A/N: As promised. Introduction to the climax. Enjoy and Merry Christmas to my readers! Love love. <33
Sorry nalate. Walang internet eh. Haha.
*****
[Annika's POV]
"Hi babe! Aga mo ha?" sarcastic na sabi ni KC.
Nalate kasi ako ng gising kasi nagbalot pa ko ng mga regalo kagabi. Tapos kanina, naghanap pa ko ng magandang outfit. Christmas party kasi namin ngayon.
"Ganun talaga. Kainan na ba?"
"Kakadating mo lang kainana agad hanap mo?"
"Eh sa hindi ako nakapagbreakfast kakamadali eh."
"Mamaya pa kakain. May last two games pa. Hintay hintay din teh."
Ayos lang yan. Keri pa. Saglit lang naman ang two games eh. Hindi pa naman nagwewelga mga alaga kong ahas sa tyan eh. I can wait.
"Okay! Next game, paper dance! Eto mechanics. Dapat simula palang buhat na nung lalaki yung babae. At para fair, bunutan ang gagawin natin para malaman yung mga kasali. Okay ba yun?" pag-aannounce ng class president namin.
Nagsimula ng bumunot yung president namin. Nakaka-4 pairs na sya, at thank goodness hindi pa ko nabubunot.
"Okay. Last pair! Gab and.."
Oh please. Not me. Not me. Not me. No--
"Annika. Punta na kayo sa harap so we can start the game!"
As if we have a choice. Unfair naman kasi sa iba kung mag-iinarte pa kami diba? Eh sila nga hindi nag inarte.
"Let's start!!"
Nagpatugtog na sila. This is awkward. Parang hindi nakakaenjoy yung game kasi hindi man lang kami nag-uusap ni Lance habang umiikot sa news paper. Napatigil lang ako sa pagmumuni muni nung bigla akong binuhat ni Lance. Bridal style.
Now, this is what you call AWKWARD. Buti nalang saglit lang yung time ng pagbuhat nya sakin.
The game continued pero na-out kami nung medyo maliit na yung newspaper at sumilip si Joshua sa room namin. Syempre my body moved involuntarily at lumayo ako kay Lance tapos nilapitan ko sya.
"Uhm. Hi."
"Hi. Annika, tara sa garden. Saglit lang to."
"O-kay,"
Tahimik lang kami pareho habang naglalakad papunta sa garden. Ito kasi yung una namin usap after nung pagsisinungaling nya. Pero hindi nya alam na alam ko na nagsinungaling sya.
"Uhm. Bakit dito pa tayo nagpunta?" Nasa garden na kasi kami.
"Kasi may sasabihin ako."
Uh-oh. I can sense something. Something bad. Or ako lang yun.
"A-ano yun?"
"Annika, I'm sorry."
B-bakit sya nagsosorry?
"For what?"
"For lying to you."
Ano ba pinagsasabi nito? May dapat ba akong malaman? Ito na ba yung part na aamin sya? Na sasabihin nya sakin yung sinasabi nung kausap nya sa garden?
"I'm sorry kasi sinabi ko sayo na may practice pero wala naman talaga." Woo. I was kinda relieved.
"Eh asan ka ba nun?"
"Nasa mall. Naghahanap ng panregalo."
BOOM. Another lie. Uso ba magsinungaling ngayon? Pero baka naman after nya makipag-usap dumiretso talaga sya sa mall.
BINABASA MO ANG
Is It You? [On Hold]
Teen FictionSi Annika. Isang babaeng naniniwala ng ang lalaking makakatupad ng signs nya ang kanyang Mr. Right. Sino nga kaya ang Mr. Right nya? Si Joshua o si Lance?
![Is It You? [On Hold]](https://img.wattpad.com/cover/1345426-64-k922797.jpg)