Is It You? - 22

349 5 1
                                        

A/N: Sorry late update. Writer's block eh. :/ Hahah! Anyway, ito na sya. Sana maenjoy nyo! =)) Next week, sisimulan ko na regular updates ng Friend of mine. Sana basahin nyo! :) I'll be using Pinoy actors and actresses. Love your own, ika nga. :D Haha. Sana isupport nyo rin yung FOM! :D 

Dedicated to: MarieCris5. Thank you for adding this in your RL! :)

*****

[Normal POV]

(A/N: Hindi ko na po papangalanan yung teachers. At sinubukan kmo lang po gumawa ng third person POV. Haha.)

Pare-parehas na nasa practice sila Annika, Gab at Joshua. Si Annika sa cheerdance at yung dalawa naman sa basketball.

Habang busy yung tatlo sa pagppractice, hindi nila alam na laman sila ng usapan sa faculty room ng MAPEH.

"Si Annika Villafuerte na yung magiging muse sa interschool? Final na ba yan?"

"Oo. Bagay naman sakanya. She has the attitude, the height and the looks!"

"Kung sabagay. Pero sinong escort nya?"

"Tutal captain naman si Annika ng cheerdance, captain narin yung ipair natin sakanya."

"Dalawa lang yung captain, si Ivo sa soccer at si Gab sa basketball. Sino sa dalawa?"

"I think Ivo and Annika will not look good together. Bakit hindi nalang natin pagpilian si Joshua at si Gab?"

"Good suggestion, Ms. Marisce. Sino tingin nyo mas bagay kay Annika?"

"Si Gab nalang, para parehas ng captain."

"Pero bagay rin si Annika at Joshua."

"Mas may chemistry si Annika at Gab."

"Okay, magbotohan nalang tayo. Sino pabor na si Joshua ang maging escort ni Annika?"

Dahil majority wins ang rule, panalo na si Gab. Tatlo lang ang nagtaas ng kamay para kay Joshua. Walo ang lahat ng MAPEH teachers na nagbotohan. 

Pagkatapos ng botohan, pinuntahan na ni Ms. Abbie si Annika para ipaalam sakanya na sya yung magiging muse sa interschool sportsfest sa Thursday. Bale may two days pa sila para magpractice.

SA GYM.

"Annika Villafuerte?"

Sakto namang break ng cheerdancers nung pumunta sa Ms. Abbie sa gym.

"Yes, miss?"

"Kabisado mo na ba yung routine nyo?"

"Yes miss."

"So pwede ka na mawala sa practice bukas at sa isang araw?"

"Eh miss.. Sa hapon lang po ako pwede mawala kasi polishing po namin."

"Ah. Sige, okay lang yun. Sumama ka muna sakin."

"Sige, miss."

Sumama si Annika kay Ms. Abbie. Sunod nilang pupuntahan ay ang basketball court. Nagtataka naman si Annika kung bakit sila papunta sa court.

SA COURT.

"Gab Bautista?"

"Yes, miss?"

"Pwede ka bang mawala sa practice nyo bukas at sa Wednesday ng hapon?"

"Opo miss. Bakit po?"

"Basta. Hali na kayo. Pumunta tayo sa faculty room ng MAPEH, dun natin pag-uusapan yung mga tanong nyo."

Nagulat si Gab at si Annika ng makita nila ang isa't isa. At the same time, nagtataka sila kung anong meron at inexcuse sila sa practices nila kahit malapit na yung interschool.

Nang makarating na sila sa faculty room, sinimulan na nila ang discussion.

"Kaya kayo inexcuse ni ms. Abbie sa mga practices nyo kasi kayo ang muse at escort ng school natin para sa interschool sportsfest."

"PO?!' sabay na sabi ni Annika at Gab.

Natawa naman yung mga MAPEH teachers sakanila kasi parehas na parehas sila ng sinabi at ng facial expression. Lalo tuloy naisip ng mga teachers na tama na si Gab yung pinili nila na maging escort ni Annika.

"A-ano po gagawin namin?" tanong ni Annika.

"Yun nga yung dahilan kung bakit andito kayo. Ididiscuss natin yung mga gagawin nyo sa pageant ng muses and escorts. simple lang naman sya. Para lang yung ginagawa dito sa school kapag sportsfest, yun nga lang, medyo maarte."

Tahimik lang na nakikinig yung dalawa sa sinasabi ni Ms. Kaye, yung MAPEH teacher na incharge sa muse and escort ng interschool.

"Yung unang part, dahil nga sportsfest, syempre rarampa kayo with your sportswear. Ang isuot nyo nalang yung uniform nyo. Tapos sunod, talent portion. Kayo na bahala sa talent nyo. Ang attire nyo dun, casual wear lang. And! You have to submit a picture of you. Any picture bast full body, yung pang model. Okay?"

Nganga parin si Gab at Annika. May picture pang full body na pang model! AGH. Eh hindi naman sila mahilig magpicture picture eh. Lalo na nung narinig nila yung talent portion! In two days? Anong magagawa nila in two days? 

Pero on their secong thought, representative sila ng school kaya kailangan nilang tanggapin yung offer sakanila. At kailangan nilang ipanalo yun for the honor of their school at pangdagdag rin sa extra curricular activities. Kaya ayos narin sakanila yung sitwasyon.

"Yes miss." After one minute, sa wakas nakapagrespond din sila.

Pero ang hindi nila alam, may nakarinig sa usapan nila. Sa buong usapan nila.

(A/N: Sino iyon? HAHA. Abangan. :D Sorry kung medyo maiksi. Babawi ako sa next updates. Pero for sure, mahaba yung update ko sa araw ng pageant ng muse at escort.) 

Is It You? [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon