KABANATA 14

1K 73 4
                                    

(THE GUARDIANS DEATH)

...Lavien P.O.V...

Tahimik lamang ako sa sofa habang nakahalukipkip at naka-padekwatrong naka upo.

Kasalukuyan kaming nasa faculty room ng students affair dahil hindi pa naman nagsisimula ang proper lesson, bukas pa daw.

At tyaka may paunang activity ngayon ang mga baguhang students at si Aziel ang nakatoka para mag-facilitate.

"Mukhang masaya tayo ngayon ah!"..Bungad sa akin ni Vienna habang nilalapag ang dalang pagkain sa harap ko.  "Wala lang maganda lang ang araw ko!"..Sagot ko sa kanya l, nagkibit balikat lamang ito at tumungo kay Chenny na abala sa ginagawa niya sa kanyang Mesa.

Masaya naman talaga ako eh dahil akala ko hindi tatanggapin ni Arihan ang invitation ng School. Pero noong nakita ko siya ng lumabas sa pinto ay sa una nagulat ako, hindi lang ako kungdi kaming lahat.

Si princess Marytxs kasi ang inaasahan naming lalabas pero laking gulat namin ay si Arihan iyon. Ngunit bigla nalang ito hinila ni Relm paalis. And That man was in trouble again.

Ngunit nagulantang kami ng biglang malakas na pagbukas ang nasa pinto ng room kaya mapatayo ako bigla. Si Zer pala ang pumasok na hapong-hapo.

"GUYSSS!!..Sigaw niya kaya nagsipuntahan sila sa pinto para tingnan kung sino ang sumigaw.

"ANO BA ZER! ANONG NANGYAYARI SA'YO??"..Galit na tanong ni Chenny. Pilit namang magsalita ni Zer pero hingal na hingal ito.

"An..g ang...Forest of ILLUSION!"..Hingal na hingal nitong sambit at itinuro ang bintana.

May lumapit namang isang student doon at tiningnan kung ano ang nagyayari ng agad itong lumingon sa amin at lumalaki ang mga mata nito sa gulat.

"May roong itim na usok po your Highness, siguro po nasa Forest of Illusion po iyon nanggagling"..Sabi niya.

Kaya wala nang ano-ano ay lumabas na ako sa Faculty room at marami akong nakakasalubong  mga student na nagmamadali rin.

Sakay ng isang kabayo nagmamadali akong tinungo ang forest of Illusion.

Naabutan ko ang ilang mga healers na binibigyang lunas ang mga sugatang mga estudyante.

Hindi mabilang kung ilang ang mga sugatan dahil dumarami pa ang lumalabas na bitbit ng ilang mga kawal at estudyanteng tumutulong mula sa loob.

Nandito narin ang lahat na mga guro upang tumulong.

Tinanong ko kung anong nangyari, ang sagot sa akin ay ang kalahating parte ng gubat ay biglang nasunod at nasira. Laking pagtataka ko naman kung bakit ito nangyari.

Kaya tumulong narin ako sa iba pang mga sugatan. Hindi kakayanin ng mga healer na gamutin lahat kaya minabuti nalang na ang iba ay dalhin sa Infiremary at madaling ilipon lahat ng mga students na may kakayahang manggamot. Ito ang tanging naisip naming paraan.

Hindi panga nagsisimula ang classe ay ito na agad ang nangyari. Wala namang report na nagsabing may nakapasok na mga Erietians. Pero laking katanungan kung bakit nangyari ang pangyayaring ito.

Awang-awa ako sa ibang mga estudyante dahil halos ang mukha nila ang napuruhan,  hindi sila nakikilala dahil nasunod at lapnos na lapnos. Ang iba naman ay kalahati ng kanilang katawan ang lapnos, at ang iba naman at sa kanilang mga balikat. Parang isang malakas na apoy ang tumupok sa kanila.

Inireport sa akin na mostly hindi lahat ng primary level o mga baguhang students ang mga sugatan mga Secondary at third level students ito.

"Paano nakasali ang Secondary at third Years sa ganitong Activity, diba sa Primary lang??"...Kunot noo kung tanong.

MURIETIANS School for MAGES "The quest for The Missing Pieces Of Triangle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon