KABANATA 33

767 51 2
                                    

...( PRINCESS OF GRANDMEN )...

Sa madilim na kagubatan sa lupain ng Amansenaya nakahimlay ang mga natitirang mga bakas ng sinaunang kaharian.

Wala ng kapangyarihan ngunit nakikita parin mga matatayog nitong torreng sinira ng digmaan.

Ang kahariang minsan nang tinaguriang pinakamasalimuot na namuno sa kasaysayan ng Murietiah.

Halos sa loob ng tatlong daan at tatlong pu't tatlong taong napasailalim ng pamumuno ng buong lupain sa pamilyang GRANDMEN.Tatlong siglo naghirap ang mga mamamayan sa malabakal na kamaong pamumuno nito.

Gutom, hirap at kamatayan ang sinapit ng mga mamamayan nabuhay sa mga oras na iyo .

At ito ang nagtulak sa apat na lupain; ang Irine, Peers, Lava at Emerald upang umalpas laban sa Grandmen, ngunit sa araw ng kanilang madugong labanan at tagumpay nilang maibagsak ang Amansenaya sa kamay nila, pero huli na't nabalitaan nilang Bumagsak ang libong hukbo ng Grandmen sa puting karagatan patungong silangan upang sakupin ang natatanging kaharian ng Thousand Island.

Kaya ganoon nalang ang saya ng Murietiah nang makamtan ang kalayaan na ninanais nila at dito na tinatag ang Kaharian ng Emerald hanggang kalaunan at naging Emperyo at naging Sentro ng buong Murietiah at ng apat pang malalaking lupain.

********

Ang prinsepe ng Erietiah ay naghanda ng isang magarbong piging dahil matagumpay nitong malusob ang Murietians, ang natatanging paaralan.

Kahit hindi nito nakuha ang gusto nitong kunin ay nag-atubilin paring nagpapiging., Magsaya dahil sa munting tagumpay at sa mga susunod pa.

Halos lahat ng mgs masasamang tao at nilalang ay kanyang inimbitahan sa kanyang salo-salo, para narin alukin sa nais nito. Ang maging kaisa niya upang bumuo ng isang malaking hukbo at gumawa ng rebolusyon laban sa Empire.

Lahat ay masaya walang pakialam sa kanilang paligid, uminom ng alak na parang walang bukas habang ang mga babae namang mga alipin at kanilang pilit pinapasayaw ng malaswa at tuwang-tuwa naman ang mga iyon.

Pero sa isang sulok ng nasirang Torre at nakatingin lamang ang dalawang lalaki, sina Hora at Lukas ang kasa-kasama ng prinsepeng si Malum, anak nag iisang anak na lalaki ng hari ng Erietiah, si Malum Folk.

Biglang may maitim na ibon ang pumatong sa kanilang harapan sa isang isang Estatwa.

"Ang Senyales!". Bulong ni Hora sa katabi. Tumango naman si Lukas at dali-dali nitong kinuha ang isang malaking kahon.

"Tayo na!". Ngiting sambit nito kay Hora at lumabas sila sa sulok patungo kung nasaan ang kasiyahan.

"Mahal na prinsepe!". Tawag nila sa atensyong ni Malum na walang humpay sa paglaklak ng alak. Tumigil naman ito sa ginagawa at walang ganang tumingin sa dalawa.

"May munting regalo kami sa inyo!". Sabi ni Hora at inilapag ni lukas ang dala-dalang kahon. Napawi ang inis ni Malum dahil sa kanyang narinig at binitiwan ang hawak nitong alak at madaling bubuksan sana ang kahon.

Pero pinigilan siya ni Hora.

"Sandali lang po, may bisita pa tayo!". Ani nito sa prinsepe at pinalabas ang isang bagay sabay tutok sa itaas at lumabas ang isang ilaw patungong itaas at sumabog ito ng kulay pula.

MURIETIANS School for MAGES "The quest for The Missing Pieces Of Triangle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon