Chapter 4

60 2 2
                                    

How

"Give me one week,"

"One week to move on?" Tanong ni Patrick nang bumik sya saamin pagkatapos nyang mag-order ng isa pang McFloat.

Tumango ako.

"Aasahan namin 'yan, ah," ani ni Cheska.

Nag-smirk ako sakanila at hindi na nagsalita pa.

"Let's go?" Tanong ni Kenzo.

Tumayo na kami at bumalik sa school.

» inside the campus

Pumatungo na kami ni Kenzo pabalik ng room, nahiwalay saamin sina Cheska at Patrick dahil may gagawin pa daw sila, si Ches pupunta kay Fran, si Pat naman ay pupuntang CR. Naparami ata ang kain, lol.

» kinabukasan

"Oh, ngayon ang start ng one week mo, ah!" Ani ni Patrick nang sinalubong ako pagkapasok ko ng room.

"Since today is Wednesday, edi tapos ka na by next wednesday, okay?" Sabi ni Cheska.

Umiling lang ako at tumawa, "Opo!"

"Asan si Kenzo?" Tanong ko nang naka-upo na ako sa upuan ko.

Hindi pa nakakasagot sina Pat sa tanong ko nang may pumasok. I knew it was Kenzo.

"Oh, ayun naman pala e," ani ni Cheska.

Tumango lang si Patrick.

"Kenzo!" Sabi ko at tinapik ang upuan sa tabi ko na tila inuutusan syang tumabi na kaagad sa akin.

"Today's the day," aniya at nilapag ang bag nya sa upuan sa gilid.

Smirk lang din ang sinagot ko sakanya.

» few hours later, break time

As what we got used to, sabay-sabay kaming apat lumabas ng room papuntang cafeteria. Pero this time, we were with Kate.

"Kate, kamusta na kayo?" Tanong ni Cheska nang na-occupy na namin ang isang buong table.

"Oo nga, ni Marc?" Sabat din ni Patrick.

Wala syang imik.

"LQ?" Ani ko, iyon talaga ang pangunahing dahilan na naisip kong pwedeng nangyari.

Tumango sya.

"Kaya pala matamlay ka," nanghihinayang na sinabi ni Kenzo.

"What!? Eh parang kahapon lang hinaharana ka pa nya ah," nanlaki ang mga mata ni Cheska.

Oo nga pala, hinaharana pa sya noong isang araw, eh bakit ganito na ngayon?

"Mukha ba akong masaya noon habang hinaharana nya ako?" Aniya.

"Hindi ko nakita reaction mo e," umiling si Cheska.

"Hindi naman kasi. Sinusuyo nya ako noon, hindi lang basta hinaharana," sabi nya at tumingin sa paligid.

"Aruy. Bakit ba kasi?" Sabi ni Pat.

"For those past weeks, hindi nya pinaparamdam saakin yung pagmamahal nya. Tas noong nagsungit na ako, saka lang sya magiging sweet uli? Damn, he needs to show that he deserved my 'yes'," aniya at umirap.

He needs to show that he deserved my 'yes'.

I nodded as agreement, "You have a point,"

"Tsaka... Sawa na rin ako sakanya," umawang ang bibig ko.

"Whaaaaa-aaat?" Nanlaki ang mga mata nilang lahat pati na rin ako.

Pinatong ni Kate ang siko nya sa lamesa at nilagay naman ang baba nya sa kamay nya, "Hindi ko na kasi sya feel,"

"Aww," sabay-sabay kaming apat na napa-awang muli ang bibig.

"And..."

"Oh, ano nanaman!?" Ani ni Patrick na tila kinakabahan at hinihintay ang susunod na bibitawang mga salita ni Kate.

"May iba na akong natitipuhan,"

"Ohmygod," sabi ko at tinakpan ang bibig ko.

"And who's the lucky guy that would be Marc's enemy?" Tanong ni Cheska.

"Si Levi," walang alinlangang sinabi ni Kate.

"Oh..." Sabi namin ni Kenzo at tumango ng dahan-dahan.

"Teka, narinig ko ata ang pangalan ko?" Nagulat kaming lima nang nabosesan namin kung sino ang nagsalita, si Levi pala.

Siya si Levi Gabriel Perez, fellow grade nine student kaso nga lang from the other section. Gwapo sya, moreno, matangkad, at maangas ang dating kaso nga lang medyo may pagka-bad boy din. Pero pag dating sa love, I bet he's serious.

Naramdaman kong sinipa ni Kate ang paa ko kaya tumingin ako sakanya. Hindi sya mapakali habang kinakagat ang labi nya.

"Levi Castillo. Hindi ikaw, so wag kang assuming," sinagip ko si Kate.

Wala syang imik, tingin ko pakiramdam nya napahiya siya saamin. Tumango lang sya at nilagpasan na kami.

"Sht," sabi ni Kate at nakahinga ng maluwag.

"That was... Really, really, really, really close," ani ni Cheska.

Sumingit si Patrick, "Pasalamat ka kay Katrina,"

Nagtawanan kami.

» back to classroom

Wala pang teacher, pero limang minuto na ang nakalipas nang magsimula ang oras ng Science class. Mukhang may sakit ata ang teacher namin, at wala pang nahahanap na pwedeng substitute.

"I almost forgot to give this to you," ani ni Kenzo at inabot sa akin ang isang box.

Tinignan ko ito tsaka binuksan. I then felt indeed touched. Nakalagay sa takip, "Yo ma main bitch! ILYSM" At sa bawat pag-hila dito, lumalabas sunod-sunod ang mga pictures naming magkasama simula pagkabata.

"What does ILYSM mean?" Mahinang pagkasabi ni Karl pero malakas na para marinig ko.

"I love you so much," pagsagot ko.

Nawindang ako sa susunod na bulong na narinig ko, "Ah okay... I love you, too,"

How to Unlove You (On an indefinite break)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon