Kabanata 35

718 48 2
                                    


...( PIGHATI NI ARIHAN )...

" I'm not creating war, I am War".

- Marytxs Grandmen of Fallen Kingdom




***

Dahan-dahang itinataas ng mga kawal ang maitim na bandila ng Emerald sa pinakamataas nitong torre sa buong palasyo, upang makita ng lahat ng nasasakupan nito.

Hudyat na may namaalam sa Pamilyang Kondrador ang Maharlikang Pamilya na namumuno sa Emerald.

Lahat ay naatasang walang anomang kulay na damit ang maaring suotin maliban sa kulay itim, isang pagpapakita ng respeto sa namatay na maharlika, yan ang pinapatupad sa buong lupaing sakop ng Emerald.

Malungkot ang balitang nabalot sa buong emperyo ng Murietiah, lahat ng kaharian ay nagbigay ng kani-kanilang pakikiramay sa Pamilyang Kondrador.

Lahat ng mga maharlikang Pamilya ay naatasang pumunta sa Kapital upang ipakita ang kanilang respeto sa namayapang Prinsepe.

Limang araw bukas ang Palasyo sa lahat ng mga mamamayan ng Murietiah at nais makita ang prinsepe sa huling araw nito bago ilibing sa libingan na tinatawag nilang "Last Peace", libingan ng mga magigiting na hari ng Emerald.

Kaya hindi makaandamayaw yung mga tao makasilip lang sa labi ng yumaong Prinsepe, araw-gabi hindi naubusan ng mga tao ang palasyo at tudo bantay din ang mga kawal upang walang manggugulo.

Puno ng magagandang bulaklak ang nakapalibot sa labi ni lavien na nakapaloob sa isang Crystal na Ataol, nakasuot na ito ng magarang kasuotan ng isang prinsepe at maayos na ang itchura nito.

Tila para sa iba parang natutulog lang ang gwapong prinsepe habang naluluha at naawa sila sa sinapit ng kanilang minamahal na sana'y magiging hari sa takdang panahon.

***

Pati ang Royals ay nandoon din nakatingin lang sa mahabang pila ng mga taong gustong makita si Lavien.

"Hindi parin ako makapaniwala!". Naiiyak sa sambit ni Vienna.

"Ako rin, ano kaya ang nangyari kay Lavien!". Banggit naman ni Zeb.

"Hindi parin ba nagsasalita si Relm?". Tanong ni Vienna. Pero tiklop ang bibig ng magkapatid na Chenny st Aziel.

"Sabi daw nila nakatingin lang sa malayo si Relm at parang nawawala sa Sarili!". Kwento ni Zeb.

"Nakuha ba nila ang Triangle sa tingin mo?". Tanong nito muli.

"Hindi ko rin alam!". Sagot ni Zeb.

Nang narinig ni Chenny ang Salitang Triangle ay bigla itong napakuyom ng kanyang kamao, habang nanginginig ang luha na nakatingin lang sa malayo na naglilisik ang mga mata sa galit.

Iniisip nitong pagbabayaran ni Arihan ang ginawa nito sa kanyang Kaibigan at sana'y maging Asaw.....Pero wala na, hindi nila makita-kita ni anino ni Arihan, iniisip nila na baka nagtatago na ito dahil sa kanyang kasalanan.

MURIETIANS School for MAGES "The quest for The Missing Pieces Of Triangle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon