KABANATA 24

716 61 2
                                    

...( HIS FAULT )...


ARIHAN'S P.OV.

Kahit madilim na ang paligid ay pilit ko paring tumatakbo ng mabilis hanggat kaya ko, hindi ko kayang ulitin muli yung ginawa ko kanina sa mga students.

Pilit kung pinupunasan ang aking mga luha dahil patuloy lang ito sa pag-agos.

Sinisisi nila ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa.

"Iyan siya! Bilis patamaan ninyo!"..Rinig kung sigaw ng ilang mga estudyante ng nakita nila ako. Mabilis nilang sabay-sabay bumuo ng isang magic energy ball para ipatama sa akin.

Ang bawat magical energy ball na magagawa ng isang mage,  minsan may kakayahang mapatay kung hindi kakayanin ng lakas mo ang impact nito.

Akmang bubuo palang sana sila, ng hinawi ko ang aking mga kamay paikot na para bang humahakot. Hakot talaga ang ginagawa ko at mabilis na itinutok sa kanila.

Hindi nila ito nakikita dahil hangin nga ngunit sa bawat daan nito sa mga dahon ay kitang-kita ito kung papaano umiikot ng lakas na mukhang ipo-ipo.

"BUWAG!!!"..Malakas na sigaw nila at mabilis iniwasan iyon ay napadapa silang lahat, dito na ako tumakbo ulit ng napakalakas.

Pumasok ako sa isang silid upang magtago at nakapagpahinga narin kahit sandali.

Laking pasalamat ko nalang dahil kahit papaano nakahinga narin ako ng lalalim. Hindi ko padin lubos na maisip kung bakit galit na galit sila sa akin. Gusti nila akong patayin ng walang dahilan, sinisisi nila sa akin ang nangyari sa Paaralan.

"UGH!"..Napadaing ako bigla dahil sa naramdaman kung hapdi At sakit.

Idiniin ko pa ang pagpipigil gamit ng kamay ko ang dymudugong sugat sa tagiliran ko. Nadaplisan kasi ito mula sa isang mahika na binabato sa akin ng mga estudyante, mabuti nalang ito lang ah.

"UGH!..Ngunit masakit parin, mabuti narin hindi gaano kalalim ang sugat, Oo dumudugo pero hindi gaano karami.

"Nakita na daw ang Guardian Slayer, sabi ng ibang students nakalaban nila ito at Sobrang lakas daw ng kapangyarihan nito!". Dinig ko bigla sa dalawang students. Nagtago kasi ako sa Counter sa entrance ng hindi ko alam na Building, basta pumasok lang ako.

"Grabe!! kung hindi pa pinagkalat ni Princess Chenny na...Sino nga pangalan ng Primary Students na iyon?.. Tanong ng isang lalaki.

"Arinan...Arihan..Arihan!...Tama ARIHAN!"..Sagot naman ng kausap.

Lumaki bigla ang mga mata ko dahil narinig ko ang pangalan ko. 'GUARDIAN SLAYER!'.. Yan kanina ang tinawag sa akin ng isang student.

"Grabe pala ang Arihan na'yan, napatay niya ang Guardian..Diba mas nakakatakot kalabanin siya, dahil napatay nga nito ang guardian tayo pang hindi gaano ka lakas!"...Upinyon ng lalaki, dinig kung bumuntong hininga ang kasama nito.

"Oo..Nga! pero susubukan lang naman natin!"..Sagot nito, nakadinig kami bigla ng malakas na sabog sa labas.

"TAYO NA!"..Paanyaya nito at lumabas na.

Itinaas ko ang kamay ko kalebel ng mga mata ko para magipon ng hangin,  hindi ko naman mapapagaling ang sugat ko pero kahit papaano mapipigilan ang pagdudugo.

Nang nakapagipon ma ay mabilis kung ininapit sa sugat ko at doon ko nanginig sa sobrang sakit..Halos bibiyak na ang lalamunan ko sa sobrang pigili. Sa huli ay nakaramdam ako ng lamig kung nasaa ang sugat ko..At nawala narin ang sobrang sakit, napigilan na nito amg pagdudugo.

Sumilip muna ako upang tingnan kung may mga tao paba, tumayo na ako ng napansin na walang tao na.

Kahit na medyo masakit parin ang sugat ko ay naglakad na ako, dumaan ako sa likod dahil hindi na doon masyadong dimadanan ng mga estudyanye kapag gabi.

MURIETIANS School for MAGES "The quest for The Missing Pieces Of Triangle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon