Nagtataka nga ako,kasi hindi iyan nakikipag usap kahit kanino.Ikaw lang ang nakita kong pinansin niya.Tumatawa pa,na halos hindi iyan ngumingiti.)

Nagpaalam agad ang mag-asawa.Medyo nalungkot siya kasi sinabi ni Marie na may nakaschedule pa silang tour sa Europe ng asawa nito.Matagal ng nakaplano.Dalawang buwan silang mawawala.Pero hindi niya ipinakita dito ang kalungkutan niya.Plastik nga yata siya.Masaya pa niyang biniro ang mag-asawa.

“Naku,siguradong brand new baby ang pasalubong ninyo sa mga tao dito,”hirit pa niya.

“Ikaw talaga,mag-asawa ka na nga,at nang buhay mo naman ang kukulitin namin,”tumatawang saad ni Marie.

“Asa ka pa,”sagot niya agad.

Nagyaya pa si Mike sa dalampasigan na pinauunlakan naman niya.Kahit nalulungkot,pinipilit niyang magpakatatag.

(( Vote naman  dyan mga kuya at ate, hehehe!Ayokong mag please...pampawala ng antok at pagod lang, thanks!)

Unfinished BusinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon