Now, they are on their way to the resort, many are waiting excitedly to see the little dragon.An engagement party, yeah. They will be wed in the same place, they will be sharing their little bit of heaven to some.They will be one, finally.
Pagpasok nila sa resort, naghihintay na nga ang mga magulang nila.Pati mga kapatid niya at kapatid ni Rem na si Reese at si Jen, pinupunasan nito ang likod ng batang sa tingin niya ay anak ng dalawa.
Naluha ang mga magulang niya, pati na parents ni Rem habang naaaliw na tinitingnan ang nagmamanong si Rem Jr. Niyakap nito ang apong first time nilang nakita.Mrs. Yanzon smiled and hugged her.
"I knew you're special. Ni minsan, wala pa siyang ipinakilala sa amin.I can see he's very happy now.The day you walked out of this house, parang nawalan din ako ng anak.Now, I have twins and a new daughter."Naluluha pa ito habang tinitingnan ang kanyang mag-ama na bumibida sa mga naroroon.Rem winked at her, happiness radiating from within.Tama nga ang mama nito, para itong nasa cloud 9, super proud sa anak nilang, ewan lang kung bakit parang matanda na kung umasta. Ang papa naman ni Rem ay nangingiti habang binibistahan ang sketch na ipinapakita ng kanyang mag-ama. Pagkatapos, nakikipaghigh five ito sa apo nito na masayang masaya, ngayon lang ito nagkalolo, dalawa agad.
Her parents were equally proud while looking at the little dragon.Ang daming nangyari.
Wedding day- A very beautiful beach wedding , for family and close friends lang.Ayaw niyang magmukhang karnabal ang lahat.Napakamemorable ng kasal nila. Sa pagkahaba habang panahon, naawa rin ang tadhana sa kanila. The two dragons are dashing.Napakagwapo ng kulugo niya.Hindi pa man nag uumpisa ang seremonya, Rem grabbed her for a mind shattering kiss. Nagkatawanan ang lahat sa ginawa nito. He whispered , "Babe,you're not running from me again, you're mine.I love you very much."
"Napakasuwerte talaga ng ibang bruha, ano?"Natatawa si Belen habang niyayakap siya.
"Ganoon talaga, eh.Wala akong magawa."Nagtawanan silang magkaibigan.
"Hey, sis.Welcome to the family," nakangiting sabi ni Jen.Mabuti na lang talaga at wala itong alam sa mga pangyayari.Nakakahiya na ito pa ang palaging dahilan ng pagkakalayo nila ni Rem.Siguradong tatawanan siya nito kapag nalaman ang mga kagagahan niya. Nagyakapan sila.
"Dagdagan mo agad ang pamilya natin, napakakuripot kasi nila mama at papa."
"I'll try,gagawa kami ng isang football team,hahaha!"
"Ano iyang naririnig ko na football team, babe?"
"Ah, sabi ko lang sa kanila, puro hunks ang nasa football team,"natatawang sabi niya sa asawang pumulupot agad sa beywang niya.
"Naiisip mo pa iyan? Eh, you have me, wala ka ng hahanapin pa."
"Ang hangin, alis na nga tayo,Jen." Tatawa tawa silang mag-asawa.
"Babe, pasok na tayo 'dun."Ininguso nito ang silid nila.
"Napakahot mo talaga, kanina ka pa ha? Paano ba iyan? May dalaw ako, two weeks pa naman itong sa akin,kakayanin mo pa ba?"
"Babe, huwag ka namang magbiro ng ganyan, pagkahabang panahon ang pinalipas ko, gigil na gigil na ako. Gusto ko ng maraming maraming dragons. My folks are commanding me to do it fast. Ang galing daw natin kay bubuwit, genius na genius.All you have to do is accommodate me every minute, how's that?"
"Hahaha!Baka maging lumba lumba na ako niyan,babe. O kaya maging losyang agad."
"Nope, that won't happen, I will take good care of you, you will grow old with me gracefully. I promise you, na babawiin natin lahat ng nasayang na sandali.Sa yaman mo ngayon, pwede mo na akong buhayin at hindi na tayo magtatrabaho habambuhay."
"Hahaha!Sira ka talaga, wala ka pa ring kupas. Now, we have a lifetime together, hindi kaya mangalawang ang sense of humor mo niyan?"
"Nah, sa baliw mong iyan? Hindi ako mauubusan, I will make sure palagi akong may baon, or else, makukunsumi ako sa iyo, baka ako ang magmukhang losyang sa atin."
"Aba,hindi naman ako makapapayag na mangyari iyan, you will glow with happiness, that I assure you. You have the most beautiful and the sexiest wife here. Babe, ang saya, promise!"
"Hahaha! Para tayong timang nito, tara na, alis na tayo."
They were about to go, pero humabol ang mga kolokoys sa reception.
"Man, have you seen yourself in the mirror lately?"
Nagkatawanan ang mga kolokoys. Puro kantiyawan ang nangyari.
"Paano mong natiis ang amazonang iyan? Hindi ka ba natatakot diyan? Wala ka talagang kadala dala.Nagpatali ka pa,eh, matagal ka nang sakal diyan, nakakahiya naman ,oo.Itatakwil ka namin ,bro."
" Paano, walang magkamali sa iyo, kaya inggit ka lang."
"Hinding hindi ako maiinggit sa iyo,bro.Tiningnan mo ba nang mabuti 'yung pinirmahan mo kanina?Baka renewable o kaya may expiry date iyon,suwerte ka kapag nagkataon,hehehe!"
Napaisip pa kunwari si Rem,pagkatapos ay sinabing,"Yeah,matingnan nga mamaya,baka may lusot pa ako."
"Naku,huwag kang mag-alala,babe.Hindi ko naman talaga pirma iyong nandoon,para may lusot din ako,"sabay kindat na sabi ni Kryztel.
Naghagalpakan sa katatawa ang mga kolokoys. Hindi makapaniwala na walang kakupas kupas ang mga banat niya. Kaya nga mga alipores niya ito noon, kasi siya lang ang hindi affected sa charms ng mga ito.Napapaligiran siya ng mga gwapo,pero isa lang talaga sa mga ito ang bumihag sa kanya,the one holding her hand,squeezing it tight,making her feel all the love in this world.
They were busy talking and laughing , the little dragon frowned and asked them, "Mom, dad, what is a kulugo? That girl , told me I look like one.I have a feeling it is not so nice."
They looked at the cute girl and both grinned.Well, they've been through it, surely, their little one could.
Your vote will surely inspire me, so, one vote?
BINABASA MO ANG
Unfinished Business
RomanceIt's been a long time,but Kryztel could not forget her first love-Rem the bakunawa.They met again.But she ran away for the same reason why she broke up with him ages ago.But this time,she's pregnant.An Australian offered her marriage.She grabbed the...