Chapter 6

59 2 0
                                    

Why

"He only wants the chase, Katrina,"

Damn, she was right.

At halos buong bonding namin, wala ako sa sarili.

"Huy, Katrina!" Ani ni Pat nang ginulat ako.

"Bakit?" Natauhan na muli ako.

"Kanina pa kami nagtatanong kung gusto mong mag-cine!" Sabi ni Cheska.

"Ah, sige..." Pagsagot ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Umakyat kami sa escalator, pumatungo kami sa floor kung saan yung cinema.

"So, ano gusto nyong panuorin?" Tanong ni Kenzo habang tinitignan ang nakapaskil na posters ng movies na pinapalabas ngayon.

"Horror gusto ko e," ani ni Fran.

"Taken 3 na lang!" Sabi naman ni Cheska.

"Ako din, Taken 3," sabi ni Pat.

"Bahala kayo, basta ako sunod-sunod lang," sabi ko.

"Majority wins! Sorry, Fran," pang-asar na sabi ni Pat.

Nag-pout si Fran at padabog na tinadyak ang paa nya na parang bata, "Ano ba yan!"

Wala na syang nagawa at sumunod na lang rin saamin. Hindi ko gusto 'yong papanuorin, pero ayoko ng magreklamo pa.

"Alam nyo guys..." Sabi ko pagkabili ko ng popcorn. Sinalubong namin si Patrick na kabibili lang ng tickets.

"Ano?" Tanong ni Cheska na pakuha-kuha sa popcorn.

"Tama ka, Fran..."

"Huh?" Tanong ni Francheska na parang walang alam sa pinaguusapan habang sumisipsip sa drinks nya.

"Noong gusto ko pa sa kanya, iniwan nya ako sa ere. Tapos iniiwasan ko sya, nagpaparamdam sya. At kapag babalik naman ako sa kanya, sasabihin nyang ayaw nya sa akin," umiling ako, "You're right... He only wants the chase."

Pumasok na kami sa loob ng cinema. Nagsimula na ang movie kaya kaagad na kaming humanap ng upuan namin, napili namin na pumwesto sa taas, dahil para sa amin mas maganda doon.

"Pustahan tayo, ang boring nito," sabi ni Fran at umirap, hindi pa rin talaga sya makuntento at gusto manuod ng nakakatakot.

"Doon ka na lang nga sa dulo, para matakot ka. Oh edi ganun pa rin, parang horror," pangasar ni Patrick at bumelat kay Fran.

Di ko na pinansin pa ang kulitan ng dalawa at dumiretso na sa upuan.

» after the movie

"Ang cool!" Sigaw ni Cheska habang papalabas kami ng sinehan.

Nagsumbatan sila ni Patrick ng mga nagustuhan nila sa movie, at kaming tatlo naman nila Fran, Kenzo, at ako ay O.P.

Hindi ko ganoon na-enjoy yung movie, hindi kasi talaga ako mahilig sa action. Si Fran naman, expected na hindi talaga nya magugustuhan dahil simula pa lang ng pelikula, kontra na sya. At si Kenzo naman, panay lang ang pag-gamit ng phone nya kaya siguro hindi nya ganoon nasubaybayan ang kwento.

"Sht," natigil ako ng narinig kong nagmura bigla si Cheska at tumigil din sila ni Patrick sa pagkekwentuhan.

"This is seriously not a good time for a predicament," ani naman ni Kenzo na naka-awang ang bibig.

Sina Patrick at Fran naman ay nagtataka kung bakit ganoon ang reaksyon nung dalawa, pati tuloy ako ay naguluhan na rin.

Tinignan ko kung saan sila nakatingin at nakita si Karl na may kasamang babae, probably Jeanette Walton.

Oo, maganda sya, kaya lang ma-pimples, morena, kinapos sa height, at hindi naman mukhang matalino. Sorry na kung bitter pero alam ko namang lamang ako sa babaeng 'to.

Napalunok ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko maipagtatanggi na naiinis ako, and at the same time nasasaktan din ako.

For pete's sake, why am I feeling like this!?

How to Unlove You (On an indefinite break)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon