KABANATA 7

1.4K 96 3
                                    


(GETTING TO KNOW EACH OTHER)

...Arihan's P.O.V...

Bumalik sa dati ang paligid tila ba'y parang walang nangyari, agad akong bumaba para lapitan si Relm.

"RELMMMM!!!...Nag-alalang tawag ko sa kanya ng lumapit na ako at kinakapa siya, hawak-hawak niya parin nag lalagyan kung saan pumasok ang kidlat at nakapikit ang kanyang mga mata.

"RELM!!...RELM!!...yugyog ko sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?..Alalang sambit ng mga tao ng lumapit na sila amin.

"Hindi niya nakayanan ang lakas ng kidlat!!..Sambit ko at doon biglang gumalaw si Relm at binuksan ang kanyang mga mata. Nagalala sana ako ng bigla itong bumangon at kunot nuo itong iginala ang kanyang mga mata isa't-sa amin..

"Anong nangyari?.Walang kamuwang-muwang tanong ni Relm sa aming, at bakas sa kanyang mukha abg pagtataka dahil napapaikutan siya ng lahat, guminhawa muna ako ng malalim bago ako mismo ang sumagot sa kanyang katanungan.

"Hindi mo kinaya ang lakas ng kidlat kaya tumilapon ka!..Bigla itong umiwas ng tingin sa akin at siguro inaalala ang nangyari ngayon lang, biglang nagbago ang expresyon ni Relm at tinuro ako bigla

"Oww!!!..Freaking hell!!..At yun naalala na niya.. "Why did you do that!!..Dugtong pa niya..Wala na akong nagawa pa at nangyari na ang lahat, kinuha ko sa kanya ang lalagyang hawak niya at kanyang ikinagulat at agad tumalikod kay Relm upang ibigay kila Rowen at Nila.

"Tanggapin ninyo sana ito, kahit sa ganito man lang ay makatulong ako! Sige mauna na ako, sadya nang palalim na ang gabi!.Kinuha ito ni Nila at seryoso lamang nakatitig sa akin si Rowen, walang salitang lumabas sa kanilang mga bibig, pagkatapos kung magpaalam sa kanila ay humarap ako sa kanilang magulang upang magpasalamat.

"Maraming salamat sa hapunan po!..Ngiting sambit ko sa ina at ama nina Rowen at Nila at yumuko ng bahagya upang mag bigay galang at tyaka umalis na ng hindi lumilingon.

"SANDALI!!..SANDALI!!..Dinig kung tawag ng isang boses pero hindi ko lang ito pinansin at patuloy lamang sa paglalakad. Hanggang makalabas na ako ng kagubatan at nasa kalye na ako, ngunit may biglang humila ng aking braso at iniharap niya ako sa kanyang seryosong mukha.

"ARAY KO NAMAN!!..Reklamo ko sa kanya dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso, unti-unti ko namang naramdamang lumuwag ang pagkakahawak niya at biglang nagbago ang mukha nitong seryoso sa maamo.

"Saan ka ba pupunta??..Mahinahon nitong tanong sa akin. Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago sagutin ang tanong niya.

"Hindi mo ba ako narinig! Ha? uuwi na ako!.. Usal ko sa kanya.

"Sige.. Hatid na kita!!..Sabi naman niya bigla nagulat naman yata ako sa sinabi ng lalaking ito..'Ano daw hahatid niya ako!..

"Kung manggulo kalang naman..Wag na salamat nalang!..Aalis na sana ako sa harap niya ng hinila na niya ako ng mabilis sabay lakad at kinaladkad ako.

"HOYYY!!..Ginagawa mo?????...Sigaw ko sa kanya at hindi iniisip na maraming taong nakatingin sa amin..

"Edi hahatid ka!!..Sagot naman ni Relm..Kahit anong piglas ko ay hindi ko kinakaya ang lakas niya sa pagkakahawak ng palapulsuhan ko...

Kahit anong yak-yak ko ay wala akong nagawa sa kanya patuloy lamang niya hinahawakan ako, hindi ko nga alam kung bakit alam niya ang daang tinatahak niya at kahit anong bigay ko sa kanya ng maling direksyon ay wala paring epekto..Huhuhuhuhu.

Hindi na ako umimik pa at nagpatiyanod nalamang ako sa kanya, ilang mahigit isang oras na ang nilalakad namin at siya nalang mismo ang kusang bumitaw sa akin..Laking pasalamat ko naman at madaling hinihimas ang palapulsuhan ko dahil na umay sa pagkakahawak niya..

MURIETIANS School for MAGES "The quest for The Missing Pieces Of Triangle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon