A/N: Hmm. Natutuwaako kasi napapaisip yung readers kung sino ba talaga makakatuluyan ni Annika. Yung iba sinasabi si Lance daw. Bakit si Lance? Kasi kalove team ni Kim So eun si Kim Bum sa totoong buhay at hindi si Minhyuk. Remember: Hindi yung mga artista na nagpoportray sa role ng characters ang may hawak ng story. May sariling takbo yung story ko. ^____^
Dedicated to: FionaDizon. Salamat sa pag-add sa RL nito! :)
Video of: Sunset Glow by Big Bang on the side. :))
Shrt update lang ito. Pasensya, medyo busy kasi sa school eh. :/
Enjoy the UD. :) Nawa'y patuloy kayong maintriga. XD Vote & leave a comment. :)
*****
[Annika's POV]
"Oh. You came. Here's the last card."
Inabot nya sa akin yung violet na card. At tama nga hula ko. I <3 U nga yung nabuo sa mga cards na binigay nya. Kinuha ko yung card pero nakatayo parin ako sa may entrance ng garden. Nagulat kasi ako nung malaman kong sya pala yung nagpapabigay ng cards. Tapos tamang tama pa yung timing, sunset na. Diba nasa signs ko yun?
"Dito ka oh. Di naman kita sasaktan eh."
Is it just me o double meaning talaga yung sinabi nya? Parang double meaning kasi yung dating sakin eh.
"Lika na." tinap nya yung space sa tabi nya. "Upo ka dito o. In 3 minutes, the sun will set."
"Pano mo nalaman?"
"I watched the news. Sabi nung anchor, the sun will set at 5:15 PM. Buti nga dumating ka bago mag 5:10 eh. Akala ko malelate ka. Mabagal ka pa naman kumilos. Hahaha."
Hinampas ko sya sa balikat. "Ang sama mo! Minsan lang naman eh!"
"Oo na. Ayan na o."
Tinuro nya yung sky. Akonaman, si uto uto,tumingin. Tama naman sya, nagsisimula ng lumubog yung araw.
Siguro iniisip nyo na kaya ko lang nilagay yung watching the sunset sa signs ko kasi romantic, yung parang sa movies. Yes, it's one of the reasons pero there's a deeper one.
Eversince, di pa ko nakakanood ng sunset. Gustong gusto ko talagang manood kasi based sa kwento ni mommy, maganda daw manood ng sunset.
Kaya nilagay ko sya sa signs ko. Kasi yung makakatupad ng sign ko na yun, sya rin yung kasamako sa unang beses kong manood ng sunset. :">
"Ganda no?"
"Yup. First time ko manood ng sunset."
"Weh?!"
"Oo nga."
"HAHAHAHA! Tao ka ba?! HAHAHA!"
Walang hiya to. Pinagtawanan pa ko! Pasalamat sya natupad nya yung sign ko! Kung hindi, binatukan ko na to!
"Oo na. Ako na ngayon lang nakanood ng sunset."
"Okay, last na! HAHAHAHA!"
"O, tapos ka na tumawa? =___="
"Oo. Tara na. Uwi na tayo."
Ano yun? Tinawanan nya lang ako?
"Hatid mo ko?"
"Huh? Sino nagsabi? Ikaw maghahatid sakin!"
"Hoy! Lalaki ka tapos babae paghahatirin mo?"
"Yup. Bawal ba yun?"
"Di naman. Pero boys dapat gumagawa nun sa girls!"
"That's called gender equality."
"Whatever. Go home alone."
"Sige. I can go home alone. But if I go home alone, you'll go alone too."
Napatigil ako. Oo nga no. Di ko naisip yun!
"Shunga! Parehas parin yun. Pag hinatid kita, I'll go home alone too."
Oha. Kala nya ha. Class A ata to!
"Joke lang yun syempre. Ako maghahatid sayo."
So ayun, hinatid nya nga ako. Akalako naman nakakotse. Aba! Kami ay naglakad. Sabi nya kaya daw kami naglakad para mas matagal kami magkasama. Tsk. Para-paraan nga naman.
Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at chinarge yung phone ko. Diba kasi andun yung signs ko?
(A/N: Sa may mga amnesia, kaya nasa phne ni Annika yung signs nya kasi nawala yung diary nya.)
10 signs in finding my Mr. Right. :)
1. Sa first meeting namin, may hawak syang white hanky.
2. Sa third meeting namin, he should be weaing a purple shirt.
3. We'll watch the sunset together.
4. Makakatbi ko sya sa pila sa fastfood.
5. Bibigyan ako ng 5 surprises.
6. Susuotan nya ko ng infinity necklace.
7. He'll take me to a place I've never been to.
8. He'll dance with me even without music.
9. He'll give me white roses.
10. Parehas kami ng favorite frappe.
Yes. Si Joshua yung kasama ko manood ng sunset kanina. Anim na natupad nya. Four more to go, makukumpleto na nya yung signs. Si Lance kaya? Hmm.
I think malapit ko ng malaman kung sinong pipiliin ko.
(A/N: Nung unang parts ng chapter na to, sino yung akala nyong kasama nya manood?)
BINABASA MO ANG
Is It You? [On Hold]
Teen FictionSi Annika. Isang babaeng naniniwala ng ang lalaking makakatupad ng signs nya ang kanyang Mr. Right. Sino nga kaya ang Mr. Right nya? Si Joshua o si Lance?
![Is It You? [On Hold]](https://img.wattpad.com/cover/1345426-64-k922797.jpg)