...( TRUTH and Arihan's lullaby )...
...ARIHAN'S P.O.V....
Nasa isang paraiso na yata ako kay ganda ng paligid walang bahid ng negatibong enerhiya wala akong may ramdamang mga panganib.
Tila ba'y napakapayapa rito.
"Arihan"..
Rinig kung tawag ng isang pamilyar ma boses napapaluha na akong dahan-dahang lumilingon sa likuran ko.
"Lo--lola!".Naiiyak kung sambit at tumakbo na ang mabilis habang umiiyak patungo sa kanyang akap.
"LOLA!"..Hagulgol kong iyak ng mahigpit ko nang nayakap si lola.
"Ang apo ko!". Masaya niyong sabim at hinihimas ang buhok.
"Saan kaba nanggaling lola?"..Tanong ko sa kanya.
"Shhhhhhhhhhh, hayaan mo munang mayakap ang pinakamahal kung apo!". Sabi niya tapos muling ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Pero Arihan!". Kumalas na si lola sa aming pagkayakap.
"Makinig ka sa akin Arihan, makinig ka!". Seryosong ngunit may bahid ng kalungkutan ang kanyang tono ng pananalita.
"Bakit mo pilit na pinipigilan ang sarili mo?". Tanong sa akin ni Lola na may katanungan sa kanyang mga mata.
"A--no po..Hi--di ko po naiintindihan!". Sabat ko.
"Bakit tila pinipigilan mo iyong sarili?..
"Bakit mo pinipigilan ang sarili mo gamitin ang kapangyarihan mo?"..
Tanong sa akin ni lola sabay haplos ng kanyang kamay sa aking pisngi.
"Hindi mo ba naalala kung gaano ka kalakas Arihan!. Sabi pa nito.
"Natatakot po ako! Baka maulit muli yung nangyari sa Orcland!". Sagot ko tapos muling isiniksik ang ulo ko kay lola para mas yakapin pa siya.
"Heheheeh..Ikaw talagang bata ka diba sabi ko sa iyo palagi mong tatandaan na Masmalakas kapa sa inaakala mo!". Pagpapaalala sa akin ni lola noong palagi niyang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Totoo napo ba ito lola na magkasama na tayo?".Naiiyak ko muling tanong.
"Oo Apo ko, pero hindi pa oras nating dalawa sa lugar na ito!"..Sabi ni Lola bigla kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya upang tingnan si lola.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?". Kunot noo kung tanong.
"Hindi pa tayo dapat naririto Arihan sa Paraiso Apo, baka may dahilan kung bakit tayo pinagtagpo rito Arihan, dahil iyon sa sasabihin ko!"..Seryosong sabi na ni lola.
"Arihan makinig ka!..Dapat mong hanapin ang dalawang nawawalang piraso ng triangle of light!". Sabi sa akin ni lola.
"Wag mong hayaang gamitin ni Relm ang Trianglr upang buhayin muli ang namayapa pa, dahil hindi ito magreresulta ng maganda, kailangan mong pigilan siya!"..Parang nagmamadaling bilin sa akin ni lola.
"Ramdam kung wala na tayong oras!"..Dugtong pa nito, biglang may malakas na hangin ang pumulupot sa amin at pilit kaming pinaghihiwalay.
"LOLA!!...SIgaw ko.
"Lagi mong tatandaan Arihan, mahal na mahal kita huwag kang magalala magkikita pa tayo apo!"..Naiiyak ng sabi ni lola.."Tandaan mo ang sinabi ko wag mong hayaang gamitin ni Relm ang triangle!"..Ani pa nito.
"Hanggang sa huli apo ko!"..
"LOLA!"..Sigaw ko pa.
Hanggang isang masakit na ngiti nalang ang pinakita ni lola sa akin..
BINABASA MO ANG
MURIETIANS School for MAGES "The quest for The Missing Pieces Of Triangle
FantasíaMurietians School for MAGES ang lugar kung saan hinuhubog at pinag-aaralan ang kakayahan ng isang Murietian. Mga tao ng may angking kakayahang higit sa pangkaraniwang mga nilalang, sila ay may tinataglay Mage Abilities, bagay na hindi sa lahat bin...