Chase
"Ah okay, I love you, too,"
What the heck.
» dismissal
Matagal na naming napag-usapan na tuwing Wednesday ay magha-hang out kaming apat, alam na rin iyon ng mga magulang namin kaya sigurado na iyon every week.
"Ano, lika na?" Tanong ni Cheska nang tumayo na sya at kinuha ang shoulder bag nya.
Hindi ako umimik. Hindi ako mapakali.
"Wait, saan kayo pupunta?" Ani ni Francheska na hindi pa nakakauwi.
"Magha-hangout," ani ni Patrick.
"Wait, saan nga ba tayo pupunta ngayon? I mean, saan tayo magha-hang out?" Sabi ni Kenzo habang inaayos ang bag nya.
"Gusto ko sa mall," ani ni Cheska na ngayon ay nagre-retouch na.
"Sure," sabi ni Kenzo at Patrick.
"So, pwede nga ba akong sumama?" Tanong ni Fran.
"Just make sure na hindi kami malalagot sa parents mo, at payag sila," ani ni Kenzo.
"Okay, papaalam na ako,"
» 5 minutes later
"Okay daw," sabi ni Fran nang bumalik sya sa classroom.
"Good," tumango si Patrick at kinuha na ang backpack nya.
"Lika na?" Anyaya ni Cheska.
"Ilan ba tayo?" Tanong ni Kenzo. "Ako, si Pat, si Ches, si Fran, at..."
"Si Katrina," ani ni Pat.
"Oo nga. Asaan ba sya?" Sabi ni Kenzo.
"Ayun oh, sa sulok," natauhan na ako sa pagkatulala ko nang tinuro nila ako.
"U-huh?" Tanong ko.
"Lika na.." Sabi ni Cheska.
"Okay," ani ko at tumayo na sabay kuha ng bag at phone ko. "Paano tayo, commute?"
"Malama---" hindi pa natatapos ni Pat ang sasabihin nya nang sumabat si Fran.
"No, guys, pumayag si mommy na magpahatid na lang daw tayo sa driver namin. Nandoon naman na iyon sa labas, so, tayo na?"
"Ge," sabi ni Kenzo at lumakad na.
"Hindi sasama si Kate?" Nagtataka kong tanong. Usually kasi, gustong gusto noon sumasama sa hang outs naming magkakaibigan.
"Nah, broken pa ata yun," ani ni Cheska.
Tumango lang ako at sumunod na kay Fran.
"Katrina, bakit ka lutang kanina?" Tanong ni Patrick nang naglalakad na kami sa loob ng mall.
Pumasok na kami sa Starbucks at nag-occupy ng table. "Ako na magoorder. Ano sa inyo?" Tanong ni Pat.
"Coffee Jelly Frappuccino akin," sabi ni Cheska.
"Strawberries and Cream Frappuccino," ani ko na medyo lutang pa rin.
"Raspberry Truffle Mocha sa akin," sabi ni Fran habang may tinetext.
"Same with Fran," sabi ni Kenzo.
"Yun lang?" Paninigurado ni Pat.
Tumango kami.
"'Dyosa' yung name ko ah, hihi." Pahabol ni Cheska.
Tumango sya, "Sa inyo?" Tanong ni Pat.
"Katrina mismo. Walang kaechosan," sabi ko nang hindi man lang tumitingin sa kanya.
"Okay," aniya at pumunta na sa counter.
» few minutes later
"Bakit ka nga ba parang wala sa sarili mo, Cassy?" Tanong ni Cheska habang iniinom yung kanyang frappe.
"Oo nga e," sabat ni Pat habang nagi-iPad.
Binitawan ko ang phone ko at tumingin sa kanila, "Kasi kanina, bumulong si Karl ng... 'I love you' habang kausap ako," matamlay kong sinabi.
"Pero diba nga, ayaw nya na daw sayo!?" Ani ni Cheska habang ino-on yung Macbook Air nya.
"Wait, wait, ang gulo na nya talaga!" Sabi ni Kenzo nang tumigil sa kaka-iPad.
"I knew it!" Sabi ni Fran at nilapag sa desk ang iPhone 6 nya.
Nagulat kami nang medyo napalakas ang tono ng boses nya. Tumingin kami sa kanya at hinayaan syang magsalita.
"He only wants the chase, Katrina,"
BINABASA MO ANG
How to Unlove You (On an indefinite break)
Teen FictionIt's easy to forget you, it's painless to find another one to replace you, it's simple to get over you, but how can I do these things, if I don't even know how to unlove you?