( Pighati ni Arihan )
...Arihan's P.O.V...
Unti-unti kung minumulat ang aking mga mata at naaninagan ang mga maliliit na hibla ng sinag nang araw mula sa bintana na natatakpan ng makapal na kurtina, ngunit nakakapasok parin ang sinag rito.
Napansin kung wala pala ang katabi ko..'Pero teka lang?..Tuluyan ng nagising ang diwa ko nang namataan ang sarili kung nasa loob na ako ng kwarto. Sa pagkakatanda ko nagkukwentuhan lamang kami ni Relm sa Rooftap at sa tingin ko napasarap ang aming paguusap, hanggang nagising nalang ako na nandito na sa loob.. 'HINDI KAYA!!..HAAAAAAAAAA!...Tanging sa isip nalamang ako sumigaw at nagpagulong-gulong sa kama, dahil baka makabulabog pa ako ng kapitbahay..
Kahihiyan talaga ang nagawa ko kung iyon talaga ang nangyari, wala akong mukhang maihaharap kay Relm. Pero teka lang, bumangon na ako sa pagkakahiga pero inayos muna ang kama bago lumabas ng silid. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na nag-iisa lamang ang kwarto kung saan kami nanunuluyan ni Lola.
At tungkol kay lola mabilis akong lumabas at agad hinanap si lola, pero kahit saan mang sulok ng kwadradong silid na ito ay wala akong nakikita si lola.
Rinig kung may pumipihit ng hawakan ng pinto at iniisip bigla na baka si lola na iyon, pero bagsak baga ako nang pagkabukas nito ay mukha ni Relm ang tumambad sa akin.
"Oh!..Tamang-tama lang ang gising mo, may dala akong maiinit na Amita at Chokolate galing kay Aling Merlin"..Sambit nito at itinaas ang dala ni Relm para ipakita sa akin sabay ngiti. Pero ako namang si Ano ay dumiretcho lamang at nilagpasan siya sa pintuan at lumabas upang silipin kung na riyan si Lola sa labas.
Ngunit wala akong nakitang lola sa labas at puros batang masayang naglalaro lamang.
"Hindi kaba natuwa sa dala kung masarap na agahan?..Dinig kung tanong ni Relm, Bumuntong hininga nalamang ako at iniharap siya. Malungkot akong tumingin kay Relm.
"Wag kang mag-alala, uuwi din iyon mamaya si Lola, kaya halika na!. Lumapit siya sa akin at hinatak ako papasok sa loob at sinara muna ang pinto bago ako kinaladkad patungong mesa at sapilitang pinaupo.
Aba! Aba. Naman ang lalaking ito ano sa tingin niya pagmamay-ari niya ang tinutuluyan namin, kung makahatak naman sa tingin niya magkaibigan kami.
Si Relm na ang nagsalin ng mainit na Chokolate sa dalawang baso at inilagay naman niya ang dalang Amita sa isang pinggan, Ang amita ay isang tinapay na gawa sa harina ng amito (Bigas).
Umupo na siya harapan ko ng natapos na niyang naayos ang lahat.
"Sige na!..Kumuha kana ang Amita at tsaka ito na ang Mainit na Chokolate mo!..Ngiti niyang sabi tapos inilagay naman niya ang basong may laman ng mainit na Chokolate sa harapan ko. Kinuha ko naman ito at dahan-dahang hinipan bago inumin dahil mainit nga baka mapaso pa ako mamaya niyan.
Tahimik ring umiinom at kumakain ang kaharap ko ngayon hindi siya nakatingin sa akin marahil nasa inumin ang atensyon niya, nagtataka ako kung paano siya nakabili ng Amita at Chokolate kung wala siyang perang dala, nadama niya sigurong tinitingnan ko siya ng sumilay sa aking ang kanyang mga mata. Kunot nuo naman siyang napatingin sa akin nagtatak siguro siya kung bakit ganito ganito nalang kung titigan ko siya.
"Ano?..Seryoso niyang sambit. "May problema ba?.Dugtong pa niya. Nilapag ko muna ang baso sa mesa bago nagsalita.
"Diba wala kang pera?..Tanong ko, tumango naman siya sa akin upang sagot.
"Paano ka naka bili ng Amita at Chokolate?..Seryoso kung tanong, bigla siyang nangisi at nilapag muna ang basong hawak niya at biglang lumapit sa akin, ako naman ay biglang napaurong sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
MURIETIANS School for MAGES "The quest for The Missing Pieces Of Triangle
FantasiMurietians School for MAGES ang lugar kung saan hinuhubog at pinag-aaralan ang kakayahan ng isang Murietian. Mga tao ng may angking kakayahang higit sa pangkaraniwang mga nilalang, sila ay may tinataglay Mage Abilities, bagay na hindi sa lahat bin...