(VENUS EYES)
...Arihan's P.O.V...
Pauwi ako ng cabin at iniisip ko parin ang moment noong nagtagpo ang tingin namin ni Lavien. Siya ang nakita ko na hindi makaundagaga sa bigay tulong sa mga nasugatang students. 'I admire him.
Dahil sa kanyang responsibilidad sa kanyang mga nasasakupan, as Prince and soon to be King ng Emerald Empire.
Tahimik naman ang buong Camp ng pumasok ako, sa bulwagan palang ay maraming bumabati at ngumingiti sa akin sa tuwing my nagkakasalubong sa akin. Mababait naman pala ang mga tao rito.
Diretcho nalang ako sa cabin 223. Naabutan ko naman ang mga kasama ko sa sala ng cabin na nagkakwentuhan. Apat sila at mukhang si Caliksto ang kulang.
"ARIHAM!"..Sabay nilang tawag sa akin. Ngitian ko nalang sila at walang imik na umupo sa tabi ni Amiyan.
Ngunit ito sa akin at ngitian ko rin siya pabalik tapos sabay dampot ng amita sa mesa.
"Ang amita ay isang uri ng tinapay gawa sa Amito, Amito naman ang tawag namin sa palay!"..
"Mabuti naman ligtas ka!"..Nag-alalang sambit ni Chatastro. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy nila yung nangyari sa Forest of Illusion.
"Oo nga mabuti rin, pero rinig ko kanina Puros higher year yung mga napuruhan at sugatan!"..Salaysay naman ni Tycon. "At mabuti nalang ding, hindi tayo sumali sa activity kung nagkataon baka isa sa mga infiremary bed ay nakahiga na tayo!"..Tugon naman ni Amyan.
"Wait lang Guys,. Hindi ninyo na iisip kung baka may nagtangkang humamon sa Guardian!"..Napabaling ang tingin ng lahat kay Tycon.
Lalo na ako biglang kumaripas ng tibok ang puso ko. Nang hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi ni Tycon.
"Ha...Anong Guardian?"..Kunot noo kung tanong.
"Ah.. ang sinasabi ni Tycon, yung nakakatakot na nilalang sa loob ng Forest of illusion!"..Paliwanag ni Amyan biglang lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya at dahan-dahang inilunok ang kapirasong amita sa bunga-nga. Rinig ko panun ang tunog ng baybay nito sa lalamunan patungong bituka.
"Sa katunayan ang Aktibiting ginanap sa Forest Of illusion ay para lang sana sa yun sa Primary Years, pero hindi ko lang alam kung bakit nagbago ang rules at binuksa ito para sa lahat,, Alam naman ng mga higher years kung ano talaga ang may roon sa gubat ng illusiom. Kasi sa pagkakaalam lang ng mga Primary ay may kukunin lang na susi!. Pero ang totoo wala talagang susi!"..Mahabang paliwanag ni Tycon.
"Ngunit sa nangyari ngayon, malaking katanungan kung paano yun nangyari, yung nangyari sa kalahati ng gubat. I mean..May gumamit ba ng isang malakas na makiha sa loob ng gubat?"..Dagdag pa na tanong ni Tycon.
Bigla nalang ako napaupo ng matuwid dahil sa mga nalaman ko. Tama pala ang sinabi ni Nila kanina. Gamit ang dalawa kung palad napasapol nalang ako ng aking mukha at minasahe-sahe iyon.
"Bakit Arihan? may masakit ba sa'yo?"..Tanong ni Chatastro. Madali naman akong napatingin sa kanila at napangit.
"Ayos lang ako, pagod sa maghapon!"..Sagot ko pero hindi naman yun totoo.
Iba ang sinasabi ng aking pakiramdam. Parang may mali.
Gusto kung malaman ay yung nilalang na tinutukoy nila ay yung nilalang na sumagupa kay Relm. At kung yun man?..Ang tanong bakit niya ginawa iyo ?...Nagpaalam na ako sa mga kasama ko na magpapahinga muna ng biglang may sumisigaw sa labas.
BINABASA MO ANG
MURIETIANS School for MAGES "The quest for The Missing Pieces Of Triangle
FantasyMurietians School for MAGES ang lugar kung saan hinuhubog at pinag-aaralan ang kakayahan ng isang Murietian. Mga tao ng may angking kakayahang higit sa pangkaraniwang mga nilalang, sila ay may tinataglay Mage Abilities, bagay na hindi sa lahat bin...