Is It You? - 51

242 8 1
                                    

A/N: Okay. I can explain!! Kasi kaya matagal yung update kasi inayos ko yung website kio. Pangalawa, nagbakasyon ako for one week. Pangatlo, mag-uupdate dapat ako nung Saturday kao biglang nag-error yung wattpad. 

Tapos pasensya na kung maiksi lagi yung updates. Hindi kasi talaga ko ganun, straight to the point kasi ako eh. :( Hindi ako marunong magpahaba ng chapters. But I'm working on that. :)

Anys, here's chapter 51!

***

[Annika's POV]

"OMG. REALLY?!! HAHAHA! See, you should thank us!!"

Ang kausap ko? Sino pa ba. Edi ang magaling na si Kimberly Clarice. Kinwento ko kasi sakanya yung ginawa ni Lance sa taxi. SHET KASI EH!! BWISET TALAGA YUNG LALAKENG YUN!!

"Weh? Ewan ko sayo. Tara na nga sa room! Malelate na tayo."

"Wala si Sir Fili kaya okay lang na tumambay tayo. Batas ako dito sa volleyball court no!"

"Feel na feel mo naman!"

"Syempre. Last na na to eh! Ilang araw nalang tayo o!"

:( Oo nga no. Pero wag kayong maniniwala kay KC. Three weeks pa pasok namin no! Exagged lang magnarrate si KC. Hahaha.

"Drama mo! Matagal pa ang three weeks no! Atsaka para namang magkakalayo tayo. Eh iisa lang tayo ng papasukang university."

Yup, you heard it right. Iisang university lang kami papasok ni KC. Sama mo na si Ivo at Lance. Saan? Sa Ateneo kaming apat! Pero iba iba kami ng course.

Si KC, AB Management Economics.

Si Ivo, BS Management Engineering.

Si Lance, BS Applied Physics/BS Materials Science and Engineering. Bongga to, honor's program yung pinasa!

At ako? Tss. BS Health Sciences. Honors program lang naman. :) EHEM. EHEM. Joke. :)

Oo nga pala,  yung honors program, ang papasa lang dun, yung top 15% ng ACET. Swerte nga at kasama ako dun eh! Napunta pa ko sa magandang course. Pero mas heavy padin yung kay Lance!! Kainis, Applied Physics na may Engineering. SYA NAA!

Pasado naman kaming apat sa UP kaso, mahihirapan kaming makuha yung course na gusto namin kasi DPWAS si Ivo at KC, tapos kami ni Lance, mej hindi namin gusto yung course na pinasa namin. So we decided to go to Ateneo. :) Gusto na namin yung mga courses namin, magkakasama pa kami!

So much for our college life. Mapupunta din kami dyan.

Sa ngayon, hinihintay nalang namin yung honor roll at awardees sa batch. Pero bago yun, SHOOT! Final periodicals pa. Huhuhu. Last wave ng pagpapahirap sa high school! AJA! Fighting! Kailangan kong makapasok sa honor roll. 

Ay teka. Update muna pala. Si Lance parin yung top 1. Hayy. What shoul I expect? Hindi man lang nadistract sa love! Tss. Kasi ako, nung nagkaproblem with Joshua, jusko. Lagpak ako! From top 2, naging 7 lang naman ako! Kainis. Third grading yun eh. Kaya dapat bumawi ako ngayong last grading! 

"Oo nga. Anyway.. Kailan mo sasagutin si Gab?"

"O___O?! Nanliligaw ba sya!?"

"Ayy. Obvious? Naman, teh!"

"Parang hindi naman eh."

"Eh ano tawag sa ginagawa nya? Panliligaw yun, gaga!"

"Eh. Ayoko mag-assume."

Totoo naman. Mag-aassume ka tapos wala naman pala talagang meaning. Hindi naman porket sinabi nya sakin na he will make me fall in love with him eh nanliligaw na sya. Diba? O slow lang ako? Deh. Basta. Yun na yun.

"Achuu. Seryoso na tingin mo kay Gab no?"

"What do you mean?"

"Seryoso. Na kung sakaling maging kayo, gusto mo sya na talaga."

"Hmm. Oo? Basta. Natatakot kasi ako na baka pag hindi kami nagwork out, mawala yung friendship na pinundar namin. I don't want that to happen."

"Ano ka ba, babe. Strong yung friendship nyo no! Tingnan mo nga, nung pinili mo si Joshua dati. Nasaktan din naman si Gab dun pero andyan parin yung friendship nyo o! Ikaw nalang hinihintay nun para maglevel up na kayo!"

"No, no. Not that. Aral muna kasi. Mamaya nyan makaapekto nanaman to sa pag-aaral ko. Namin."

"Echusera! Tingin mo maapektuhan pag-aaral nyo?! Eh si Gab nga jusko! Hindi na iniwan yung spot nya sa top 1! Umulan, umaraw. Bumagyo man. Mabroken hearted man o hindi, top 1! Kaya mo rin yun no! Atsaka, responsible naman si Gab eh. Kaya nya ihandle yung pag-aarl at ikaw. Though mas mahirap ka ihandle. :)"

"Thanks ha. -___-"

"Welcome! Pero seryoso. Kaya ni Gab yun. Syempre, mahihiya ka naman sakanya kung di mo kakayanin yun diba, kaya makakaya mo na rin ibalance yung studies at sya. "

Weh. AY EWAN!

"Sus. Halata sayong di ka pa naniniwala sakin. Harooot! Gusto pa kay Gab manggaling eh. Tapos pag sakanya nanggaling di ka nanaman iimik kasi kinikilig ka!"

>///< "WHAT?! HINDE AH!"

"Sus! Kaya pala nung nasa airport tayo halos wala kang masabi nung narinig ni Gab yung mga pinagsasabe mo. Sus. Ossige, ayan na si Ivo. Bbye!!"

"Hi, Annika. Hi, bebs."

"Hi, Ivo."

"Uh, alis na kami ni KC ha. Sasamahan ko pa to sa office, may kukunin daw sya eh. Bye."

"Sige, bye."

Hmm. Siguro nga tama si KC. No, no. Scratch that. Tama talaga si KC. Gusto ko, pag naging kaqmi ni Lance, sya na talaga.

WAIT. SCRATCH THAT ULIT.

Ito nalang.

Gusto ko, si Lance na talaga.

Is It You? [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon