Is It You? - 7

434 7 4
                                        

A/N: Readers ng Is It You? :) Hello! Salamat sa pagbabasa. :)

Leave a comment and vote if you liked the chapter. :) Thank you!

*****

[Annika's POV]

*krrriiiiiiiiinnnnnggg!*

Siomai. 2PM na. It only means na cheerdance practice na. Makakasama ko na si Steff. Tsk. The heck! Nagtatak siguro kayo kung bakit ganon nalang yung reaction ko nung nalaman kong sya na yung kapalit ni Gella. Well, youll know.

"Hi Guys. :)" i said.

"Oh, Annika. Nasan si Gella?" - Mia

"Ah, di na sya part ng cheerleading club kasi umalis na sya kahapon papuntang States."

"Eh sino na kapalit nya na assistant captain?" - Andrea

Si Andrea ay yung isa pang assistant captain ng cheerleading club.

"Si Steff daw."

"WHAT? AS IN STEFFANIE DENISE LAURETE??" - Kate

"Yes. Ako.."

And here she is. Sya kasi yung dating cheerleading captain na pinalitan ko. Nung naalis sya as the captain, nagquit narin sya sa cheerleading club. And, bitter na bitter sya sakin. Dati nga minamalditahan nya ako, but eventually, she stopped. Hinahayaan ko lang kasi sya. Napagod siguro.

"Oh, hi Annika." then she looked at me from head to toe. "Wala parin palang nagbabago sayo."

Kaya ayaw namin sya bumalik kasi she's a btch. Really. At akala nya magpapatalo ako sakanya? Hindi noh. Dai hindi ko sya pinapatulan, hinahayaan ko lang sya. Pero hindi na ngayon. Yeah, mabait ako. Pero may tinatago rin akong kamalditahan. Ang i only show that side of me to people like her. Actually this is the first time na mamalditahan ko sya.

"Hi to you too, Steff." I looked at her from head to toe then back to her head.

"Huh, kung tingnan mo naman ako akala mo you're better than me."

"I'm way better than you. Anyway, hindi naman yun yung reason kung bakit kita tinitingnan eh. Tinitingnan ko lang kung may nagbago sayo. And based on what I saw, meron naman. Lalong naging kamukha ng paa mo yung mukha mo."

Kung makikita nyo lag yung mukha nya ngayon, ghad! PRICELESS! Nagpipigil lang ako ng tawa kasi kaharap nya ko pero yung ibang cheerdancers, tumatawa na.

"Ang kapal ng mukha mo!" 

Magsasalita na sana ako kaya lang biglang nagsalita si Mia.

"Mas makapal mukha mong bumalik dito!" - Mia

"Akala mo wlecome ka pa dito?" - Kate

"In your dreams!" - Den

"Hindi porket dati kang captain eh welcome ka na dito." - Andrea

Tumingin ako kay Steff at nagsmile.

"Did you like our welcome party for you?"

"Ugh! I swear Annika, you're going down."

"Ooh. Should I be scared?"

"You should."

"Yeah right."

Umalis na ko sa harap nya at tumabi ak kila Andrea sa bleachers.

"Uy, ang ganda ng sagutan nyo ah." - Mia

"Oo nga, yung mukha nya pag sinasagot mo sya, priceless!" - Den

"Ngayon ko lang nalaman na may pagkamaldita ka pala. Hahaha." - Kate

"Oo naman noh. Pero sakanya lang yun. Kasi naman, dati di ako lumalaban pag inaaway nya ko. Baka tingin nya sakin weak. So sinagot sagot ko sya kanina. Hindi na sya yung reyna dito noh."

"Tama! Eh bakit ba kasi sya yung pumalit kay Gella?" - Den

"Eh kasi, kinausap daw nya si Ms. Tracey na gusto nya bumalik sa cheerleading. Eh nasaktuhan na vacant na yung position ni Gella, so sakanya binigay ni Ms. Tracey kaysa daw magpa-audtion pa kami ni Andrea."

"Eh mas gugustuhin ko pang magpa-audition noh!" - Andrea

"Yaan na, andyan na yan eh. Tara, practice na!"

"Wait Annika. Sino tatawag dun?" tinuro ni Kate si Steff na nakatayo sa mya pinto ng gym.

"Ikaw na Den! Kapangalan mo naman eh!" - Mia

"Sige na nga. Tsk." - Den

Pagbalik ni Den, kasama na nya si Steff.

"Okay, yung lifters ni Gella, si Steff na yung ililift nyo ha."

"Okay."

"Game, start na tayo."

Nagstart na kami magpractice ng liftings. Pagtayo namin sa ere, nagsalita nanaman si Steff.

"Sana mahulog ka. Manunulot ng posisyon."

"Shut up, will you? Nasa practice tayo. Wala man lang professionalism sa katawan." tapos inirapan ko sya.

Tuloy parin yung practice. Medyo marami na rin yung napractice namin pero ngayon, iba yung aura sa gym. Epekto siguro ng presence ni Steff.

Late na kami natapos. 5:15 na kami natapos. So saktong 5:30 na nung nakabalik ako sa gym kasi nagpalit ako ng damit at naghilamos para matanggal lahat ng bad vibes na nasagap ko kay Seff. Hahaha.

Wala ng tao sa gym. Ako nalang mag-isa Ano ba yang admirer na yan. Di ba nya alam na takot ako mag-isa? Malapit pa naman na mag-six. Eh pag six medyo madilim na eh.

"Huy Annika!"

"AYKABAYONGTUMALON!"

Oo, nasabi ko yun ng tuloy tuloy kasi nga nagulat ako.

"Hahaha. Nice expression."

"Eh nagulat ako sayo eh!"

"Ano ba ginagawa mo dito? Maagsisix na ah."

"Makikipagmeet daw si S.A. so I'm waiting for him."

"Oh. Hinihintay mo ko."

What? Si Joshua si secret admirer?

"I-ikaw yun?"

"Yes."

"Seryoso?"

"Oo nga. Ito oh."

May pinakita sya sakin na violet na paper, yung katulad nung nasa locker ko. Tapos may nakasulat.

'Are you happy to meet me? I reaaly like you, Annika.'

"Oh, naniniwala ka na?"

"*nods*"

"Tara, hatid na kita." tapos inakbayan nya ko.

OH MY GOSH! Feeling ko maghhyperventilate ako. Magkakasakit ako sa puso. Lahat na! Kinikilig ako! Super.

Si Joshua na crush ko, sya rin pala yung secret admirer ko. :)

(A/N: Ano kayang mangyayari ngayong alam na ni Annika na si Joshua ang secret admirer nya?)

Is It You? [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon