Is It You? - 3

508 10 1
                                        

A/N: Grabe. Dagsaan yung readers ko sa MOAOY!  Sana dito din. ^_____^ Hahaha. Hmm. Joshua's pic on the side.

Pasensya kung hindi kagandahan yung update ko. Peace!

*****

[Annika's POV]

"Hoy babe! Ano yan?" - Gella

Bago pa ko makapagsalita, inagaw na nya sakin yung papel.

"Yiiiieee. Babe ha, may secret admirer ka! Taraaay!"

"Baka nangttrip lang yan."

"Nangttrip?! Si Annika Vrnice Villafuerte na captain ng cheerleading club at top 2 ng class A pagttripan? Asa naman!"

"Hay nako Nicole Angella Roxas! Tigilan mo ko sa mga papuri mo at wala akong barya. Teka nga, nasan si KC?"

"May practice ng volleyball."

"Ay oo nga pala, malapit na yung interschool sportsfest."

"Ahuh."

"Meeting tayo mamaya after class, okay?"

"Sure. Ako na magsasabi sa ibang members."

"Sige. Tara na, balik na tayo sa classroom."

Naglalakad na kami ni Gella paalik ng classroom kaya lang..

"ARAY!"

May tumamang frisbee sa ilong ko! Shemay lang. Ang sakit!

"Sorry."

Oh. My. God. Ang gwapo nya talaga.

"Ayos ka lang ba? Sorry talaga."

"Ah, oo."

"Sorry talaga, Annika."

Oh. Em. Binanggit nya pangalan ko!

"It's okay."

"No. Babawi nalang ako sayo. Sabay tayo maglunch later. My treat."

"Ah.. Kasi.."

"I won't take no as an answer. Sige ha. Sorry ulit!"

Tumakbo na sya pabalik sa barkada nya. Nag-aapiran sila dun. Ako naman, nakatulala parin dito.

"Yuhoo. Earth to Annika?"

"Huh? Ano yun?"

"Are you back to your senses?"

"Yes. What did you say?"

"Sabi ko, tara na sa room. Magttime na."

"Ah. Okay."

[Angella's POV]

Grabe si Annika. Habang naglalakad kami nakangiti. Ganyan ba talaga epekto ni Joshua sakanya?

"Babe."

"..."

"Annika."

"..."

Loka loka to! No response padin? Tsk. Grabe, crush na crush talaga nya si Joshua. Kung sabagay, may itsura naman si Joshua eh.

"ANNIKA VERNICE!"

"Huh? Ano?"

Lutang na lutang ang babae! Kilig much masyado.

"Go back to your senses nga! Tss."

"Sorry naman. Ano ba kasi sasabihin mo?"

"Prepare 1/4 sheet of paper daw. May check-up test tayo."

Is It You? [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon